29~

20 0 0
                                    

Hi guys! Happy New Year! :)

------------------------------------------

R's POV

December 23 ngayon, kaya naman naisipan kong bumili na ng regalo para sa tropa.

Pagkagising ko ay nagtext agad ako kay Blaze na samahan ako sa mall after lunch para makabili ng regalo nila. Sakto naman daw na bibili rin siya ngayon kaya sabay na daw kami.

"Sis, you going somewhere?" Tanong ni ate habang kumakain kami ng breakfast.

"Yup. Bibili po kami ni Blaze ng gifts para sa tropa." sabi ko at kumagat sa kinakain kong sandwich.

"I see. Sige. Ingat kayo ha?" Sabi ni ate. Tumango naman ako at nagpatuloy kumain.

Pagkatapos namin kumain ay nag-ayos na rin ako. Sa mall na lang siguro kami kakain ni Blaze. Maya-maya, nagtext siya na malapit na raw siya.

Pagkadating niya ay agad na rin kaming umalis papunta sa mall. Napag-usapan na rin namin na sa bahay gaganapin ang exchange gift.

F L A S H B A C K

Habang kumakain kami para sa victory party namin (NAKS HAHAHA), napag-usapan ng barkada ang pasko.

"Guys, saan kayo magpapasko?" Panimulang tanong ni Scarlet.

"Sa bahay lang ako. Wala sila daddy tsaka si Faye eh. Nagpunta sila sa US para asikasuhin yung business namin. Nagpaiwan na lang ako dito." Sabi ni Zeke habang kumakain. Napatango naman si Scarlet.

"I see. Sino sa inyo mga walang kasama sa Christmas?" tanong niya ulit. Nagtaasan naman kami ng kamay. Nagulat ako nang mapansing lahat kami ay walang kasama sa pasko.

"Kung ganito naman pala. why don't we celebrate Christmas together?" Biglang sabi ni Yvonne. Nagtanguan naman ang iba.

"Oo nga mga pre! Matagal-tagal na rin nang huli tayong magkasama-sama sa pasko ah!" Sabi ni Era.

"Sige! So it's settled. Teka, saan tayo?" Tanong ni Zeke.

"A--ah. Sa amin na lang. Aalis din naman sila ate nun eh." sabi ko. Nagtanguan naman sila.

"Yun! First time natin kila Pat. Mag-behave kayo ha!" Pabirong sabi ni Tres. Nagtawanan naman kami.

END OF FLASHBACK

So ayun. Napagpasiyahan ng barkada na sa amin magce-celebrate ng Christmas. Pot luck pa nga ang dapat na balak eh, nauwi rin sa pizza party. Pero sabi ni ate na ipagbe-bake niya raw kami ng cookies at cake bago siya umalis papunta rin sa bahay ng mga kaibigan niya. May party din daw kasi sila.

Pagka-park ng sasakyan ni Blaze, humanap na agad kami ng makakainan dahil hindi na namin maitatago ang gutom namin. 

"Uhm, ano ba ang mga gusto nila Zeke na regalo?" Tanong ko kay Blaze habang kumakain kami.

The E. AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon