“See you tomorrow,” ani Shaine bago isinarado ang pintuan ng kotse ng kaibigan at katrabaho niya na si Aileen. Kinawayan din niya si Cheryl na nakaupo naman sa backseat. Tatlo silang magkakaibigan at magkakatrabaho sa iisang bangko. At dahil sa iisang subdivision sila nakatira, nakagawian na nilang magsabay-sabay papasok at pauwi para mas makatipid sa gasolina. Gumanti naman ng kaway si Cheryl at bumusina muna si Aileen bago tuluyang umalis.
Habang kinukuha ni Shaine ang susi ng gate ay napakunot-noo siya at napalinga sa paligid, hinanap ang pinanggagalingan ng tunog ng gitara.
“Is it okay if I call you mine, just for a time, and I will be just fine, if I know that you know that I’m wanting needing your love… ohhh.”
Bago tuluyang itulak ang gate pabukas ay napapikit si Shaine nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Kahit isang beses pa lang niyang narining ang boses, alam niya kung sino ang kumakanta.
“If I asked of you is it alright, if I ask you to hold me tight, through a cold dark night, cause there maybe a cloudy day in sight, and I need to let you know that I might be needing your love, ohhhh…”
Ayaw mang aminin ni Shaine, at gaano man ang pagpigil niya, hindi niya napigil ang unti-unting pagbilis ng pintig ng puso. Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa gate.
“Like when I hear your name or see a place that you’ve been or see a picture of your grin, or pass a house that you’ve been in, one time or another. It sets off something in me I can’t explain and I can’t wait to see you again.”
Hindi rin napigilan ni Shaine ang mapalingon sa lalaki. Sadyang malamyos ang tinig nito. Masarap pakinggan. At nahigit niya ang hininga nang magtama ang paningin nilang dalawa. His intense stare almost made her step falter.
“Oh, babe, I love your love… ohhh.”
Napakapit si Shaine sa strap ng bag na dala. Nagbaba ng paningin si Shaine dahil hindi niya magawang salubungin ang pagtitig ni Euan. Nakaupo ito sa teresa ng bahay ng tiya niya, katabi si Marson na may kung anong ginagawa sa laptop. Sa harapan ng mga ito ay may nagkalat na mga papel. Kung hindi siya nagkakamali ay drawing iyon para sa panibagong water refilling station na itatayo ng mga Tiya Millie.
“And what I’m trying to say isn’t really new, it’s just the things that happen to me, when I’m reminded of you…”
“Oh, Shaine. Nadiyan ka na pala. Tumawag na ang Tiyo Andres. Nagtataka nga kung bakit wala ka pa,” ani Marson habang patuloy pa rin sa kung anong ginagawa sa laptop.
“Salamat, Kuya. Tatawag na lang ako sa Tatay,” ani Shaine. Nakasanayan na ng ama na tumawag sa landline tuwing alas-syete ng gabi, basta alam nito na hindi siya nag-extend ng oras sa trabaho. Sinabihan na niya ito noon na sa cellphone na lang tumawag, pero sa tuwina ay laging sa landline pa rin natawag ang ama. At alam niyang paraan lang nito iyon para masiguradong nakauwi na siya ng ligtas sa bahay.
Kahit hindi kita ni Shaine ay alam niyang nakasunod ang tingin ni Euan sa kanya. Ramdam niya ang pag-init ng magkabilang pisngi. Nang makapasok sa loob ng bahay ay noon lang niya pinakawalan ang hininga na hindi niya alam na naipit sa kanyang baga.
“Oh, narito na pala si Shaine,” anang tiyahin niya.
Napangiti na lang si Shaine. Nasisigurado niyang nakailang tawag na tiyak ang ama niya. Matapos magmano sa tiyahin ay inabot niya rito ang telepono at naupo sa sofang katabi noon.
“Hi, Tay!”
“Bakit ginabi ka?” anito, bakas sa boses ang pag-aalala.
“Matraffic po. May inumpisahang road construction sa may national hiway. Kumusta po kayo?” malambing na sagot ni Shaine.
BINABASA MO ANG
My Sweet Surrender (COMPLETED)
RomanceLove Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyon. Gagawin ko ang lahat, mapasagot lang kita."