Mahal kita, Gusto kita.
Mga katagang nais iparating sayo,
Ngunit ang boses ay hindi mahanap,
Na para bang binaon na sa limot at alaala. Mga katagang may siyam na letra ngunit ang sinisimbulo ay kunag pa ang pinagsamang mga numero at letra.
Mga letrang hanggang sa papel na lamang at hindi na maibibigkas pa at hindi mo na maririnig pa.
Kahit na rinig na rinig ko na ang paghihikahos at pagwawala ng aking dibdib, na minsa'y napapasabi na lang ng "tama na."
Tama! Tama na, tama na, tama na.
Tama na ang mga ito.
Tama na ang pag-iisip.
Tama na ang sakit.
Sakit na nadadama sa tuwing naaalalang kahit anong aking sabihin ay wala kang maiintindihan.
Ngunit akin na lamang iintindihin dahil akin namang nadadama na hanggang dito na lamang ito.
Hanggang dito na lamang ang pag-ibig ko sayo.
Dahil ang pag-ibig mo ay nasa iba na at hindi ko na madadama pa.
Pero bago ko tapusinang tulang alay para sayo, akin ng babanggitin.
Mga katagang aking nililihim.
Mahal kita, gusto kita.
Kahit walang pag-asa.CTTO
Anonymous
*for personal safety
