Mga Mura

12 0 0
                                    

Mga Mura

Inyong bigyang pansin,
Gustong humingi ng paumanhin.
Tulang inyong babasahin,
Mga mura ang sasabihin.

Ako'y isang bigo,
Pag-ibig ko'y ginago,
Pusong binigay ng buo,
Isinoli niyang durog.

Isang malutong na Tang-ina
Ang sayo ay aking ipupuna.
Walang ibang pinakita
Kundi kabaitan sayo tuwina

Isa akong malaking bobo,
Nagpakatanga sa iyo
Pinaikot lamang pala ang ulo
Mula umpisa hanggang dulo.

Punyetang pag-ibig yan
Sino ba ang may gawa niyan
Dahil kahit ang tang ina , gago, tanga bobo at punyeta
Ay hinding hindi maiaalis ang sakit na nadadama ni ganda.

June 16, 2018 2:55 pm

Mga KatagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon