Part 8 - He's kinda' sweet

26 1 0
                                    

A/N: Hi tomodachis! Yun lang. Hihi. Sa wakas nakapag-update din! God bless sa ating lahat. Ingat always. Good night! Tomorrow is another day. Lovelots! 😘

***********************************

Serge

Nakakamangha talaga ang babaeng yun. Kakaiba s'ya though halatang galing s'ya sa marangyang pamilya. May prinsipyo kasi ako na hinding-hindi ko pagtutuonan ng atensyon ang mga rich girls kasi puro kaartehan lang ang nalalaman nila sa kanilang katawan.

May ugali pa na ubod ng taas ng tingin sa sarili. Di na nila namamalayang may naaapakan na silang tao. Parang sarili lang nila ang laging iniisip. Di na natuto. Halos lahat ng mga babaeng anak-mayaman ay may ganyang katangian.

Dapat what they want, they get. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero alam ko na lapitin ako ng mga chickababes. Halos lahat sila panlabas na anyo lang ang nakikita. Yan tuloy naging malandi na ang tingin ko sa kanila. Kaya niisa man ay wala akong sineryoso.

Going back to reality. Yan na nga napatulala na naman ako dito bigla. Haha. At dahil yun sa babaeng classmate ko. Si Sheiy. Napangiti nalang ako sa mga iniisip ko.

Nagpatuloy nalang kami sa pagtulong kay Aleng Cording. Wala kasing masyadong bumibili dito. Tsss. Ang aarte talaga. Mas masustansya at masarap pa nga itong mga native kakanin kesa sa mga chichiria at ibang fast foods.

Ang mga 4th year student dito sa school ay kinakailangang sumali kahit  isang club. Hindi ito tulad ng mga academic clubs at talent clubs kasi iba rin yun. Pwede kang sumali o hindi. Depende na yun sayo.

Napili namin ni Shin ang pagiging volunteer sa Helping Hand Club dito sa school. Layunin naming tumulong di lang dito sa loob ng school pati narin sa labas na tangkilikin ang sariling atin. Yun bang i-promote ang Filipino foods, products or services.

Actually, si father uncle yung may idea nito. Magiging part narin kasi raw ito sa Corporate Social Responsibility ng buong university..
Ang tulungan ang komunidad o indibidwal na gustong umasenso para sa ikakalago ng ekomomiya ng bansa.

At kami ang pioneering group o magpapalaki nitong bagong bukas na club sa school. Ito ang aming  unang hakbang ang i-promote ang pagkaing pinoy na mga special kakanin. Lalo pa't mga mayayaman ang studyante dito.

Upang mapukaw ang atensyon ng mga studyante ay naisipan naming gumawa ng pakolo gamit ang aming natural charms. Haha. So, may free hug ang kiss sa cheeks for avery purchase.

Katuwa lang at nagclick nga ito. Marami ng nakapila. Halos kababaihan lahat. Tsss. Si Shin lang yung nagbibigay ng free hug ang kiss kasi gustong-gusto naman nya yun.

Sa'kin smile lang at kindat okay na sila. Haha. Tas ako yung nagbabalot ng mga binili nila. Si Aling Cording yung cashier.

Mga babae nga naman dito sa school. Nag-eenjoy rin sa mga ganitong bagay. Tsss. Okay narin yun sana nga ay maiba yung perspective nila sa mga native kakanin. Na kakain sila nito di lang dahil sa free hug ang kiss kundi dahil talagang nagustuhan nila yung pagkain.

"Oyy bro! Si chickababes pala ito oh. Gusto rin pala ng free kiss natin. Ako na ang mauna ha", rinig kong sabi ni Shin habang tumatawa.

"I'm fine po Sir kahit wala yung FREE KISS mo dahil gutom na ako kaya pakibilis po please" medyo inis na sabi nung babae. Akala ko kung sino pero pagtingin ko ay si... Sheiy lang pala. Si Sheiy.. Sheiy.. Sheiy.. labdub.. labdub.. labdub..

Tsss. Para akong bakla nito oyy! Haha. Kay Sheiy lang ako nagkakaganito. "Whooah, palaban rin pala to'ng si chickababes Serge oh!", nanunuksong sabi ni Shin.

Pinagmasdan ko lang si Sheiy habang busy s'ya sa pagkuha ng pambayad n'ya. Ang ganda nya talaga. Ang amo pa ng mukha. She's really like a goddess!

No'ng narinig n'ya yung pangalan ko ay natigilan s'ya tsaka tumingin sa'min.. sa'kin. Ako lang ba o sadya talagang nagkatagpo ang mga mata namin at parang boom! Nagningning ang mga mata namin. Sabay iwas sa'kin at tumingin kay Shin.

Pero biglang nawala iyon kasi pantasya ko lang pala nung sinabi n'yang na wag nalang kasi di na sya gutom at nagmadaling umalis na. I know na naiinis s'ya sa nangyari sa'min sa elevator. Ramdam ko yun.

Hanggang ngayon ay gusto ko ng pormal na humingi ng paumanhin sa nangyari. Kaya dali-dali ko s'yang sinundan dala yung paborito n'yang merienda. Paano ko nalaman? Naikwento kasi ni Aling Cording na suki n'ya na si Sheiy dito. At yung combo ang laging binibili n'ya.

Sinabihan ko nalang si Shin na s'ya na ang bahalang tumulong kay Aling Cording. Nagpaalam narin ako sa kanya na ibibigay ko lang ang pagkain si Sheiy at babalik ako mamayang hapon.

Sheiy

Nakatulog nga ako saglit at nagising bigla nu'ng may ingay akong narinig na parang 'click' ng camera. Pagtingala ko ay si Serge lang pala.

Tekaaaa.. " Ano'ng ginagawa mo dito? Tsaka bakit mo ako kinukunan ng picture ha?", gulat na tanong ko sa kanya.

"Ahh.. Sheiy,  hmmm...pa- pasensya ka na si-sinundan ka- kasi kita kanina. Dinalhan kita nitong paborito mo. Sabi mo pa naman na gutom ka kaya ayun", siya sabay kamot sa batok nya.

Nagstutter ba talaga s'ya? Di naman sya ganyan magsalita ah. Ba't parang namumula yung tenga n'ya? Ang cute n'ya, promise! Haha

Di ako nagpatinag kaya medyo inis parin daw ako kahit na gusto ko ng matawa sa inasal n'ya.

"Di ba sabi ko di ako gutom. Tapos na akong kumain. Ba't mo pa ako sinundan! Tsaka pinicturan mo ba ako habang natutulog ako ha?", ang galing kong umarte nito. Hihi

"Kasi ang ganda mo'ng tingnan habang natutulog ka Sheiy. Di ko mapigilang di ka picturan. Wala akong masamang intensyon sa'yo. Gusto ko lang na may picture tayo. Ahhmm, okay lang ba?", nahihiyang sabi n'ya.

Napatulala naman ako dun sa sinabi n'ya. Na speechless ako eh. Nagpapacute ba sya? Ohmooo!

"Namumula ka na Sheiy, may lagnat ka ba? Pasensya sa abala pero gusto lang kitang maging kaibigan. At gusto ko rin palang magsorry dun sa nangyari sa.... elevator. I didn't mean it. For real. Gusto lang kitang aluin non.. kasi parang takot na takot ka. At mali mang maramdaman yung ano... pero.. ", di na nya tinapos yung sinabi nya. Tsss. Pa thrill pa talaga sya.

"Alam mo ang manyak mo lang talaga noh! Tsss. If I know yan yung gusto ming sabihin! Ang sarap mong suntukin alam mo ba yun? Hmmmp", gigil na sabi ko.

"You know Sheiy, I'm really sorry okay? I really do. Hindi talaga kita minanyak non. Aksidente man yung nangyari pero wala eh.. lalake rin ako. I dunno but ikaw lang kasi ang babaeng nakapukaw ng atensyon ko", sincere na sabi nya.

Nasabi ko yan kasi ang seryoso nya. Nangungusap ang kanyang mga mata. Yun bang lahat ng sinasabi nya ay pawang katotohanan lamang. Kinikilig akooo enebeee? Hihi.

"O-okay. Ahhmm. Sige ano. Apology accepted. Basta ba wag mo ng uulitin yun ah kundi pipiktusan na talaga kita", natatawa kung sabi sabay hand gesture.

"So, tayo na?", napangiti nyang sabi.

"Anong tayo na ha? Ang fc mo namang masyado. Haha", nakatawang sagot ko naman. Alam ko naman kasing joke lang yun. Hmmm. Di ako assuming noh!

"I mean, tayo ng kumain. Tumutunog na yang tiyan mo oh. Hahaha",

~kruukkk....~ (tunog ng tiyan yan!)
Psssshhh.. nakakahiya!

"Tsss. Hello, wala pa kaya akong almusal. Amin na nga yan. Nakakainis ka naman eh!", inis ko paring sabi.

Actually di naman na ako naiinis sa kanya eh. Feeling ko nga lang na comfortable na kami sa isa't isa. Ewan ko ba basta, atleast ngayon feeling relieved na ako.

***********************************

A/N: Oyy, kayo Sheiy haaa. Penge nga ng special kakanin mo. Baka may special feelings rin na mabuo sa inyo ni Serge ahh. 😉😍

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Maid of Honor and the Best Man #WPAwards #Dreamers2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon