Gusto kong isumbat sayo 'to
Sakit na nararamdaman sa aking puso.
Ngunit natatakot na ito ang maging dahilan ng tuluyang paglayo
Umpisahan natin ang kuwento.
Ikaw ay aking mahal at alam kong ikaw rin
Ngunit hindi maiwasang aking mapansin
Matang mayroong lihim na damdamin
Siya pa rin pala ang iniisip na palihim
Ngunit hindi na ako nagdududa
Salitang "mahal kita" ako'y naniniwala
Pero di maiwasang maghinala
Sa bandang huli, siya pa rin ba?
Ako ngayo'y masayang lumuluha
Hapdi at sakit ang nadadama
Taong akala ko'y akin na
Mukhang hindi pa pala.
Ganda
March 09, 2020
