Chapter 1

42 9 1
                                    




Hindi magkandaugaga si Spring habang inaayos ang kanyang kwarto. May hinahanap siyang isang mahalagang bagay kaya halos baliktarin niya na lahat ng gamit sa kwarto upang makita ito.


"Asan na ba 'yon?!" Naiinis na sambit niya

She kept looking for it hanggang sa napagod na siya at napasalampak nalang sa sahig. Sinabunutan niya ang sarili at saka masamang tumingin sa paligid.

Samantalang ang kanyang Ama ay naghahanda ng makakain para sa kanilang dalawa nang marinig niya ang mga mabibigat na tunog na nanggagaling sa taas.


"Spring! Dahan-dahan naman diyan baka naman magiba na itong bahay natin!" Sigaw ng kanyang Ama


"Malakas lang talaga pandinig at pakiramdam mo Dad! Pero magigiba talaga tong bahay na 'to pag hindi ko pa rin nahanap!" Tila gigil nitong sigaw pabalik.


Napailing nalang ang Ama nito at saka nagpatuloy sa gawa. He can't argue with his daughter dahil baka magdebate nalang sila buong araw. They're too close to each other kaya parang magbarkada nalang turingan nila.

Simpleng bagay din pinagaawayan pero nagkakabati rin agad. You can say that their father and daughter relationship is quite strong and cool!

Parang magkuya na nga lang ang dalawa. Mga isip bata kasi -_-

Spring is the only child of Maximus. Her mother? She doesn't know anything about her mother. She only cares for her father most. Whatever the reason that is, she know there's something deep about it that she didn't want to bring up.


"Ano baaaa! Nakakainis na talaga!" Papadyak padyak nitong saad.

Sa kanyang pagpadyak ay may natapakan siya dahil sa sariling katangahan..

"Arayyyy!" Daing niya at parang tangang nagtatalon.


Yumuko siya para makita ang bagay na 'yon at nagdiwang siya! Sa wakas! Nahanap na rin niya ang matagal na hinahanap na parang ilang taon na hindi nakita.

Ang kwintas... ang kwintas na pinaniniwalaang binigay ng kanyang ina..


"Haaayyyy-"


"Spring naman! Talon ka ng talon jan! Sa pagkakaalam ko wala akong anak na palaka!" Nakapameywang na saad ng kanyang Ama.


"Dad... kelan ka pa naging bungangero?" Pigil tawa nitong saad


"Ha-ha corny mo" sabi nito at nagwalk-out.


Napailing nalang si Spring sa inasta ng kanyang Ama, parang bata!


🖤

End of Chapter 1

Teaser:

"Oh my goodness! Philippines here I come!" Sambit ng isang dalaga

Agad naman siyang hinila ng kanyang kapatid


"Nakakahiya ka! Act like a girl will you?!" Halos mabulol pa ito sa pagsabi ng 'nakakahiya ka!'

Her sister made a face pero sumunod na rin naman. Sumakay sila sa kotse at tahimik na bumyahe.

On the other side,Kace is having his photoshoot. Kanina pa siya naiinip kaya ang sama na ng mukha niya. He wanted to curse all the staffs working in the agency! Ikaw kaya magpictorial tapos ang init init pa!

"Dude! Chill ka lang! HAHAHAHA" sita sakanya ng kanyang kaibigan.

Sinamaan lang siya nito ng tingin at
umalis. Kahit kelan talaga mahirap intindihin ang ugaling kaibigan niya.

__

Kanina pa naglalakad si Summer sa mall. Napakaraming tao kaya naman panay iwas siya sa mga ito. Halos magkabungguan na nga ang mga naglalakad

"Ano bang meron? May sale ba?! Sana alam ko para hindi na ako dito pumunta" bulong niya sa sarili.

'Ang init' aniya sa kanyang isipan at hindi namalayang may nabunggo na pala siya.

"Miss sa susunod mag ingat ka naman!" Inis na litanya ng lalake at tinabig siya sa balikat.

"Hoyyy! Ang yabang yabang mo! Sayo 'tong daan ha? Sayo?! Bwisit!" Inis nitong sigaw sa lalakeng naglalakad na papalayo at tanging likod niya ang nakikita nito at ang kamay na kumakaway.


"Grrrr..."

___

Tahimik na nagbabasa si Winter ng libro sa library ng kanilang bahay. Lagi siyang nandito.. actually second floor nung library ay ang kwarto niya na.

Sinara niya ang libro at malalim na nagisip..

"Find...find that one" aniya.

Seasons of loveWhere stories live. Discover now