Chapter 6

6 0 0
                                    


Summer

Nasa guidance office ako ngayon hindi dahil may ginawa akong kagaguhan kundi dahil inaayos ko ang mga papeles dito. Tsk. Akala ko hanggang classroom lang ang pesteng trabaho ng pagiging presidente.

Bwiset diba? May mga cubicle kami dito hindi yung sa cr na cubicle ha? Common sense nalang. Inaayos ko ito dahil bawat president ng class may lugar dito.

Ang dami palang trabaho dahil shs na. Aba sana naman nandito lahat ng officers eh noh? Biglang bumukas ang pintuan dito pero di ko pinansin.

"Tulungan na kita jan. Walang silbi yung iba eh" saad ni..

Si spring pala. Napairap naman ako dahil totoo naman at siya'y tumawa lang. Buti nalang may kwenta ang Vice President ko.

"Nga pala.. may mga clubs dito. Saan ka magjojoin? Ako kasi since jhs nasa badminton club ako pati sa archery at isang volunteer student." Aniya.

"Maybe dance club? And volleyball siguro saka I'll join sa volunteers" saad ko habang nagbabasa ng letters.

Hindi love letters ha? Letter na galing sa president ng school at kung anong chuvanes.

"Naiintindihan mo ba to, spring?" Tanong ko.

"Ah, ako na bahala jan. Nga pala, marunong ka naman siguro mag basketball? Balak ko isali tayong girls sa women's basketball" sabi ni spring.

"Sounds interesting.. sige!" I said.

"Excuse me! Presidents, may meeting ang mga officers tomorrow 5-6:30 pm. Pag tapos niyo jan you can go home" anunsyo ni Sir Bern.

Tss. Meeting na naman? Kakaasar na 'tong eskwelahan na 'to. Pero dahil ako si Summer inirapan ko lang si Sir. Kahit naman maraming trabaho rito eh okay lang kesa magstay sa bahay namin.

"Hindi ka ba napapagod jan?" Tanong ni Spring habang nagsusulat at nagbabasa.

Wait. Oh! Pinipirmahan niya? Ah! Yung hindi ko magets kanina.

"Ito pala 'yung tinatanong mo 'diba? This is a proposal from the president of the school. Mga rules lang naman siya and whatever! Mga kaekekan ganun. Itong pirma is parang sinasabi na nag-aagree tayo sakanya." Blah blah blah.

Ang boring naman pala. Kung ano ano pa ang sinabi ni Spring pero napapairap nalang ako.

After namin matapos lahat ng mga letseng trabaho ay umuwi narin kami.

I was about to text mama na hindi muna ako makakauwi ngayon pero putang malas at lowbat pala ang phone ko.

Sus. Wala naman pake iyon kung hindi ako umuwi eh. Doon na siya sa Heaven niya. Palibhasa mas gusto niya iyon kesa saakin na parang patapon lang sa paningin niya.

At kung nagtataka kayo kung saan ako pupunta eh gabi na at may pasok pa ako bukas? Well, I have a job.

Sa isang bar to be exact. Hep! I'm not a prostitute. I'm the owner of that bar. Shocked? You should be. Doon ako madalas natambay at natutulog. Wow! Really, what a nice sequence of events.

Seasons of loveWhere stories live. Discover now