Chapter - Thirteen

16 1 0
                                    

** Chapter-Thirteen **

Rie's Point of View

*

" Ateeeeee!! Si kuya Yel! Tinangay!!! " - Rix

Tinangay? May dumukot kay Yel?

" Nakita nyo? May dumukot kay Yel? Sino? Sabihin nyoooo!! "

Natataranta ako. Di ko alam ang gagawin ko. Imaginin nyo .. NAWAWALA SI YEL!!!

" Ate ate! Tignan nyo to oh! Black feather!!! Baka yan ang dumukot kay kuya Yel!! " - Ris

:3

" Ano to? Manok ang dumukot kay Yel?? Tara na nga! Hanapin natin ang kuya Yel nyo! "

Asan ka na ba Yel? T^T

*

Black Cupid World

Cupid Tao's Point Of View

Matagal na nilang inangkin ang lahat. At ngayon, nasa akin ang pinaka importanteng kupido .. Si Yel. Ang susunod na hari ng Cupid World. Kinuha na niya lahat. Magbabayad silang lahat.

" S-sino k-ka? "

Pautal utal na sabi ni Yel habang naka tali ang kamay at nakaupo sa isang silya.

" Hindi mo ako kilala? Ako ang hari ng kaharian na to. Ang sisira sa kaharian mo! "

" Ang kaharian na to? Nasan ako? "

" Ang mundo ng mga kupido. Mga masasamang kupido. Pinapana namin lahat ng puso na gusto naming wasakin. Wahahahaha. "

" Napakasama nyo! Pakawalan nyo ako dito!!! "

" Hindi ako tanga Yel. Sisiguraduhin ko munang magaalala lahat ng mga nagmamahal sayo!! Wahahahaha! "

" Ano bang sinasabi mo!? Ano bang kasalanan ko? "

" Kasalanan mo at kasalanan ng kalahi mo!! "

Matapos nila akong paalisin sa kaharian nila. Kinalimutan nila ako at inakalang wala na ako o patay na ako. Pero nagkakamali sila. Maghihiganti ako. Sisiguraduhin ko yan.

*

Kel's Point of View

" Class Dismissed. "

Napaka boring ng araw. Wala na nga akong ganang pumasok sa eskwela tapos ito pa ang mangyayari ..

* blag *

Napasipa ako sa upuan na nasa harapan ko.

" Ano ba Kel! Kung sisirain mo ang buhay mo, wag kang mandamay! Masyado kang childish! "

Umalis na yung babae. Sino ba siya ha? Ano bang alam niya??. Bwisit na buhay to!!

" Kel ! Kel! Anjan na yung babae na nabuntis mo!!! "

" Anong sabi mo ha??!! "

Agad na umalis yung nerd na lalaki. Lumabas naman ako para tignan kung sino yung tinutukoy nila na nabuntis ko.

Nagulat ako ..

" Drea? .. "

" Oo Kel. Kailangan mo akong panagutan!! * hinagis yung mga pictures sa mukha ni Kel * Yan! Yan ang patunay!! "

Nagingay ang kapaligiran. Dahil sa eksenang to.

Pero .. Paanong siya?? ..

IMPOSIBLE.

-

Fall in Love for a CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon