Mananayaw

18 0 0
                                    


Ako si gandang mahilig sa sayawan.
Ako'y sa inyo'y ipapaalam
Sa isang indak ng katawan,
Mayroong naumpisahan.

Ngunit yun aking akala,
Hindi napansin ang babala.
Akala ko'y kikinang na parang tala
Yun pala'y mababalewala.

Uulitin ko, hindi ako galit
Si ganda'y masyadong mabait
Di kayang magtanim ng hinanakit
Ngunit hinding hindi na ulit lalapit.

Pagkakaibigang ibinagay,
Distansya lang ang nagwalay
Isang salita lamang ang alay,
Ang katagang "BABAY!"

June 11, 2018 2:38 pm
komposisyon ni Ganda

Mga KatagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon