Chapter - Seventeen

13 1 0
                                    

Chapter 17.

" Natulala ka? Ang gwapo ko kasi. Hahahaha. "

Ehhhh? Assumero! Pero don't blame yourself Rie. Totoo naman aa. -.-

" Yel! Bakit ka nandito? Paano ka nakapunta dito? Naka enroll? Ha? "

Naguguluhan na ako. Umiikot na ng parang baliw ang utak ko. Schoolmate. Ko. Siya. Siya. o.O

" Secret. *winks* "

Siniko ako ng malakas ni Gee. Kinilig siya dun? Ako nga din e. Haha. Sino ba naman ang hindi kikiligin dito?

***

" Yel, bakit mo ba hinahawakan ang kamay ko? "

Oo. Hinahawakan niya ang kamay ko. As in, holding hands kami. Ewan ko dito. Natatakot atah. Pero, ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya. Pangalawa, lahat ng students ngayon, ang tingin sa amin ay mag ON. As in kami.

" Naiilang ako Rie. "

Bulong niya.

" Engot ka ba? Eh ikaw ang may gustong sundan ako dito diba? "

" Gusto kitang makita. Lagi. "

Bumilis yung pintig ng puso ko.

" Haha. Kinilig siya? "

" Hoyy! Feeling ka! Di nu -.- "

Nahulaan niya o talagang alam niya? Putek. Wag papahalata Rie.

Papunta na sana kami sa canteen dahil break na. Hinintay lang ako ni Yel sa labas ng room. Tapos nagsabay na kami papunta sa canteen. Psychology pala kinukuha niya. Wow. Saan to dumekwat lahat ng kakailanganin niya para makapasok dito sa school?

Habang naglalakad kami ni Yel, nakita ko si Maui. Mabilis siyang naglalakad. Tapos sumusunod sa kanya si Ke----- si Tyler?

Huh?

" Yel, saglit lang. May titignan lang ako "

" Sama ako. "

" Eh alangan naman iwan kita dito? Para ka pa namang artista kung dumugin -.- "

***

" Stay put lang Andrea. Ang susunod na hakbang, siguradong ikatatalsik ni Kel. "

Tinakpan ko yung bibig ko. Gustong kong sumigaw. Sirain ang pintuan na to at sugudin ang bruhang babaeng to! May kausap si Maui ngayon at yun yung si Andrea. Yung nagpanggap na buntis siya. Sabi ko na ee. Hindi ganun si Kel. Hindi siya ganun.

Hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ko pang malaman ang lahat. Ang lahat lahat.

" Babe, tara na? "

" Ayoko muna. Na kay Kel ka na naman mamiya. Dito ka muna sa akin. Promise mo,pagkatapos lahat ng to, makikipag hiwalay ka na. "

" Promise babe. Pag napabagsak ko na siya. "

Babe? Dalawa sila ni Tyler? Sila? Diba gf siya ni Kel? Sa bagay, nagawa nga niyang lokohin si Kel ng ganito. Pero grabe. Di deserve ni Kel ang lahat ng to. Nasasaktan ako para kay Kel.

Lalo na pag naaalala kong, mahal siya ni Kel.

Pero di alam ni Kel na pinaglalaruan lang siya.

" Uyyy ano? Aalis na tayo? "

" Ssshhh. Tara na Yel. Mag ingat ka. Baka mahalata nila na tumitingin tayo sa kanila. "

" Teka Rie, bakit ka umiiyak? "

Umiiyak? Ow. Tumutulo ang luha ko.

" Tara na. "

Hinawakan ko yung kamay ni Yel. Tumakbo ako habang sinusundan niya ako. Nakarating kami sa pinaka garden ng school. Walang tao dun. At nung nakarating na ako. Di ko mapigilan. Ang sakit ng puso ko. Parang ako si Kel.

Kaya niyakap ko si Yel. Ewan ko. Basta gusto kong umiyak. Nababasa na ang damit ni Yel.

" Nasasaktan ka Rie. Sige. Iiyak mo lang. "

Napapahagulgol ako ngayon. Si Kel. Na minahal ko. Na iniyakan ko. Na dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon, all this time. Niloloko lang siya.

Ang sakit, lalo na pag ikaw ang nasasaktan para sa taong minsan mong minahal.

Kupido. Ang sakit. Ang sakit na naman.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall in Love for a CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon