Chapter-Fourteen

51 1 0
                                    

Chapter - Fourteen

-

Chapter Fourteen

**

Author's POV

Sino si Drea? Sino si Tao? Sino sila?

Continue Reading ..

***

Yel's Point Of View

" Pakawalan mo ako!!! "

Nagpupumiglas ako. Sino ba kasi siya? Anong kelangan niya sa akin? At bakit ako nasa mundo ng mga kupido na masasama?

" Bakit kita pakakawalan? Ano ako tanga? "

" Oo tanga ka! Pakawalan mo na ako!? Hindi kita kilala! Sino ka ba ha? Anong kailangan mo?! "

" Ako? .. * sarcastic laugh * "

Napatigil ako sa pagpupumiglas.

" Ako lang naman ang itinapon ng mundo niyo. Ang pinabayaan at sinayang nyo. At ngayon, AKO'Y MAGHIHIGANTI. "

Maghihiganti? Ano ang ibig nyang sabihin? Wala akong maintindihan.

" Ipaliwanag mo! "

" Haha. Sigurado ka Yel? ... Sigurado kang gusto mong malaman kung sino ako? .. "

Flashback 3 ~

" Innnnnnaaaaaaaaa !!!!! "

Agad akong tumakbo papunta kay ina. Kinandong ko siya ng bahagya. Makikita mo ang dugo sa bandang puso niya.

" Bakit mo siya pinatay! Walang hiya kayoooo!! "

Sabi ko ng buong galit. Hindi ako makapaniwala. Sa isang iglap ....

Nawala ang taong pinakamamahal ko.

" Dahil nagkasala siya! Nagmahal siya sa hari ! Walang maaaring magmahal sa hari kundi ang reyna lang! Lapastangan ang ina mo! Kailangan kunin ang puso niya! At dapat mamatay ka din! Dahil hindi ka karapat dapat na maging prinsipe ng kaharian ng mga kupido! "

Nagmahal ang ina ko sa hari?

At ....

Ako ang bunga?

" A-anak ako ng h-hari? .. "

Ang mga luha kong umaagos kanina ay mas umagos pa ng umagos. Hindi ko to mapigilan.

" Hindi! Kailan man hindi ka magiging anak ng hari! Kailangan mong mamatay! "

Napatingin ako sa aking ina. Imbis na magalit ako dahil sa paglilihim niya, wala akong nararamdaman. Ang isang batang katulad ko, napuno ng galit ang puso.

" Anak, umalis ka na .. "

Nasabi ng ina ko yun sa mga nalalabing pintig ng puso niya.

Tumayo ako.

" MAGHIHIGANTI AKO! BABALIK AKO! AT SA PAGBABALIK KONG YUN, SISIGURADUHIN KO NA LAHAT NG MGA PUSONG MASASAYA AY MAPAPALITAN NG GALIT AT SAKIT! .. "

Tumakbo ako ngunit napalingon ako sa ina ko. Nakita ko pa ang huli niyang luha bago niya ipikit ang kanyang mga mata.

Maghihiganti ako. Ipinapangako ko yan.

End of FlashBack 3

" At prinsipe Yel, kapatid kita ... "

Ayaw pumasok ng mga sinasabi niya sa utak ko. Prinsipe? Kapatid?

" Pero ... "

" Kawawa ka naman. Itinago nila sayo ang malaking parte ng buhay mo?. Oo, prinsipe ka. Anak ka ng hari sa reyna. At ako ang kapatid mo sa hari. At sisiguraduhin kong ... Mamatay ka. "

Fall in Love for a CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon