27~

15 1 0
                                    

Pagpasensyahan kung panget. On the spot ko na ginawa eh XD

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 27

R's POV


"Sissy, wake up. 7 am na. Nandito na si Blaze." gising sa akin ni ate. What? Saturday ngayon ah?

"Ate, today's Saturday. Anong meron? Bakit siya nandito?" tanong ko.

"We're going to the shooting range. Hindi ba niya nasabi sayo?" nagtatakang tanong ni ate.

"Ah. Hindi po eh. Sige ate. Mag-aayos lang ako. Susunod na ako sa inyo sa baba." 

"Okay. Don't mind about the breakfast na. Dadaan na lang tayo sa sb." sabi in ate at lumabas na. Agad naman akong tumayo at pumasok na sa CR sa kwarto ko para mag-ayos.

***

"Thanks." sabi ko nang maibigay na sa akin ni ate yung inorder ko. Nandito ako sa kotse, naiwang naghihintay habang bumili ng pagkain sila Blaze at ate. I didn't mind since nai-connect ko naman yung iPod ko sa player ni Blaze dito sa kotse nya. Hehe ^_^v

"Sooo, let's go?" sabi ni ate at sumakay na sa shotgun seat. Nasa likod ako eh. Ayos lang. Team likod porebs HAHAHAHA

"Are you nervous?" tanong ni ate sa akin. Napatingin naman ako bigla sa kanya.

"Ah. Opo eh." sabi ko naman. Napangiti naman siya.

"Don't be. Ganyan din ako dati. Atsaka isa pa, family friend natin yung may ari ng shooting range. Wala kang dapat ipag-alala." sabi ni ate. Napatango naman ako.

Iniliko na ni Blaze yung kotse sa may isang malaking gate. Hmm, mukha atang private shooting range ito ah?

Pagkatigil ng kotse, bumaba na kaming tatlo. Malawak ang lugar. May pang airsoft din sila dito.

"Hi Steph! Long time no see!" sabi ng isang lalaki sabay yakap kay ate. 

"Hi Troy! Long time no see? Eh kakakita lang natin last last week ah?" natatawang sabi ni ate.

"Ah. Last last week lang ba yun?" natatawang sagot naman nung Troy. "Ah, who's this beautiful lady beside you?" sabi naman nung Troy sabay lapit sa akin.

"Hoy Troy. Wag yan. Kapatid ko yan." sabi ni ate at pabirong hinampas yung Troy sa braso.

The E. AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon