Maagang nag-umpisa ang araw ni Shaine. Dahil hindi nakapagpapawis kahapon ay nakadalawang ikot siya sa subdivision. Pagkatapos mag-jogging ay naupo siya sa swing sa playground ng village park.
Dahil maaga pa, madalang pa ang mga batang maglalaro sa playground. Nakita niyang naglalakad papunta roon ang cute na batang si Miguel. Natutuwa siya sa chinitong bata, sa matatambok na pisngi nito na namumula sa tuwing naaarawan. He is seven years old, but the child is bigger that his age. Natutuwa rin siya sa pagiging bibo nito. Madalas niya itong nakikita sa village park kapag weekend.
"Hi Miggie!" nakangiting bati niya na may kasama pang kaway.
"Hello!" nakangiting sagot nito, bumitaw ito sa kamay ng babaeng kasama at patakbong lumapit sa kanya. "Bakit hindi kita nakita kahapon?" tanong nito nang makalapit.
"Nagkasakit kasi ako. Upo ka?" alok niya sa bata.
"Ah. Sabi ko nga kay Yaya, something is wrong eh," anito na naupo sa katabing swing.
"Okay na ako yesterday. Kaso I have to rest pa kaya hindi ako nakalabas. Why, did you miss me?" nakangiting tanong niya sa bata.
Hindi ito sumangot pero nakita niya ang nahihiyang ngiti nito sa mga labi. Ang babaeng kasama nito ay nakalapit na rin sa kanila. Ngayon lang niya nakita ang babae, madalas na ang yaya lang ang kasama ni Miguel, pero kahit ngayon lang niya ito nakita, sigurado siyang ito ang ina ng bata dahil magkamukhang-magkamukha ang dalawa.
"Hi," nakangiting bati niya sa babae. "I'm Shaine," inilahad niya ang kamay.
"Hello, I am Didith, Miggie's mom. Glad to finally meet you," inabot nito ang kamay niya. "Matagal na kitang gustong makilala, kami ng asawa ko, actually. At para sagutin ang tanong mo, oo, namiss ka n'yan," nakangiting sagot nito.
"Ang sweet naman. Thank you, Miggie. And I missed you too," aniya, na ginulo pa ang buhok nito.
Ngumiti lang ang bata sa kanya.
"Wow! Hinayaan ka lang n'yang guluhin ang buhok n'ya," ani Didith. "Kung ako ang humawak, World War III na 'yan," natatawang sabi nito.
"Mommy!"
"Bakit pala gusto n'yo akong makilala?" tanong niya kay Didith.
"Lagi kang bida sa bahay. Excited 'yan kapag magweweekend na, kasi makikita ka na raw n'ya ulit," nakagiting sabi nito. "At nauunawaan ko na kung bakit. Maganda ka palang talaga. Magaling pumili ang anak ko."
"Mommy!" si Miguel naman ay tumayo sa swing at pumadyak pa.
"What? Wala naman akong sinabing masama, ah. Hindi ko naman sinabi na you have the biggest crush on her, di ba? Hindi ko rin naman sinabi na you like her eyes, her smile and her soft and long natural brownish hair."
"Mommy!" anito sa mas malakas na tinig na ikinatawa nilang dalawa ng ina nito. "You're embarassing me," protesta nito na nanunulis pa ang nguso.
"Bakit? Wala namang masama kahit malaman n'ya na you like her, di ba?"
"Oo nga. Ikinahihiya mo yata na you like me, eh," ani Shaine sa bata. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Tiningnan siya nito at umiling. "When I grow-up as tall as Daddy, I will make you my girlfriend."
Lalong lumuwag ang pagkakangiti ni Shaine dahil sa sinabi ng bata. Muli niyang ginulo ang buhok nito.
"You're so adorable!" aniya, hindi niya napigilang pisilin ang mga pisngi nito.
"Mabuti na lang pala napaaga pa rin ako ng punta. Kung hindi, maaagawan ako ng sweetheart ng wala akong kaalam-alam," anang boses na kilalang-kilala na ni Shaine.
BINABASA MO ANG
My Sweet Surrender (COMPLETED)
RomantikLove Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyon. Gagawin ko ang lahat, mapasagot lang kita."