A/N: Amfufuu. Hi tomodachis! Pasensya ngayon lang nakapag-UD. Holiday eh. 😅 Busy na kasi sa trabaho. Adulting is life nga naman. Kaya kayo, take care always ha! Kaya natin to! Fighting! Para sa ekonomiya ng bansa! Haha. 😂😇
***********************************
Sheiy
Ayan na at papunta na dito sa pwesto namin yung dalawang poging-kumag. Kung bakit ba kasi may space pa yung room na ito edi sana di na kami nagkitang muli ni jerk! Ano nalang i-rereact ko ngayon?
Na parang wala lang? Miss indenial lang ang peg ko? Tsss. Mahirap makalimot lalo na pag sa mga ganong sitwasyon. Napapadalas na nga yung pagkainis ko dahil sa kanya eh at may plano pa talagang araw-arawin kong makita yung pagmumukha nya?
Arrhhgg. Ottoke? What to do? Hmmm. Kalma ka lang self ha. Be professional. Isipin mo nalang na parang wala lang yun sayo at di ka nakaramdam ng kalaswaan.
In short, wag mo syang pansinin! Got it? Kaya naglagay nalang kuno ako ng headset. Yung di ako nahahalata ni Sir at si Serge lang ang makakapansin non.
"Excuse me Miss, pwede bang maupo dito?", si S.P Serge Patrick . Kunyare ay malakas yung volume kaya di ko narinig. Nag stay sya mga 1 minute habang hinihintay yung sagot ko. Pero di ko sya kinibo o pinansin kaya umupo nalang sya. Pati yung lalaking kasama nya.
Nagsimula na ang discussion ni Sir Nick about sa Cost Accounting process and how to solve it. Okay naman magturo si Sir at in fairness nakakamangha talaga ang galing nya sa profession nya.
Ang gwapo ni Sir magturo! Haha. Pina-recite nya kami sa meaning individually at bago paman matapos ang period na ito ay binigyan nya kami ng by pair activity. And note that it is for the whole sem! Like is this for real?
Haaaay okay naman na ako kahit sino wag lang ang lalaking kinaiinisan ko! Hindi kasi mawaglit sa isip ko yung nangyari sa amin. Bakit sya pa of all my blockmates?
Wala na akong nagawa at sya na talaga ang magiging partner ko. Sana naman maging okay lang ang lahat. Alam ko na sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay matalino sya'ng tao at mukhang seryoso sya sa studies nya.
Siguro di naman kami babagsak sa major subject nami'ng 'to. Si Mars naman ay ka-partner nya si Shin. Good luck nalang talaga sa aming apat. Ang ironic talaga ng buhay. Kung sino pa yung ayaw mo'ng makasama eh yun pa talaga yung mapupunta sa'yo.
Natapos na ang klase namin nang wala akong maintindihan. In my entire life, hindi pa ako nagspace-out sa mga classes ko. Ngayon lang ako sobrang di maka get-over sa nangyari sa'min ng S.P. na 'yon.
I know naman na aksidente lang yun pero para kasing sinadya nya yun eh.. na parang nagustuhan pa nya YUN.
(Parang ikaw hindi! Ang sabihin mo, hindi ka maka get-over kasi nagustuhan mo rin yung kakaibang feeling na naramdaman mo sa pagkababae mo!)
"No way!", biglang sigaw ko habang papalabas na kami ni Mars sa room. "Ano'ng no way? Sheiy, alam mo namang after 1 hour pa yung next subject natin kaya kumain muna tayo sa cafeteria kasi nagugutom na yung butterflies sa tiyan ko", sabi ni Mars.
"Sabi ko nga kakain na tayo. So, nasaan na pala yung "mahal" mo? Di ba sya sasabay sa'tin ngayon? Napansin ko lang lately parang ang lamig n'yo na sa isa't-isa? Dumaan lang ang bakasyon parang di ko na napansin na magkasama kayo", tanong ko sa kanya.
"Alam mo besheiy ang dami mong napapansin. Ako nga rin eh may napapansin sa'yo. Ba't parang ang lalim ng iniisip mo kanina sa klase natin? Dahil ba yun sa gwapong katabi mo? Ayiiieeee, crush mo na sya noh?", siya. "Anong crush yang sinasabi mo?
BINABASA MO ANG
The Maid of Honor and the Best Man #WPAwards #Dreamers2018
RomanceThis is my first very own story that I will create. I know I'm not that expert because I'm a newbie to this stuff. HiHi. But I'll always keep on reminding you na #TiwalaLang. Haha ? This may seem familiar to you tomodachis but still just wait and se...