Part 6 - Beautiful nightmare

39 6 2
                                    

A/N: Owwwimmmjiiii nakapag-update narin sa wakas. Hi tomodachis! Pasensya na talaga kese ene eh mey mey trebaheh ne ekeee. Kyaahh. *insert kamot sa batok 😅 I hope na maging maayos lang ang lahat. Huhu. Kinakabahan na kasi yung Ate nyo eh. Yun lang. Hihi. 😘

***********************************

Serge

You already know me. Yeah. May pagka angas ako kasi ang hot ko pero ang cool ko rin. Di ako palasalita. Cold ako kahit ang hot ko. Mabait ako sa mga taong mabait sa'kin.

Di nyo ako makikitang maging bad boy kasi may reputasyon akong iniingatan. Para lang yan sa lugar kung saan ako kilala.

Kung saan kilala ang pamilya ko. Pero minsan nabo-bored ako kaya namamasyal lang ako, kami rather ng partner in crime ko na si Shin. Magkababata kami nyan at magkaibigan ang family namin kaya para ko narin yang kapatid.

Kuya ko sya kasi matanda sya ng isang taon sa'kin pero di uso sa'ming dalawa yan eh. Ang lamya lang kasi. Nakakabakla. Haha. Pero pag nasa bahay kami eh syempre magku'kuya' kuno ako kasi nga di ba ambait namin.

Tssss. Akala lang nila yun. Di nako magkukwento sa autobiography ko kasi wala namang nagtatanong. Baka masayang lang yung laway ko. Fresh pa naman to. Wooyy.

Alam ko namang ang gwapo ko. Di na nila kailangang ipamukha sa'kin yan. Pareha lang naman kami ni Shin, habulin ng chicks. Pero mas gwapo ako sa kanya no!

Kung sya nagpapahabol at gustong-gustong may humahabol pwes ibahin nyo ako, hindi ako tulad nya na playboy no! Di ko lang kasi feel na may pinapansin akong mga babaeng mahadera na kulang nalang eh maghubad na sa aking harapan.

Gusto ko yung ako ang manunuyo at humahabol (kung di talaga madala sa charms at hotness ko). Yun bang walang pakialam sa mga gwapo kasi dapat ako lang din yung gwapo sa paningin nya.

I like a lady who is carefree, hindi malandi at responsible sa buhay. Yung nag-aaral di para pumorma na parang pornstar upang mapansin lang ang sarili kundi nag-aaral kasi may pangarap sa buhay.. yun bang pang ideal future wife na ang dating.

Saan naman kaya ako makakahanap nun? Or kung meron man, ang tanong kung mangyayari ba yun sa'kin?

Haay nako! Nakakabadtrip naman tong buhay na 'to oh! Kung meron lang akong pagpipilian. May choice nga ako pero pag sinunod ko yung akin, may masasaktan naman ako. How cruel life is!

Di pala dapat yan yun sasabihin ko kasi nga hindi ko dapat sinisisi ang Diyos sa kung ano mang nangyayari o mangyayari pa sa buhay ko. Bahala na nga si Cardo sa Probinsyano.

Life must go on parin. I should have to deal with it. Hindi ako lumaking may inaatrasan lalo na't pag ako'y nasa katwiran. Ipaglaban mo! Parang yung nasa tv lang. Napanuod nyo ba yun? Ako minsan eh.

Tsss. Na LSS tuloy ako. As in Last Statement Syndrome hindi naman kasi kanta yun. Genius daw ako pero di ako geek. Ipinanganak lang talaga akong GWAPO. Hindi ako nagmamayabang kasi totoo naman.

NGSB ako. Di ako bakla okay? Hanggang flings lang ako sa mga babaeng makati. Ayoko sa kanila remember? At lalong mas ayaw ko sa mga pretender. Akala mo kung sinong santa, yun pala santa-santita.

Alam ko na pretender ako minsan kaya ayoko sa mga taong ganyan. Ginagawa ko iyon kasi may acceptable reason ako. Sila wala! Actually may naka fling na ako na muntik ng maging first girlfriend ko. Label nalang yung kulang sa'min. 1st year pa ako nun.

Akala ko sya na talaga kaya ginawa ko naman ang dapat gawin ng mga good boyfriend kuno. Muntik na nga akong madala sa emosyon ko, na akala ko inlove na ako pero hindi pala. Muntik na akong magpakatanga dahil lang sa isang babae.

The Maid of Honor and the Best Man #WPAwards #Dreamers2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon