5

37 1 0
                                    


4th year college na kami pero uso papala sa school na to ang Fire drill? Lahat kami ay nakalagay ang aming dalawang kamay sa ulo utos ng mga proctor, at ganito naman talaga ang ginagawa kapag may ganyan.

Pinalabas kami ng classroom at sari-sari nanaman ang naririnig kong reklamo sa kanila.

'Kung kailan mainit saka naman magpapaganito'

'Hanep ang school na to!'

'Yawko na sa earth!!!!'

Lumayo ako ng kunting distansya sa mga kaklase ko at tuluyan nang nakiuna sa kanilang lumakad, umupo sa tabi dahil pinaupo kami lahat tapos..

"Nakakaloko ba sila?" nasabi ko nalang ng patayuin din kami kaagad.

Palalabasin, pauupuin tapos wala pang ilang segundo patatayuin agad? Ano yon nagpainit lang?

Imbes na bumalik sa classroom sa canteen 1 namin ako dumeritso,bumili lang ako ng malaking mogo mogo saka lumabas. Naglalakad ako ng makasalubong ko si Heather na magulo ang buhok, pawisan walang ayos o sabihin ko ng haggard.

'Palagi nalang ako ang inuutusan!'

'Tsk ang daming libro kaya non tapos solo lang ako!'

'Bwisit talaga!'

Napatigil ako sa pag-inom ng mapatingin siya saakin ng masama.

'Tapos sa daming taong makakasalubong ko ,siya pa?'

'Jusko lord pinaparusahan mo ba ako?'

May galit ba saakin ang babaeng to? Para sakanya parusa ako?  Umiling nalang ako at nagpatuloy lumakad.

"Hoy Timothy!"

'Lumingon ka lumingon ka! Babaliin ko leeg mo pag ni-snob mo lang ako'

Ibang klase ang babaeng to.  Ngayon alam ko na sadyang may galit nga siya saakin. Seryoso akong humarap sakanya na kita ko namang pumahinga muna siya ng malalim bago magsalita.

'Magpatulong kaya ako sa lalaking to?'

"Hihingi ka ng tulong?" tanong ko.

Napatitig siya saakin sabay nagkunot nuo " Paano mo nalaman?"

'Wala pa naman akong sinasabi. Mind reader ba siya? Psh imposible yon'

Umayos siya ng tayo at inayos niya ang buhok niya " Oo sana. Busy ka ba?"

Bakit ang siga nitong magsalita? Tumboy ba siya? Sayang ang ganda.

'Busy ata tagal sumagot e.'

" Di ako busy." Wala rin namang klase pagkatapos nito dahil 1 hour pa bago mag start ng next class.

She nodded at pinasunod niya nalang ako sakanya papunta sa building ng mga teachers, pumasok kami sa isang faculty room at tumungo sa desk na maraming librong nakalagay.

" Anong gagawin ko?" natanong ko nalang.

Nginusuan niya lang ang mga librong nasa harapan namin . Hindi naman agad ako gumalaw at nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko. Inuutusan niya akong pagdalhin ng mga libro na yan?

'Tsk slow-witted ba siya?'

Umiling siya at nilagay sa kamay ko ang tatlong libro agad tapos dinag-anan ulit ng apat na libro. Mabuti nalang at maninipis ang pages nito hindi nakakangalay buhatin.

Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa niya yan ng tumingin din siya saakin.

She sigh " Don't worry treat kita mamaya sa snack okey? But just help me on this "

'Bigdeal ba na magkasama kaming dalawa sa maraming tao? Mga insecure nanaman. Nagpatulong lang naman ako jusko po lord.'

Napatingin ako kay Heather na nakasimangot na sa tabi ko. Halata na sakanyang nabibigatan na siya pero Nag-patuloy parin kaming lumakad sa kalagitnaan ng campus papunta sa building nila.

Tumingin ako sa paligid at halos lahat ng kababaihan masasama ang tingin kay Heather.

' Totoo ba itong nakikita ko? Bes kurutin mo nga ako—ouch!'

'Sila ba?'

'Magkasama nanaman sila'

'Baka may something no?'

'Di e, alam ko parehas hate ng dalawang yan ang salitang Lovelife haha!'

" Thank you sa pagtulong. Treat nalang kita mamaya punta ka nalang sa canteen"

Nakapamulsahan lang akong tumingin sakanya saka tumalikod.

'sabi ko nga wala akong kausap'

Napangisi nalang ako dahil sa nabasa ko sa isip niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Damn You! Mr. TelepathyWhere stories live. Discover now