33~

18 0 0
                                    

A/N: Hi readers! (kung meron pa man hehe) sorry sa short and late update. Di 'to writer's block, tinatamad lang talaga ko :'( I want to finish this story ASAP. Pero magiisip muna ako ng ending hehe. Ayoko ng may book 2 eh, katamad XD Oh basta. Hanggang dito muna. Nagloloko kasi laptop ko eh so possible na ang next updates ay itatype ko sa mobile or laptop ng nanay ko. Aaaand this will be my last draft (kung magloko man ulit laptop ko. Wag naman sana hehe). The next updates, posibleng on the spot na lang so pagbigyan. Hehe okay yun lang! Have fun reading! (sana)





———————————————————————————————————-





CHAPTER 32

R's POV



Maaga akong gumising para makapag-handa. Nakapag-usap usap kami nila CL na magkita kita muna sa isang abandonadong park para makapag-practice tutal gabi pa naman ang drag racing.

Dinala ko ang kotse ko na madalas kong ginagamit noong kami pa ni kuya Lloyd ang nagda-drag race. Mabuti at nasa kondisyon pa rin ito kaya maganda ang takbo. Blaze insisted on fetching me, pero sinabi kong kaya ko naman pumunta mag isa kaya hinayaan niya na lang ako.

Nang makarating ako'y nakapark ang ilang mga kotse. Napansin ako ni CL na dumating kaya naman lumapit siya sa akin.



"Nice car." Sabi niya. Napangiti naman ako. Pinuntahan na rin namin sila Yvonne na ngayo'y kumakain. Naglagay sila ng tent. Inayos nila ito nang nakarating sila.

"Hi Pat! Good morning! Kain ka oh." Yaya sa akin ni Faye. Bumati rin naman ako at sinamahan silang kumain.

"Malapit na raw sila Tres." Biglang sabi ni CL. Nagtanguan naman kami. Maya-maya ay narinig ko na ang maiingay na sports car ng mga lalaki. Nagsibabaan sila at sabay sabay na pumunta sa tent naming.

"Teka, sa pagkakatanda ko ilan lang ang sinali ni Nico sa drag race ah? Bakit lahat tayo may dalang sasakyan?" tanong ni Zeke.

"Wala lang. Practice na rin namin ng drag racing. Tagal na nating hindi nakapag drag race no!" biglang sambit ni Tres. Napaisip ako bigla, kaya ko pa kayang mag-drift katulad ng dati?



Maya maya ay nagsipuntahan na kami sa kanya kanyang kotse. Ako ang pinauna nila at si Blaze. Susubukan daw nila kung kaya ko talaga. Tumango na lang ako at sumakay na sa kotse ko.

Pa-square ang park na ito. Mayroong ibang daanan pero magmemeet din naman ito sa dulo. Kahit papaano ay may sharp curves naman ito kaya mabibigyan talaga kami ng pagkakataong makapag-drift. Mabuti na lang rin at malawak ang park na 'to. Nagtaka ako bigla kung bakit naging abandonado ito.

Inistart ko na ang kotse ko at naghanda na para sa gagawing drag race. Lumakad sa gitna si Zeke na may dalang flags.

"Ready..." sabi nito. Napatingin naman ako bigla sa kotse ni Blaze. Napansin kong nakatingin din siya sa akin. "Get set..." napabalik naman ang tingin ko sa kalsada. Inihanda ko na ang sarili ko. "GO!" agad kong pinatakbo ang sasakyan ko. Napansin ko namang sumabay sa akin si Blaze. Maya maya ay dumikit siya sa kotse ko na agad ko namang naiwasan. Damn it, Blaze! Kakapa-customize ko pa lang nito! Natawa naman siya nang nakitang nakasimangot ako. Agad ko siyang inunahan. Maya maya ay may paliko akong napansin. Kaagad naman akong nag-drift. Napangiti ako nang nagawa ko ito ng malinis.

"Nice!" sigaw ni Blaze nang mapantayan akong muli. Napa-smirk naman ako. Maya maya ay idinikit ko ang kotse ko sa kotse niya. Napabangga naman siya sa gutter. Narinig ko ang malutong niyang mura na nagpatawa sa akin.

"That is why you don't mess with me, Blaze." Sabi ko at ipinaharurot muli ang sasakyan ko.

Natapos ang race naming ni Blaze at lahat sila ay binate ako.

"I didn't know you were that good." Nangingiting sabi ni Zeke. Napangiti naman ako. Inihanda naman ni CL at Tres ang kanilang mga sasakyan dahil sila naman ang magre-race.

"Pat! Let's watch this. This will be a good one!" napapalakpak na sabi ni Faye. Tumabi naman ako sa kanya at nanood.

Sanay akong under si Tres kay CL. Na lagi niya itong pinagbibigyan but not on drag racing.

Nagulat ako ng walang sabi sabi ay idinikit ni Tres ang sasakyan niya sa sasakyan ni CL. Tumama rin ang kotse ni CL sa gutter. Narinig ko ang malakas niyang mura na nakapag-patawa kila Zeke.

Malinis ang pagd-drift nila. Napapangiti ako pag nakikitang itinatama ni Tres ang kotse niya sa kotse ni CL. Malapit lapit na sa finish line si Tres nang biglang pinaharurot ni CL ang kotse niya at ginitgit ang kotse ni Tres, dahilan para mawala sa track ang kotse ni Tres at manalo si CL. Lalong lumakas ang tawa nila Zeke nang makitang bumaba si Tres na nakasimangot. Sinipa pa nito ang gulong ng sasakyan niya na lalong nagpatawa sa kanila. Sumakay ulit si Tres at sumunod kay CL na nagpark ng kotse.

"That's why you don't mess with me, babe." Natatawang sabi ni CL sa nakabusangot na si Tres. Inakbayan na siya ni Tres pero hindi pa rin makatingin si Tres sa kanya. Natawa ako dahil parehas din kami ng sinabi ni CL.

"Tss. Pinagbigyan lang kita!" asar na sabi ni Tres. Natawa naman bigla si CL.

"Ows? Gusto mo round 2?" tumawa naman bigla sila Nico.

"Wag na, CL. Baka mainis pa yan at hindi na sumipot mamaya. Congrats!" natatawang sabi ni Blaze.



Matapos naming makapag race lahat, pumunta kami sa restaurant na malapit dito sa park at doon kumain ng lunch. Ilang oras rin ang inabot naming kaka-drag race.

"Anong oras tayo magkikita kita?" tanong ni Faye.

"Mga 5pm. Sa school na. Yung mga sasali lang magdadala ng sasakyan ha?" sabi ni CL habang kumakain. Napatango naman kami. Napag-usapan naming magsiuwian muna sa kanya kanya naming bahay at magtext o tumawag na lang sa isa't isa pag may concerns. Sumakay ako sa kotse ko. Naka-convoy sa akin si Blaze para masiguradong hindi ako pupunta sa ibang lugar kundi deretso sa bahay.

"Dito muna ako." Sabi ni Blaze nang makapag-park na kami sa bahay. Napatango naman ako.

"I'll sleep muna. Katukin mo na lang ako pag aalis na okay?" napatango naman si Blaze at pumasok sa guest room. Nagshower muna ako at chineck ang ilang social media accounts. Pagkabukas ko ng facebook ko ay may nagmessage sa akin na hindi ko kilala. Hindi ko rin siya friend sa facebook. Ang nakalagay sa message ay:

Hi princess. The game will start later. See you ;)

Chineck ko ang facebook account nito. Anon Stranger ang pangalan nito at walang picture o kahit anong posts. Natakot ako pero hindi ko na lang ito pinansin. Baka kung sino lang na walang magawa.

Natulog na lang ako para magkaroon din ng enerhiya sa gagawing drag racing mamayang gabi. Sana ay maging maayos ang laban.

The E. AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon