23

40 6 8
                                    

8:24 pm

Ace: oyyyyyyyy

seen.

Ace: pansinin mo akooo

seen.

Ace: uy maxine

seen.

Ace: luh

seen.

Ace: anyare sayo?

seen.

Ace: maxine????

seen.


Ace Kim is calling you..

Decline | Accept



Ace: uy : (

seen.

Maxine: bakit?

Ace: fINALLY

seen.

Ace: kala ko di ka na magrereply sakin

Ace: anyare sayo?

seen.

Maxine: mabagal lang net hahahahahahaha

seen.

Ace: hmmm

seen.

Ace: san ka?

Maxine: bahay

seen.

Ace: hmmm

seen.



Maxine's POV

Pinatay ko na yung cellphone ko dahil kinukulit ako ni ace. Gulong gulo na ang isipan ko. Kanina pa ako iyak ng iyak dito sa may park.

Hindi ko ineexpect na ganun pala talaga si aidan. Pilit ko man isipin na hindi siya yun pero wala eh nasaktan talaga ako.

Nakatungo lang ako habang nagswiswing dito, walang katao tao rito. Buti nalang gabi na, para walang nakakakita sakin. Napapikit nalang ako at nagisip isip.


"Akala ko ba nasa bahay ka?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko siya makita masyadong madilim dito sa park. Pero alam ko kung sino siya dahil sa boses niya.

"Anong ginagawa mo rito, Ace?" sagot ko naman sakanya sabay pinunasan ang mga luha ko.

"I was worried about you." he said.


Hindi ko maiwasang mapangiti ako kaya naman hindi ko nalamang siya sinagot.

Katahimikan ang bumabalot sa parke. Magsasalita sana ako ngunit pagtingin ko nawala na siya.


Napatingin ako sa cellphone ko dahil nakita kong nagchat si ace, 


8:45 pm

Ace: oy diyan ka lang babalik ako

seen.


Di ko nalamang siya sinagot. Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

Makalipas ang ilang minuto, tumunog nanaman ang aking cellphone kaya tinignan ko ito.


9:01 pm

Ace: naiyak ka nanaman?

seen.

Ace: naiyak ka ba?

Maxine: 

Maxine: 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

seen.


Narinig ko ang mahinang pagtawa niya habang palapit siya. Kaya napangiti na rin ako.

May inabot siyang supot sa akin kaya naman napakunot ang noo ko.

"Ano yan?" tanong ko sakanya habang kinuha ang supot.

"Supot?" inosenteng sagot niya.

"Gago" sabi ko at binuksan ko yung laman nung supot. 

Punong puno ito ng ice cream at chocolate. Dumampot siya ng dalawa at binigay niya yung isa sakin.


"Cheer up, mas lalo kang napanget HAHAHAHAHAHA" natatawang sabi niya. Napatingin ako ng diretso sa mata niya.


Tumayo ako sa swing at kinuha yung ice cream na hawak niya. 

Nginitian ko siya kaya naman napangiti na rin siya.


"Ayan ngumiti ka lang, mas bagay sayo yan" sabi niya.


Magsasalita pa sana siya ngunit nagulat na lamang siya dahil mahigpit ko siyang niyakap. 

Napapikit nalamang ako at napaiyak habang yakap siya.

Ace | Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon