" Honey manganganak na ata ako"'Hala! Kailangan gabi?'
Hinampas ng babae ang kanyang asawa.
" Anong masama kong gabi ako manganganak urghhh lalabas na siya!"
'Anong gagawin ko anong gagawin ko! Tatawag ako sa ambulance? Paano kapag matagal pa bago sila makapunta—'
"Ahhh honey d-di ko na kayaaaa lalabas na talaga si-siya!!!"
Tumayo ang lalaki at kumuha ng kumot saka itinaklob sa nakabukakang hita ng kanyang asawa. Subrang tolero at hindi alam ang gagawin niya dahil hindi naman siya maalam magpaanak ng isang buntis.
" Paano na?" tanong niya sa kanyang asawa na kanina pa sigaw ng sigaw.
" Hugutin mo...ang sakit! Nasan na kamay mo? Alalayan mo ang paglabas urgh! Alalayan mo paglabas ng anak natin juskomeyo ka Timty!"
Mabilis niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng kumot at kinabahan na may halong saya siyang naramdaman ng mahawakan niya ang ulo ng batang papalabas na.
" Malapit na siya" Sigaw niya
" Ahhhhhhhhh! hoo Ahhhhhh!"
'Kaya mo yan Honey. Nandito lang ako'
"Ugh ahhhhhhh hooo hooo ahhhhh!"
In a few minutes nakalabas na rin ang bata at siya na mismo ang naglinis at nagbihis dito ng maayos. Lumapit siya sa gilid ng kama ng kanyang asawang hinang-hina ngayon at itinabi nito ang anak nila sa kanyang mahal na asawa.
" Lalaki siya Thyline "
'Pwede na akong Doctor. Napabuntis ko ang aking asawa.'
Kahit walang lakas ang kanyang Mrs. Ay hinampas parin siya nito sa braso "Gampanin mong alagaan ang anak natin hindi maging isang dakilang Doctor Timty Coeliere!"
Napatawa si Timty sa sinabi ng kanyang asawa dahil binasa nanaman pala nito ang kanyang nasa isip. Niyakap niya ang kanyang mag-ina at bumulong sa kanyang asawa.
" Pahinga ka na muna Honey." hinalikan niya ito sa nuo at sabay sabing " I love you"
Hinampas nanaman siya ni Thyline sa mukha at sinamaan siya ng tingin " I love you? Honey pangalan muna ng anak natin ang isipin mo"
'Lagot. Wala pa akong naiisip!'
" Anong wala pa! Hanggang nga—hoo. Ang sakit parin pala." Huminga ng malalim ang kanyang Asawa at nilisikan siya ng mata " Mag-isip ka!"
'Honey naman wag mo namang basahin ang nasa isip ko'
" Fine pagbibigyan kita. Di ko babasahin nasa isip mo pero!" Mas lalong lumisik ang mata ni Thyline kay Timty " Siguraduhin mong magagandahan ako sa pangalan na naisip mo!"
"Teka Honey bakit ako lang mag-iisip?"
Napaismid si Thyline " Ikaw kaya manganak kung makakapag-isip ka pa pagkatapos!"
'Nakakahampas ka pa nga e'
"Aba't ang loko na to a!" at muli nanaman ni Thyline hinampas sa ulo si Timty dahil sa nainis ito sa sinabi sa isip ng kanyang asawa.
"Timothy."
Napatingin si Thyline kay Timty nang walang reaksyon " Timothy?" para sakanya ay maganda naman ang naisip ng kanyang asawa. Mukhang pinagsama ni Timty ang pangalan nilang dalawa.
Tumingin siya sa kanyang anak at napaluha sa subrang saya " My baby finally you have a name. Timothy Coeliere"
YOU ARE READING
Damn You! Mr. Telepathy
Teen FictionWhat if magkacrush ka sa taong nababasa ang mga thoughts mo? Anong gagawin mo? Walang kang malilihim sakanya dahil kahit sikreto malalaman niya lalo na ang pagtingin sakanya. Timothy Coelier a boy who can read a mind of others .He was unlike the oth...