PROLOGUE

9 1 0
                                    

Paano kung isang araw bigla na lang siyang nawala? Walang pasabi, walang paalam - nothing. Parang walang nangyari. Parang isang masamang panaginip lang ang lahat. Paano kung gano'n? Matatanggap mo ba?

Gano'n kasi ang nangyari sa akin. Isang araw bigla na lang siyang nawala. Akala ko babalik lang siya, akala ko sandali lang. Ilang araw ang lumipas; linggo, buwan, taon pero wala pa rin siya. Hindi ko na alam kung saang sulok ng mundo ko pa siya hahanapin. Hinanap ko siya sa mga lugar na pwede niyang puntahan. Sinubukan ko na ang lahat. Tinawagan ko siya araw-araw. Araw-araw rin akong nag-email sa kanya. Halos araw-araw ko ring tanungin ang mga kamag-anak niya tungkol sa kinaroroonan niya pero wala.

Akala ko kaya ko.

But-

He left. He gave up on me. Bigla na lang siyang sumuko when in fact he promised me he never will. Ang sabi niya pa no'n, hinding-hindi niya ako iiwan kahit na anong mangyari, kahit gaano pa kahirap. Kaya minsan hindi ko mapigilan ang sarili kong maisip na kasalanan ko ang lahat, na ako ang may mali, that I wasn't enough.

I really couldn't help but ask why? Bakit ako? Bakit ganito? Bakit iniwan niya ako nang gano'n-gano'n na lang? Hindi ko ba deserve na pagpaalaman? Siguro may mga sarili siyang dahilan pero sana naman nag-explain siya, kahit kaunti, kahit 'di ko naman maintindihan eh susubukan ko pa rin siyang intindihin. Gano'n ko siya ka-mahal.

But as time went by, natutunan kong muli ang bumangon sa sarili kong mga paa. I learned how to love myself more and harder this time. Natutunan kong tanggapin ang nangyari at patawarin na lang ang sarili kung totoo man ang aking mga pagkukulang.

Minsan iniisip ko, "Paano kung bumalik siya?" Hindi ako sigurado kung hinihiling ko bang bumalik pa siya o kung sana hindi na.

Hindi pa rin ako sigurado kung napatawad ko na ba siya after six years. Hindi ko pa rin alam kung paano ako kikibo kung isang araw higla na lang siyang dumating ulit sa buhay ko.

Mahal ko pa ba siya? Hindi na? Oo? Siguro? Hindi mo naman siguro pwe-pwedeng i-unlove ang isang tao 'di ba? Ewan. Oo, hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko talaga alam. Ayaw ko na munang isipin. Bahala na.

We Can't BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon