Chapter 3: The Contract

95 4 3
                                        

VICE PRES' POV

"Hello? Secretary, nandyan ka na ba sa office ko?" ngayon lang kami natapos sa meeting na pinapahanda nung batang ungas.. Ngayon, papunta na ko sa office nya para magreport agad? My goodness!

[Yes sir!] aba walang hiyang secretary to, sigawan daw ba ko sa phone?!

"Kontrolin mo nga yang boses mo! Sakit mo sa tenga! Asan na yung bata?"

[Yun nga sir, kaya di ko makontrol sarili ko, nawawala si TSidoshi!]

"Ganun ba.." bigla naman akong natigilan. "ANO?!!! NASAN NA?!!!"

[Malamang nasa labas po ng office Vice, di nag-iisip..]

"ANO?!!! WALA KA TALAGANG KWENTA! SUMASAGOT KA PA!" bastusing secretary to! =_=# "BAKA MAKITA SYA NI SIR YAN! HANAPIN MO SYA DALI!!!"

[Yes Sir!!]

toot.toot.toot..

Sira talaga to, di pa hinanap agad! Bobo mo secretary!!! X(

Naku po eto na ko sa office ng ungas..

"Sino ba yung babaeng nakita ko kanina sa 4th floor?"

"Huh? uhmm.." naku po, nakita na nga! x(

"Naka-school uniform sya, anong agenda nyo sa kanya? -_^"

"Uhm.. Sir Yan, wala po akong agenda sa kanya, pero si Madam meron. Ang alam ko po, pinahatid sya dito ni Madam Azaki."

"Kay mama? B-bakit?"

Hmm..mukang kinakabahan na ang batang ungas na to.. kung ganun, nasabi na nga ng madam. Wahaha!

"Hindi ko po alam Sir."

"O-okay.." saka nya inayos ang salamin sa mata. "Uhm, nag-check ako ng attendance ng mga employee, bakit may absent na isa?"

Naku po.. pahamak talaga ang Meyli na yon. =_=# "May sakit po. Pero mga ginawa nyang trabaho kahapon na kailangan ngayon, pinadala po kanina."

"Don't care to her works. Fire her!"

"Yes Sir.." tatalikod na sana ako pero.. "Pero sir, may sakit po talaga sya."

"Ayoko nang sakitin dito. Do as what I've said!" ang taray!

IZUMI'S POV

Nasan na ba ako? =_=?

Hayun! May malaking pintuan! Ang galing! Parang yung pintuan sa mall na pinuntahan namin ng classmate ko!

Kusang nagbubukas kapag may lalabas o papasok ^^,

Wala namang nagbabantay sa pinto. Magaling magaling! Takbooooo!!!

"Teka, bakit di nagbubukas? Nandito na ko sa tapat ha? =_=?"

May password ba to?

A? Alam ko na!!!

"OPEN SESAMEEEEEEE-"

"AYUN YUNG BATA!!!" Hmm?

"Hala! Yung MIB! Patay!" naku naman nakita pa ko >.<

"TATAKAS KA PA HA! SUMAMA KA SA MIN BUBUWIT!" bulyaw nung isang mib sa kin. Waaa!

"BAKIT KASI AYAW MONG BUMUKAS PINTUAN KA?! PAHAMAK!"

"Talagang hindi yan magbubukas para sa'yo dahil pinasara lahat ni president para di ka makatakas!"

"ANO?! ANO BA KASING KAILANGAN NYO SA KIN?!!! WALA NA! TAPOS NA KLASE KO! UWIAN NAAA! TT_TT"

"HINDI NAMIN TINATANONG! HALIKA NA!"

Wala na akong nagawa. Binitbit ako ng MIB sa kung saan. Baka naman.. kukunin nila ang laman loob ko?! WAAA!!!

Hello, Wife?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon