20~+AUTHOR'S NOTE

43 1 0
                                    

 May author's note po sa baba. Paki-basa po sana. Salamat :)

Maggie will be portrayed by Skarf's Tasha :) (Picture on the sideeee)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 20

R’s POV

Pagkadating ko sa datin bahay ko, pumasok agad ako. Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko si kuya na nakatayo sa tapat ng nakaupo at umiiyak na si Maggie habang pinagsasabihan ito.

“Oh kuya, ano bang nangyari?” pagkarinig pa lang ni Maggie sa boses ko, tumayo agad siya at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.

“WAAAAAAH!! ATE RAE!!! HUHUHU SILA MOMMY!!!” sabi niya pagkalapit sa akin.

“Teka lang Maggie, kumalma ka muna. Ito oh, dala ko yung favorite cake mo.” Sabi ko at ipinakita ang box na dala dala ko. Nagliwanag naman bigla yung mukha niya.

Pagkatapos niyang kumain ay ipinakwento ko na kung ano nanaman ang problema at bigla siyang napadpad dito (napadpad talaga eno XD)

“Eh kasi naman ate eh,” sabi niya na maluha-luha nanaman. “nag-aaway na madalas sila mommy. Tapos si ate Meg pa hindi ako kino-comfort. Alam mo yun? Kaming dalawa na nga lang ang pwedeng makatulong kila mommy sa bahay sa paraan ng pagkausap sa kanila pero hindi pa siya nakiki-cooperate. Alam mo ba ate, si mommy lagi na lang nasa kwarto. Si dad naman lagi nang late nauwi. Tapos everytime na lalabas si mommy sa kwarto niya pag gabi na naabutan niyang kakauwi lang ni dad, magsisigawan nanaman sila tapos biglang si ate, naka-party dress bababa tapos pupunta daw sa club with her friends.. Alam mo yun ate?! Nakaka-frustrate kasi eh!” sabi ni Maggie at humagulgol ulit sa akin. Niyakap ko naman siya. Nagkatinginan kami ni kuya.

“Hay, mukhang malaki nga ang problema nila tita. Teka, alam ba nila na nandito ka? Jusko, buti ba kung kayang mag taxi pauwi sa inyo eh pero hindi! Eroplano pa ang kailangan, Maggie! Baka naman pagalitan ka nila pag nalamang pumunta ka dito?” sabi ko.

“Tss, as if they care.” Sabi niya at kumalas sa yakap ko bago magpunas ng luha.

“Mag…” sabi ko sa kanya na may parang pambabantang tono at tinignan siya. Naluha nanaman siya.

“Eeeeeeeh!!! Ate dito muna ako please? Ayoko dun ate! HUHUHU! Lagi na lang nag-aaway sila mommy eh ayoko dun!!!” sabi niya at yumakap nanaman sa akin.

“Ah.. Eh pano yun? Dito ka muna?” tanong ko. Tumango naman siya.

“Basta promise me, 1 week ka lang dito, ha? May classes kasi ako ulit after 1 week.” Sabi ko.

“Bakit Rae? Wala kang pasok? Anong nangyari sa EA?” tanong naman ni kuya.

“A—ah wala, kuya. May inayos lang sa school.” Pagsisinungaling ako. Well, kalahati lang. Kasi totoo naman yan, hindi ko nga lang sinabi yung complete details. Tumango naman si kuya.

“Sige ha. Promise mo yan Maggie. Wag matigas ang ulo. Sasabihin namin sa mommy mo na dito ka muna, okay?” tinignan niya ako ng may pag-aalinlangan, pero sinuklian ko naman siya ng look of assurance.

“Oh, pano ba yan Raven, mukhang dito ka rin magsstay, ah?” sabi ni kuya. Oo nga noh, hindi rin naman kasi super close si kuya at si Maggie. Kami talaga ang close nito. Kaya siguro siya dito tumuloy kasi akala niya dito pa ako nakatira.

“Sige kuya, magpapaalam muna ako kila mommy. Uhm, ano, kuya, samahan niyo ako mamaya ni Maggie sa bahay. Mga 6 pm. Magpapaalam ako kila mommy tsaka kukuha ako ng ibang gamit.” Sabi ko. Tumango naman si kuya.

The E. AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon