RJ's
Bata pa lang ako, ginawa ko nang tambayan 'tong bahay nila Meng. Palagi kasing busy mga magulang ko tapos wala akong makakasama sa bahay kaya dinadala na lang muna nila ako sa bahay ng kaibigan ko.
Dito rin sa bahay na 'to namin ginawa ang aming bucket list. Naaalala ko pa iyon, mga bata pa lang kami. Si Mingming ang tagagawa ng bucket list namin tapos ako ang tagasulat. Sinulat ko iyon sa isang 1/4 sheet of paper. Tapos tinago namin yung papel na iyon sa plastic bucket ni Mingming. May takip pa ang bucket na iyon. Tapos, nilagay namin yung plastic bucket sa ilalim ng kama niya.
"Junior."
"Mingming?"
"Kanina ka pa walang kibo dyan. Ikaw naman ngayon ang may malalim na iniisip. Siguro iniisip mo na kung paano mo ako ililibing nang buhay."
"Huy! Hindi ko yun gagawin, 'no. Napakalawak ng imagination mo. Baka pinrito na ako ng tatay mo kapag ginawa ko yun sa'yo."
Tumawa na lang siya tapos kinuha ang kanyang phone.
"Kaya ako pumunta sa bahay niyo para makausap ka, tapos gagamitin mo lang iyang phone mo?"
"Kanina ka pa kasi may iniisip. Sige, pag-isipan mo muna mga desisyon mo sa buhay. I can wait."
"Tapos na ako mag-isip Meng. Dali, laro tayo ng video games."
"Ayoko, tinatamad akong buksan yung TV."
"Maglaro na lang tayo ng Monopoly."
"Nakakatamad ligpitin."
Naglalaro na siya ng Sims Mobile sa phone niya kaya wala na akong nagawa. Tumayo na lang ako tapos nag-ikot ikot sa kwarto niya. Tapos, nakita ko ang plastic bucket na nasa ilalim ng kama niya.
"Meng."
"Hmm?"
"Nasa iyo pa rin pala 'tong bucket na 'to," sabi ko habang nilalabas ang bucket.
"Oo naman. Alam mo naman ako, tamad mag-ayos ng kwarto. Nandiyan lang iyan ever since nilagay natin dyan."
Ang daming alikabok ng laruan. Binuksan ko ang takip tapos ang dami rin palang kung ano-ano sa loob nito.
"Akala ko, yung bucket list lang ang nasa loob ng laruan na 'to."
"Ah oo, nilagay ng nanay ko dyan yung mga paper boats na ginawa ko. Pakalat-kalat daw kasi sa kusina noon."
Tinanggal ko isa-isa yung mga laruang bangka hanggang sa makita ko yung papel na pinagsulatan ko noon. Ang papel na ang laman ay ang bucket list namin.
"Ang hirap na basahin ng nakasulat dito ha."
"Aba syempre, dati pa iyang papel na iyan eh. Buti nga hindi kinain ng daga."
Tinapat ko sa table lamp ni Meng ang papel para mabasa yung mga pinagsususulat ko doon.
"Go to the beach together."
Tumayo si Meng at tumabi sa akin. "Ay, dalawang beses natin iyan nagawa!"
"Edi check na 'to. Uhm, eat ramen together."
"Sixteenth birthday ko!"
"Check na rin. Watch a movie together."
"Maraming beses na."
"Study together. Meng, bakit puro together?"
Natawa siya bigla. "Aba malay ko sa sarili ko! Pero infer, nagawa natin lahat ng nasa listahan na iyan."
Binasa ko yung mga natitirang nakasulat sa papel tapos napatigil ako sa huli.
"Mingming."
"Junior."
"Hindi natin nagawa lahat."
"Ha? Ano pa yung hindi natin nagagawa dyan? Dali, gawin na natin ngayon habang wala pa tayong sariling pamilya!"
"Ayun na nga eh. Hindi natin magagawa."
"Bakit naman?"
"Eh kasi ang nakasulat..."
"Cliffhanger ka pa dyan. Ano nga?"
"Get married daw."
Napatigil din siya sa kakasalita. "Ay."
BINABASA MO ANG
Friends with a Twist [DISCONTINUED]
FanfictionRJ and Maine, friends since birth (like, literally since birth), thought they would end up being lovers but ended up being "just friends" instead. How ironic, because they promised each other as kids that they would be marrying each other no matter...