' What! Wait—omygod! Nasan na yon?''Tsk nasan naaaaaaaa! Mamaaaaaaa!!! Nawawalaaaaaa!"
Napatigil ako sa pagbabasa dahil sa may narinig nanaman akong thoughts ng iba. Pero kakaiba ngayon dahil hindi puro kakiligan ang narinig ko kundi para siyang may pinoproblema." Hoy ikaw si Timothy diba?"
Napatingala ako sa babaeng familiar ang mukha saakin. Si ano ba ito? Si..
' E adik pala to e! Kong makatitig saakin akala mo naman droga ako'
'Tagal sumagot!"
Inilagay ko sa desk ang libro tumingin sakanya. " Ako nga bakit?"
' makiki-upo ako papayag kaya siya?'
" Makiki-upo ka ba?" tanong ko sakanya.
Kumunot ang nuo niya pero agad din naman siyang umupo at ang ingay nanaman niya. Dami niya nanaman sinasatsat sa isipan niya. Hindi ba nasakit ulo niya kaiisip sa mga bagay na wala namang katuturan?
Hinalungkat niya ang bag niya at inilabas lahat ng gamit niya doon pati libro niya binulkat niya ng binuklat.
'nasan na yon?'
'Dali ako kay Sir!"
' Di na abot para gumawa ulit ako ng panibago non'
Napatingin siya saakin na sakto naman na nakatingin din ako sakanya. Nagkunot nanaman ang nuo niya at umiwas ng tingin saakin
' Ito kina-aadikan nila? God ang weird'
I smiled suddenly.
' Omygod. Ang creepy niyang ngumiti'
Kaya mabilis naman nawala ang ngiti sa labi ko at tumikhim habang nakatingin sakanya. Grabe naman sa creepy? Dami ngang nahuhulog sa ngiti ko e.
Bigla naman sumagi sa isip ko yung bondpaper na nahulog sa libro niya. Kung ganon kaharap ko na pala si Heather Fontana.
" Heather" Tawag ko sa kanya dahilan para lumingon siya saakin
'Kilala niya ko? Cool. Pano?'
Tumayo ako at nagpamulsahan " Sundan mo ko" utos ko sakanya.
' Wow. Hindi niya ako ultimate fan para sundan ko siya '
I shook my head at tumingin ulit sakanya " May ibibigay lang ako sayo"
Tumayo naman siya dala dala ang gamit niya at sinundan niya nga ako hanggang classroom.
'Omygod is that Heather Fontana?'
' Bakit magkasama sila?'
' Magkakilala pala sila?'
' Omygod sana hindi sila'
Walang reaksyon kung tinungo ang upuan ko at kinuha sa table ko ang bandpaper niya na may nakadrawing na anime. Naglakad ako papunta sa labas at iniabot sakanya.
Nanlaki ang mata niya ng tanggapin niya yon paunti-unti
'Bakit nasa kanya ito?'
Tumingin siya saakin na may kunot nuo pero agad din naman nawala saka tipid na ngumiti.
" S-salamat. Pero paanong—"
" Napulot ko yan kanina ng mahulog sa libro mo"
'Bait a? Tunay ba?'
Napaawang ang labi ko at napangisi. Nagmagandang loob na nga dahil sinauli ko sakanya yan tapos ganyan pa iisipin niya saakin.
" By the way thanks again."
Tumakbo na siya hanggang sa mawala na siya. Ano kayang course niya? Architecture? Kasi magaling naman siya mag drawing. Baka nga yon.
YOU ARE READING
Damn You! Mr. Telepathy
Teen FictionWhat if magkacrush ka sa taong nababasa ang mga thoughts mo? Anong gagawin mo? Walang kang malilihim sakanya dahil kahit sikreto malalaman niya lalo na ang pagtingin sakanya. Timothy Coelier a boy who can read a mind of others .He was unlike the oth...