25~

31 1 3
                                    

Yo~ Here's an update 'cause I'm feelin' gooood XD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

R's POV

It's been a week simula nung umalis ng Pilipinas si Ree. And guess what? MISS NA MISS KO NA SIYA ToT Buti na lang din nakilala ko sila CL (kahit hindi ako masyadong kinakausap ni CL). At least may kasama ako diba? Isama mo pa yung barkada ni Blaze. Mukha nga daw kaming isang batalyon eh. HAHAHA XD

Pagkarating naman ni Ree sa US, hindi naman niya ako binigo. Tinawagan naman niya ako agad through Skype. Gusto niyong malaman kung ano yung convo namin? Ayaw mo? Edi wag. Basta ako iku-kwento ko :P

Flashback

Chine-check ko yung instagram ko nang may biglang tumawag sakin. Hmm, unknown number? Sinagot ko rin naman ito.

"Hello?"

[Hello? WAAAAAAAAH R SI REE 'TO!!!] nailayo ko naman yung phone ko sa tenga ko. Jusko, sumigaw ba naman? -____-

"Makasigaw naman 'teh! Hahaha. Oh, kumusta naman ang byahe? May jetlag ka ba?" tanong ko naman. Syempre naman, concerned pa rin ako noh!

[Wala naman. Ano na, skype na tayooo~] sabi naman niya.

"Sige sige. Ioopen ko lang yung laptop." sabi ko at ibinaba na ang tawag. Agad ko namang kinuha yung laptop ko sa may desk at binuksan ito. Pagkabukas, Skype agad ang inatupag ko.

ReeDyosa is now online...

Yown! Online na oh XD (pagpasensyahan niyo na ho ang kanyang username. Masyado hong nagfi-feeling dyosa ang best friend ko eh. Pagbigyan hahaha)

"BEEEEEEEEEEEES!!!" sigaw nanaman ni Ree pagka-connect nung videocall namin. Hindi naman siya mahilig sumigaw ngayon no? Jusko, ang taas ng energy! Akala mo hindi lumipad papuntang US eh. HAHAHA

"Oy kalma! Mahiya ka nga! Yang boses mo jusko. Kawawa naman sila tita!" sabi ko at natawa. Napa-pokerface naman siya.

"Psh, yaan mo sila." sabi naman niya bigla sabay nangalumbaba. Problema nito?

"Oy teh, anong problema mo? Ba't nakabusangot agad yang mukha mo aber?"

"Eh kasi naman eh. Naalala mo nung sinabi ko sayo na pinayagan ako mag-stay sa EA? Ayun, parang wala lang silang sinabi na payag sila. Dito ko na daw tapusin pag-aaral ko eh. Ewan ko ba sa kanila." sabi naman niya.

"Hala bakit? May problema ba? Dahil ba 'to sa nalaman natin tungkol sa EA?" tanong ko. Napatango naman siya.

"Para daw sa security namin. Alam mo naman diba, may business nga sila dad, mayaman kami, pero ayaw naman namin na madamay sa mga nanggugulo sa EA." sabi niya.

"Naiintindihan ko. Ayos lang yan. Para rin naman sa safety yan ng family niyo eh. Basta, lagi mo pa rin akong kakausapin ha? baka naman maging snob ka na jan! Hmp." sabi ko at pabirong nagtampo sa kanya.

"Sus! Ikaw nga jan eh. Baka naman may ma-meet ka na iba tapos ako na yung hindi mo pansinin." sabi niya at siya naman ang pabirong nagtampo.

"Baliw. Di yaaan! Basta ba eh lagi pa rin tayong may communication, 'di ba?" sabi ko at ngumiti.

"Aba! Oo naman!" sagot naman niya pabalik. 

Nagchikahan lang din kami, maya-maya ay nag-out na rin siya kasi magpapahinga daw muna siya. Pinatay ko na rin agad yung laptop ko at natulog na rin ako.

End of flashback

Nandito kami ngayon sa cafeteria nila CL. Lunch break eh. Nandito rin sila Blaze. Nasa iisang table lang kami at heto, nagtatawanan nanaman dahil sa kakulitan nitong si Tres.

"Baby!!! Subuan mo na kasi ako pleaseee?" sabay pa-cute niya kay CL.

"Eh kung isaksak ko kaya 'tong kutsara hanggang sa ngalangala mo? Gusto mo?" mataray na sagot naman niya kay Tres.

"Sabi ko nga hindi na..." mukha namang batang napagalitan 'tong si Tres. Ayun, nagsimula nanaman kaming magtawanan.

"Grabe pre! Ang angas-angas mo pag tayo tayo nila Blaze magkakasama eh ba't ngayon para kang maamong tupa? Shet pre nababakla ka na ba?" pang-aasar naman ni Zeke.

"Gago! Ako pa pinagtripan niyo ha! Tignan niyo lang pag tayo nakaalis na dito, humanda kayo saking mga siraulo kayo!" sabi naman ni Tres.

"CL oh! Si Tres!" pagsusumbong naman ni Zeke. Tinignan naman ng matalim ni CL si Tres ng matalim. Natahimik nanaman si Tres.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawanan naman namin sa table. Dahil sa pagkayamot, nag-badfinger si Tres kay Zeke nang nakatalikod na si CL. Dahil dun, lalo pa kaming natawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Uwian na namin. Palabas na kami ni Blaze ng gate nang may humarang sa amin.

"Sir Blaze, pinapasabay po kayo sa akin ng daddy ninyo." huh? Si daddy? Bakit naman kaya?

"Kasama siya?" tanong ni Blaze.

"Yes sir." sabi naman niya. Inakbayan naman ako ni Blaze at sabay na kaming lumakad papunta sa kotse. Inabot naman ni Blaze yung susi dun sa isang lalaki, ipapauwi na lang niya siguro.

Ibinaba kami nung lalaki sa office ni daddy. Hmm, ano naman kaya ang gagawin namin dito?

To be continued...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Luh. Ano kaya ang mangyayari? Miski ako di ko rin alam eh XD Short update na lang muna! At least kahit short, may update diba? XD

Nga pala, inalis ko na po yung character ni Tasa (lol) ha? Hindi na po si Nana. Gagamitin ko po kasi si Nana na ibang character ko eh, okay? :) Sorry ang gulo ToT 

Scarlet on the side >>>>>>>>>>>>>>>>>

The E. AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon