Nasa sala ang pamilyang Coeliere sama samang nag e snacks nang magsimulang gumawa ng usapan ang Ama ni Timothy." Timothy anak, kamusta pag-aaral mo?"
"Sana'y di puro babae ang nasa isip ng anak namin"
Napatingin siya sa kanyang ina nang walang ka-emosyon emosyon ni minsan sa buhay niya di siya nangbabae dahil dagdag gastus lang iyun.
"Maayos lang Dad. Study hard nga sabi nila" magalang na sagot niya sa kanyang Ama.
Tumango ang Ama niya at kumain ng tinapay na nasa lamesa.
" Mabuti at nag-aaral ka ng mabuti diba Honey?"
Parehas silang mag-amang napatingin sa kanyang Ina na inaantay sumagot nang marinig nanaman niya ang iniisip ng kanyang ina tungkol sakanya.
" Masaya ako dahil napalaki ka namin ng maayos, Timothy anak"
Napangiti siya ng bahagya at saka tumayo sabay lapit sa kanyang ina.
" Thank you Mom. " pumunta din siya sa pwesto ng tatay niya at yumakap din " Thank you too Dad"
— Timothy —
4th year college student na ako ng Physicology sa Hamptons University. Mahilig din ako tumambay sa Library dahil mahilig akong magbasa ng mga libro at don lang natatahimik ang tainga ko. Mas nakakarelax kong walang mga boses ang sumasagabal sa isipan ko.
Pero don ako nagkakamali..
'Ay naman, gandahan mo ng kuha sakanya!'
' Try mo kayang ikaw magnakaw ng pagpicture sakanya. Mahirap kaya bes!'
' Zoooommmm mo!'
' Blurd na nga masyado e!'
Ganito nalang ba buhay ko palagi? Ang makarinig ng thoughts ng ibang tao? Yung ayaw kong marinig pero kusa silang naririnig ng tainga ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.
Isinarado ko chemistry book at tumingin sakanila na sakto namang na-click nong babae ang camera. Bullshit! Kailangan may flash?
Lumapit ako sakanila at inagaw ang cellphone.Pushet! Dinaig ko ang artista nito sa subrang dami nilang kuha na litrato saakin. Nakakatakot ang dalawang babaeng to. Kaya naman sumulyap muna ako sa kanilang dalawa bago ko i-delete ang mga pictures ko sa gallery.
" Hindi ako artista para nakawan niyo ng picture. Wag na sanang maulit to" at saka ko inabot ang cell phone sa babaeng daig ang kamatis sa subrang pula ng mukha.
Agad naman nilang tiningnan ang cellphone at ni-isang picture ko don ay wala na silang makita. Bored look ko silang tinapunan ng tingin bago ako umupo ulit sa pwesto ko kanina at nag-patuloy ulit magbasa sa libro.
'Wahhh bes all deleted.'
'Wala tayong magagawa. He's a cold hearted psh'
'Sayang naman dugo't pawis natin mapicturan lang siya.'
'Mas sayang kong tinapakan niya ang cellphone mo at wasak na wasak ang screen niyan nong ibinigay sayo.'
'Mas sayang nga yon huhu all deletedddd na talagaaa'
Napailing nalang ako dahil sa usapan ng dalawang babae habang papalabas na sila ng library.
Ayoko talaga sa lahat crush ako tapos masyado pang obsessed .Nakakadiri.
YOU ARE READING
Damn You! Mr. Telepathy
Teen FictionWhat if magkacrush ka sa taong nababasa ang mga thoughts mo? Anong gagawin mo? Walang kang malilihim sakanya dahil kahit sikreto malalaman niya lalo na ang pagtingin sakanya. Timothy Coelier a boy who can read a mind of others .He was unlike the oth...