30

35 5 7
                                    

11:05 pm

Razen: hey max

seen.

Maxine: sino ka?

Razen: kaibigan ako ni ace

seen.

Maxine: brb gonna block u

Razen: WAIT

Razen: WE NEED YOUR HELP

seen.

Maxine: at bakit ko naman kayo tutulungan?

Razen: nasa bar kami

Razen: ace is wasted

Razen: ayaw niyang umuwi

Razen: please help us

seen.

Maxine: may kasalanan pa yan sakin pati yung kapatid niya lol

Razen: i'm begging you please help us 

seen.


Razen Park is calling..

Accept I Decline


Maxine's POV

Sinagot ko yung tawag pero di ako nagsasalita

"Hello?" May narinig akong boses na pamilyar sakin, Si Ace.

"Sino kachat mo Razen?" Tanong ni Ace na halatang lasing na lasing.

"Ah-- Wala lang." Nauutal na sambit ni Razen.


*Boogsh*


"HOY ACE BAKIT MO BINAGSAK CELLPHONE KO" Sigaw ni Razen.

"Ah-- Wala lang hehe." Natatawang sambit ni Ace.


Nabalot ng katahimikan at bigla nalang akong nakarinig ng mahinang hikbi.


"Tangina mga pre. Ang sakit." Sabi ni Ace habang naiyak

"Hindi ko naman sinasadya na itago kay Maxine yung totoo."

"Natatakot ako baka masaktan din siya ni Aidan kaya I tried protecting her. Kilala niyo naman yung gago kong kapatid"

"The first time I saw her, I knew it the she was the one. Siya yung gusto kong makasama pero it turns out na may gusto pala siya kay Aidan."

"I tried telling her na fuckboy si Aidan which is true. Kasi alam niyo naman diba--" Napahinto siya ng ilang minuto.


Tapos he began crying again.


"Bakit ganun? Lagi nalang si Aidan. Bakit hindi nalang ako? Lahat nalang inagaw niya sakin" Hagulhol niya

"Lahat nalang ng mahal ko inaagaw niya tapos in the end sinasaktan niya."

"Tangina hindi pa nga rin ako makamove-on eh. Ilang taon na ang nakalipas simula ng mawala siya." Sabi niya kaya naman napakunot ako ng noo.


Sinong siya? Sino ang nawala?


"Wala na si hillary pre, wala na yung taong sobrang minahal k--" Sabi ni Ace kaya naman bigla kong naibaba yung telepono.


So rebound lang ba ako? Teka bakit ang sakit?


"Tangina naman." Sambit ko habang pinunasan yung mga luha galing sa mata ko.


Mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas na ng bahay.


Sasapakin ko si Ace pagkatapos nito.


Razen's POV

"Wala na si hillary pre, wala na yung taong sobrang minahal ko noon. Hindi ko mapapatawad si Aidan kahit kelan." Sabi ni Ace. Napailing nalang kami kay Ace, lasing na lasing na talaga siya.

"One more Balkan please." Sigaw niya sa bartender kaya naman napasapo nalang kami.


Binulungan naman ni Mhyr yung bartender na juice ang ibigay kay Ace. Hindi talaga heavy drinker si Ace, he's like okay.


"Hmmm. Bakit nagiba lasa ng Balkan?" Sambit ni Ace habang tinitignan yung glass na may juice.

"Uhm sir, lasing lang po kayo kaya po iba na panlasa niyo" Nakangising sagot nung bartender.


Tinitigan lang ni Ace ng masama yung bartender kaya naman napalunok ito.


"Ahh, ganun ba yun? hehehehehe okay" Natatawang tugon ni Ace at ininom ang juice. Kaya naman nakahinga kami ng maluwag. Akala namin manununtok bigla si Ace.


Ininom niya yung juice at bigla nalang napabagsak.


Napathumbs up yung bartender kay Mhyr.


"Nilagyan ko ng pampatulog yung juice ni Ace, mahirap na may pasok pa tayo bukas." Sabi ni Mhyr kaya napatango nalang kaming lahat.


Binuhat ni Allen si Ace at nagsimula na kaming maglakad. Napatigil naman kami nung nakita namin si Maxine.


Agad agad tumakbo si Maxine papalapit kay Ace at napabuntong hininga nalang.


"Max, can you take care of Ace? Panigurado may matinding hangover to bukas" Nahihiyang tanong ko kay Maxine.


Tinitigan lang niya ako at halata sa mukha niya ang pagaalinlangan kaya agad ko naman itong binawi.


"Or not? hehehehe hayaan--" Naputol ang sasabihin ko dahil tumango bigla si Maxine.


"Okay good. Hatid nalang namin kayo sa condo ni Ace." Seryosong sambit naman ni Allen.


Sumakay kami sa van ni Allen at nabalot ng katahimikan ang buong van.



Ace | Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon