Chapter - Fifteen

23 2 0
                                    

Chapter - Fifteen

***

Yeol's Point of View

--

" Kailangan ko na po syang iligtas ama. Mangangamba ang misyon niya pag nagtagal pa to. "

Sabi ko. Kailangan makabalik ni Yel sa misyon nya bago mahuli ang lahat. Bago pa tuluyang may gawing masama si Tao kay Rie.

" Dalian mo lang Yeol. Magpapadala ako ng mga ibang kupido para alalayan ka. "

Sabi ng hari.

" Isama mo na ako prinsipe Yeol. Tutulong ako "

Sabi ni tandang taba.

" Sige po. Maghanda na ang lahat. "

Ililigtas kita Yel. Hintay lang.

---

Yel's Point Of View

**

" At sino naman siya? Iniibig mo ba siya prinsipe Yel? "

Tinutukoy niya ang nakikita namin ngayon sa salamin. Si Rie. Problemado na siya dahil sa pagkawala ko.

" Ako lang ang kailangan mo diba? Eh di ako lang ang saktan mo! "

" Ganun? Wala naman akong sinabi na sasaktan ko siya ah? Pero, binigyan mo ako ng ideya para gawin yun sa kanya.. "

" Subukan mo! Magtutuos tayo! . "

Lumabas ang itim na kapangyarihan ni Tao sa kanyang kamay. Wala talaga akong magawa. Ano ba to! Manganganib si Rie! Hindi pwede!

" Paalam ka na sa mahal mo Yel. Hahahahaha. "

Itatama na dapat ni Tao ang kanyang kapangyarihan kay Rie ng biglang dumating si ....

" Yeol? "

" Itigil mo na to Tao. Matatalo ka din! "

Buti na lang at napigilan ni Yeol ang lahat. Nakita ko naman si tandang taba na kasalukuyang inaalis ang mahigpit na lubid na nakatali sa mga kamay ko.

" Maraming salamat. "

" Bumalik ka na Yel. Kailangan mong balikan ang misyon mo. "

Napatingin ako kay tandang taba. Hindi sa rason na iiwan ko sila dito at wala akong gagawing pagtulong kundi ... Ang tungkol sa lahat na sinabi sa akin ni Tao.

" Magpapaliwanag kami Yel. Wag kang mag alala. "

Nabasa niya ang nasa isip ko. Nag mahika naman na si tandang taba upang maka balik ako sa lupa. Sana nga maintindihan ko ang lahat ng pagpapaliwanag nila. Pero ang importante ngayon ..

Babalik na ako kay Rie.

--

Rie's Point of View

***

" Gee, iuwi mo na sina Ris at Rix. Kaya ko na to. "

" Sigurado ka Rie? Baka mapahamak ka pag mag isa ka lang. "

" Hindi Gee. Kaya ko to. Mag gagabi na. Kailangan ng umuwi ng mga kapatid ko. Sige na. Magtetext na lang ako. "

" Sige bes. Ingat ka ha? "

" Oo. "

Tinignan ko sila na pasakay na sa isang jeep. Yumuko naman ako.

" Haaay. Mahahanap pa ba kita? "

Fall in Love for a CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon