Chapter 9

4.2K 157 12
                                    


"Lover boy alert," sabi ni Aileen.

Pauwi na sila at nakalabas na sa bangkong pinagtatrabahuhan nang makita ni Shaine ang binatang nakasandal sa kotse nito. May hawak itong boquet ng bulaklak. Hindi niya napigil ang ngiti sa mga labi.

"Oy, masaya na s'ya," ani Aileen sa kanya. "Isa na lang ang broken-hearted girl na aasikasuhin ko," tukoy nito kay Cheryl. May pinagdadaanan ngayon ang kaibigan nila.

Mahigit tatlong linggong nasa Palawan ang binata, ngunit kahit na malayo ito sa kanya, hindi ibig sabihin na nawalan sila ng komunikasyon. Mas lalo nga niyang nakilala ang binata. Those intellectual late night talks makes her see the depth of his personality. They talk anything and everything under the sun. Minsan nga ay nauuwi pa sa debate. Marahil ay mas nakatulong pa nga na sa telepono sila nag-uusap dahil hindi siya nagagambala sa mga titig at ngiti nito, na nangyayari sa tuwing magkaharap sila.

Magkausap sila kagabi at magpadala din ito ng text message kaninang umaga, pero walang nasabi ang binata na pauwi na ito, kaya isang malaking sorpresa ang makita ito ngayong hapon.

"Aileen, halika na," yaya ni Cheryl dito.

"Ano ka ba?! Sandali lang. Sweet scene ahead, o," protesta nito habang hinihigit ni Cheryl sa direksyon kung saan nakaparada ang kotse nito.

"Para na sa kanilang dalawa 'yan. Halika na," ani Cheryl, patuloy pa ring pilit na hinihigit si Aileen gamit ang isang kamay.

May ngiti sa mga labing maglakad ang binata palapit sa kanya. Ang puting polo shirt nito ay humahakab sa matipunong balikat at braso ng binata, nakasuot ito ng asul na pantalong maong at sneakers. Hawak nito sa isang kamay ang bulaklak, habang ang kabilang kamay naman ay may dalang dalawang ecobag na may tatak na Coron, Palawan.

"Hi," ani Euan, iniabot ang bulaklak na hawak sa kanya.

"Hi yourself," ani Shaine. Her hands are trembling and she felt giddies inside. She breath deeply to collect herself.

Iniabot ng binata ang ecobag sa mga kaibigan niya. Matapos magpasalamat sa pasalubong ng binata ay muling hinila ni Cheryl si Aileen, na nagpahigit na sa kaibigan. Kumaway muna ang dalawa bago lumulan sa kotse ni Aileen at umalis.

"Ipinagpaalam na kita kanina sa Nanay Millie," anito habang nagbibiyahe sila. "Pero, ipinangako kong uuwi rin tayo nang maaga dahil may pasok ka pa bukas."

"Salamat," tugon niya sa binata, nawala na sa loob niyang magpaalam sa tiyahin na hindi siya makauwi nang tama sa oras ngayon.

Matapos mag-dinner sa isang restaurant sa Nuvali ay muli silang nagbiyahe pa-Tagaytay. Comfortable silence is between them, but she is fidgeting on her seat. His nearness makes her nervous but excited at the same time.

Hindi na siya nagulat na sa loob ng subdivision sila pumunta ng binata. Nasabi na nitong minsan na sa lugar na ito maladas magpalipas ng oras ang binata, lalo na sa tuwing may matatapos na stressful na project. At hindi siya nagtataka kung bakit. Ang magandang tanawin sa harap nila ay sapat na para makalimutan kahit panandalian ang ano mang alalahanin. The beautiful contrast of darkness and bright city lights makes you realize how tiny your worry is, compared to the vastness in front of you.

Inalalayan siya ni Euan papunta sa isang nipa house. Ang itsura ay yaong katulad ng mga nasa resort, gawa ito sa kawayan at ang bubong ay cogon leaves.

"Comfortable?" tanong ng binata matapos niyang maupo sa bangko sa loob ng nipa house.

"Yes. Thank you,"  hinawakan niya ng mahigpit ang canister ng kape na binili nila kanina paakyat sa Tagaytay.

Nararamdan niya ang paunang lamig sa balat dulot ng malamig na klima sa lugar na ito. Maliwanag sa loob dahil may ilaw na binuhay ang binata pagpasok nila roon.

My Sweet Surrender (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon