IZUMI'S POV
Ewan ko. Dito rin humantong ang aking pag-iisip.
"Umupo muna kayo Mr. Vice, maya-maya lang po e bababa na ang madam." sabi ng katulong kay Vice.
"Vice, ang laki ng bahay ni Madam. Parang palasyo!" bulong ko kay Vice pagkaalis ng katulong.
"Kaya humanda ka, dahil dito ka na titira mula ngayon."
"Good Morning Vice." sabi ng bagong dating na babae. Palapit sya sa'min. At wow! Ang ganda nya. Pati yung suot nyang damit, sosyalin!
"Madam, kasama ko si Miss Tsidoshi, sya yung nakausap ko para maging asawa ng anak nyo.
"Talaga? Magaling ka pumili ha. Maganda sya. Ilang taon ka na iha?"
"16 years old na po ako." agad kong tugon. Pero napansin kong biglang nawala ang ngiti nya.
Pati tuloy ako napanguso sa reaksyon nya.
"Vice, minor pa sya. Sana yung ka-edad na lang ng anak ko."
"Ok lang po isip Minor din naman yung anak nyo." sagot ni vice na ikinagulat ata ni Madam. Lumaki bigla yung mata! Mas lalo akong natakot!
"What? Are you insulting my son?"
"N-no madam, muka pa kasing minor ang young master kaya ko nasabi."
"Ganon." tugon ng madam. "By the way, ako si Azaki, you can call me tita Azaki or Mommy. Pero kapag wala ang anak ko, don't call me that way."
"Opo madam."
"Good. Nag-aaral ka pa ba?"
"Opo, senior high school po."
"From now on, you'll take home study na lang. Di ka na papasok sa school nyo. So whenever we need you, nandito ka lang sa'min. Okay."
"Opo."
"Kapag tinanong ka ng anak ko about backgrounds, alam mo na ba ang isasagot mo?"
"Madam! Na-orient ko na po sya, nag-review na rin po kami, kaya alam na alam na po nya."
"Okay good."
"Good morning Young Master." dinig ko mula sa labasan ng palasyong ito. Parang nagsalita in chorus. Bakit kaya?
"Hoy Izumi, nandyan na yung brat, umayos ka na." sambit ni Vice.
"Brat? A opo."
"Good Morning Yan, mabuti naman at napaaga ang pagbalik mo. Narito na ang wife mo." pagsalubong ng madam dun sa lalaki.
"A Talaga? Nasan na?" ano kayang itsura nya? Mukang matipuno. Humarap ka na please.
"There she is." turo sa'kin ni madam.
"Good Morning Hubby- WHOAH!"
"Izumi, b-bakit?" pag-usisa sa'kin ni vice. Grabe hindi ko sya masagot dahil nagulat talaga ako nang makita ko ang itsura ng Yan na 'to. OMG.
"Why Izumi? Is there a problem?" usi din ni madam.
OMG. Sya yung nabunggo ko dun sa office. Yung mataray na lalaki. Hala ka.. pano yan, nakita na nya ko e!
Yumuko na lang ako. "Sorry pero di ko na po ito magagawa!" sambit ko sa kanila sabay takbo palabas.
"IZUMI!" dinig kong tawag ni vice.
"Paano pa ako magpapanggap, nakita na nya ako bilang highschooler lang! Tapos sasabihin kong College Graduate ako at nagmula sa France?! Oh nose talaga!"
Nakarating na ko sa gate ng palasyo kaso may biglang humila sa braso ko. Paglingon ko nagulat talaga ako. "Naku po!"
"Bakit ka tumakbo?"
"Huh? Ano e. Sorry na.."
"Para saan?" binitiwan na nya ang braso ko at naging malumanay ang boses nya.
"Hindi mo ba ako natatandaan?"
"Uhm.. I know you. We met just yesterday."
"Naku! Sabi ko na e! Sorry na!"
"Why you're so sorry?"
"Young Master este Sir! Nagso-sorry sya kasi hindi ka nya kinilala agad kahapon. Nahiya daw po kasi sya." sabat ni vice na biglang sumipot sa harapan namin.
"Bakit naman kasi ang bata ng kinuha nyong asawa ko? High school pa lang sya e. Right?" Naku po.
"Pero sir, may proper breeding naman po sya dahil galing sya sa mayamang pamilya. Galing sya sa France."
"Talaga? Parang hindi naman. I know, who is she. Kapatid nya yung isa nating employee. Right, Miss?"
"Naku po.." sambit ko at napatakip na lang ng muka.
"Haha!"
Nagulat naman ako sa pagtawa nya kaya napatingin ako sa kanya habang unti-unti kong ibinababa ang mga kamay ko.
"What's the problem here?" tanong ni madam na sumunod pa sa amin.
"Mommy, are you serious? Minor, a breed of a poor family? Hinahamon nyo ba akong ito ang ipapahandle nyo ng company kung di ako umuwi para hawakan yung company nyo? Okay, wala akong magagawa dahil asawa ko na sya."
"Anak, sorry.."
"No.. sya ang pinili nyo para sa'kin. Okay, from now on, I'll take care of her." nanlaki ang mga mata ko nang akbayan nya ako at halikan sa noo. Waaa! Anong ginagawa ng lalaking ito?!
![](https://img.wattpad.com/cover/16055738-288-k931447.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, Wife?
ComédieAko si Izumi Tsidoshi.. Isa akong senior hs student. Pumayag akong maging instant asawa ng isang young oh so rich handsome guy na nagngangalang Yan Feng.