Chapter - Eight

22 2 0
                                    

Chapter Eight

--

Yel's Point Of View

--

Napamulat na lang ako na may parang tela sa noo ko. Napansin ko din si Rie na nakatingin sa akin.

" Ok ka na? "

Tanong niya. Bakit? Ano bang nangyari kanina?

" Ano bang nangyari sa akin Rie? "

" Nagkaroon ka ng mataas na lagnat. Natumba ka kanina nung nandito na tayo sa bahay. Wag kang mag alala. Aalagaan kita. Salamat pala kanina ha. Sa pagsundo. "

Oo nga pala. Sinundo ko siya habang umuulan ng malakas.

" Wala yun. E ikaw? Diba nabasa ka din ng ulan? "

" Ok lang ako. Teka, nagluto ako ng sopas. Gusto mo? "

Sopas? Pagkain pala yun sa lupa. Ngayon lang ako makakatikim nun at luto pa ni Rie.

" Sige .. "

" Saglit lang at kukunan kita. "

Umalis na si Rie at pumunta sa kusina. Bakit ganun? Parang ang lungkot ni Rie? Galit ba siya sa akin dahil sinundo ko siya o .. May ibang dahilan?

" Uhm, umupo ka na Yel. Eto na ang sopas mo. Susubuan na lang kita. Baka di mo pa kaya. "

" Ha? Naku wag na Rie. Kaya ko naman. "

Nakakahiya naman kong gagawin ko pa yun. Kahit napakatamad kong kupido, alam ko namang kumain ng mag isa. Nga pala, tatanungin ko na din kung anong dahilan bat siya malungkot.

" Rie .. may problema ka ba? "

Napatingin lang sa akin si Rie at umiling.

Pero bakit ganun? Iba ang tibok ng puso niya sa sinasabi niya.

" Alam kong hindi mo ako kilala Rie pero pwede mo naman akong maging kaibigan.. Sabihin mo na, bago makatulong ako .. "

Ngumiti si Rie.

" Sana nga matulungan mo ako Yel. May tanong ako, pwede mo bang sagutin? "

Napatango na lang ako.

" Paano mo lilimutan ang taong hindi mo makalimutan? "

SILENCE.

" Haha. Ang ewan ko din nu? Pasensya ka na, natanong ko yun. Wag mo na yun isipin. Baliw lang talaga ako. "

" Makakalimutan mo lang ang isang tao kung may pumalit na sa kanya jan sa puso mo. Kung wala nang halaga ang bawat alaala na nabuo mo kasama siya. Kung tuluyan ka ng magmamahal ng iba. Kung itutuon mo ang puso mo sa iba "

" Yel .. Sino? Kelan siya darating ? "

" Wag kang mag alala. Makikilala mo din siya. "

---

Rie's Point Of View

---

Tama si Yel. Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa iba. Pero kanino?

Kailangan ko din i-delete ang mga memories na kasama ko siya. Pero paano ko sisimulan?

------

Fall in Love for a CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon