3

30 1 0
                                    


Panibagong araw nanaman pero wala paring nagbabago sa buhay ko palagi nalang pinagkakaguluhan. Naka-black mask na nga ako at nakahoodie jacket pero wala bwisit yaan! Lagi nalang may mga nakakairitang mga bakla't babae ang sumasalubong saakin araw-araw.

'O my god! Mukha siyang oppa bes'

'Tama tama! '

'Ang gwapo niya bagay sakanya ang ganyang style!'

' Picture picture bilissssss! Lalampas na siya '

'Okey lang ba ayos ko?'

'Hay naku, wala nang kasawaan sa lalaking yan. Ano bang meron sakanya? Psh'

Napatingin ako sa paligid at hinanap ko kong kaninong boses ang narinig ko don sa nagsabi ng kung 'ano bang meron saakin ' . Boses babae yon at hindi ako nagkakamali, naglinga-linga ako hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang may pagkacurly ang black na buhok, matangkad at maputing babae. Sure akong sa babaeng yon nanggaling ang boses na narinig ko kanina.

Mabilis akong tumakbo at medyo naglakad na nang makalapit na sakanya. Tama nga ako ng akala dahil hanggang ngayon ako parin ang nasa isip nito.

'Ang we-weird ng tao sa school na to peksman. For god's sake halos lahat sila nahuhumaling sa iisang lalaking hays nevermind'

Nagpamulsahan ako at patuloy parin pinakinggan ang thoughts ng babaeng nasa unahan ko. Ibang klase, ngayon lang ako nakakilalang hate na hate ako. Ata? Parang may galit sakin e o baka sa mga nahuhumaling saakin. Sabagay mga nakakairita sila.

Nagpatuloy parin ako maglakad ng tumigil ang babaeng yon sa paglakad kaya siya na ang nasa hulihan ko pero ang totoo. Ang ingay niya shit!

'Ah Timothy Coelier siya nga yon'

Ako parin iniisip niya?

'Grabe gwapo ba yon?'

Gwapo kaya ako di niya ba pansin?

'Tsk basta ako study hard keep single'

Napatawa ako sa huli kong narinig sa kanya ' Study hard keep single?' What the fuck that line? Napakabullshit masyado. Keep? Haha baka wala lang nanliligaw.

Napatingin nalang ako sakanya ng lampasan niya ako ng lakad sabay takbo kaya may bond paper na nahulog na nakasangat lang sa libro niya. Pinulot ko iyun at tiningnan.

Isang drawing na Anime na lalaki at babae na magkayakap habang ang kanang kamay ng lalaki ay nakataklob sa kanyang mukha at parang kinilig o nahihiya ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Isang drawing na Anime na lalaki at babae na magkayakap habang ang kanang kamay ng lalaki ay nakataklob sa kanyang mukha at parang kinilig o nahihiya ito. Di ko maitatangging ang galing niyang gumuhit na kung ihahatulad ako sakanya ay puro stick man lang ang kayang-kaya kong gawin.

Deritso ang distinasyon ko sa classroom at hindi pa ako nakakapasok ng marinig ko nanaman ang mga hoo sakit sa ulo umagang-umaga! Sabay upo sa upuan ko at saka umub-ub.

'Di ka makakapagpa-pic bessy badtrip ang Prince natin'

'Hahaha like what? Yung babaeng yon? Omygod bat yon!'

' Wag mo siyang balikan bes tanga ka kung gagawin mo yon'

'Mahal ko pa kasi e . Anong gagawin ko?'

'Hang yourself'

Lahat sila napatigil sa ginagawa nila at buong atensyon lang naman nila ay nasaakin. Mga adik ang mga to. Adik saakin. Kinuha ko ang earphone ko at inilagay sa aking mga tainga.

Sa sitwasyon ko kasi earphone-musics lang ang matatakbuhan ko sa oras na malapit na akong mabaliw sa karirinig ng mga thoughts nila. Di ko pa kasi kayang kontrolin ang sarili ko upang di mapakinggan ang samu't sari nilang mga iniisip.

"Kindly pass your assignment here and I'll go check it" sigaw ni maam saamin.

Kinuha ko naman ang notebook ko at nang mapatingin ako sa babaeng nakatingin saakin...

' Mahawakan ko lang notebook niya happy na ako.'

Notebook lang pala psh. Akala ko mahawakan lang ako happy na siya ewww!!!

Mabilis kong binigay sa babae ang notebook ko at umayos ng upo ng mahulog naman ang bond paper na nahulog din sa babaeng maingay kanina.

Seryoso? Lagi nalang itong nahuhulog! Pinulot ko iyun at pinagmasdan ulit. Kaka-amaze ang drawing niya di halata sakanyang may talent siya na ganito. Binaliktad ko ang papel ng may pangalan sa itaas ang nakasulat doon na binasa ko naman agad

" Heather Fontana."

Damn You! Mr. TelepathyWhere stories live. Discover now