Mahal, pakinggan ang mga salita
Pasensiya na at naghintay ka sa wala.
At hindi namalayang ako'y nagkaroon ng iba
Balikan natin ang taong ika'y nakilalaPag ibig ang nadama
Yun pala ay isa lamang akala
Akalang panghabang buhay na
Yun pala'y napunta lang sa walaPero ika'y hindi sinisisi sa napala
Lahat ng ito ako ang may gawa
Kaya mahal, kahit ang dalawang taon ay nakalipas na
Ika'y mahal pa rin pala.Pasensiya na sa nagawa
Hiling lamang ay bumalik ka na
Sa lalaking itong nasasaktan na
At gusto ng makapiling kaIto na ang huling stanza
Lalaking mahal na mahal ka
Alay sayo ay ang tula
Please lang, bumalik ka na.
