24

34 6 3
                                    

Ace's POV

Napatawa nalang ako sa sinend niya picture. Nakakatuwa siya, kahit na ang lungkot lungkot niya nagagawa pa rin niyang tumawa.

She's one of the strongest person i know.

Ang ganda niya lalo na kapag nangiti siya. Isa ata ito sa mga rason kung bakit ko siya nagustohan.

Inabot ko sakanya ang supot na pinamili ko sa malapit na convenience store. Nakita kong kumunot ang noo niya, kaya naman napangiti ako lalo. Ang cute niya talaga.

"Ano yan?" tanong niya habang kinuha ang supot mula sakin.  

"Supot?"  sagot ko naman dito habang nakangisi.

"Gago" sabi niya at binuksan nalamang ang supot para tignan kung ano ang laman.   


Kumuha ako ng dalawang ice cream at inabot ko sakanya yung isang ice cream.


"Cheer up, mas lalo kang napanget HAHAHAHAHAHA" natatawang sabi ko sakanya para pagaanin ang loob niya.  Nakatitig lang siya sa mga mata ko.


Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. Tumayo siya bigla sa swing at kinuha ang ice cream na hawak ko.


Sa wakas, ngumiti na siya at umabot ito sa kanyang mga mata. Kaya naman, napangiti na rin ako. 


"Ayan ngumiti ka lang, mas bagay sayo yan" sabi ko sakanya.


Sasabihin ko sana na kainin na niya ang ice cream niya bago matunaw ngunit nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.


Bumilis ng todo ang puso ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Napatingin ako sakanya at napansin kong naiyak nanaman siya.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at niyakap ko nalang siya pabalik at hinayaan siyang umiyak.


isa

dalawa 

tatlo..


Mahigit tatlong oras na siyang naiyak habang yakap ko. Masakit para sakin na makita siyang ganito.

Hindi niya deserve ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kahit gusto kong akuin ang sakit na nadarama niya, wala akong magawa kundi tignan lamang siya at masaktan. Sana ako nalang siya.



Narinig kong tumigil ang paghikbi niya kaya naman tinignan ko siya at nakita kong tulog na pala siya. Tila ba para siyang anghel na natutulog ngunit nakaharang ang kanyang mga luha sa mga mata niya. Mabilis akong napatingin sa orasan ko at nang makita ko kung anong oras na. Dahan-dahan ko siyang binuhat at naglakad patungo sa kanilang tahanan.



Mabilis akong nakarating sa kanyang bahay at di na ako nagdalawang isip na pumasok dito. Umakyat ako patungo sa kwarto niya at saka siya inihiga. Kinumutan ko siya at umupo lang ako sa may tabi niya.

Pinagmasdan ko lang siya. Napakaganda niya talaga, di ko napansin na napangiti na pala ako. Mahina akong napatawa.

Ilang minuto at narinig ko siyang may sinasabi.


"Aidan.." bulong nito. Napangiti nalang ako ng mapakla. 

"Pati ba naman sa pagtulog mo siya pa rin nasa isip mo?" Napailing nalang ako at saka lumabas sa kanyang silid.





12:38 am

Ace: goodnight princess! cheer up please

Ace: sabay tayo later HAHAHHAHAHAHAHAHAHA sunduin kita ah

Ace: see you tulog na ako

Ace Kim logged out.




Ace | Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon