Brix's POV
Ayos! May bago na naman akong slave. Matagal-tagal na din akong walang napag-uurtisan kaya swerte ko sa newbie.
Murahin ba naman ako?!
Pero, ang tapang nya tapos kahapon tawanan ba naman ako?! Ganun naman talaga ako, laging balot pero pag-dating sa classroom, inaalis ko din. Pero dahil sa babaeng yon, napaaga tuloy ang pag-alis.
Pero... maganda sya, MUKHANG mabait at MUKHA ding matalino.
Pero napansin ko nung nag-iintroduce sya naputol ung sasabihin nya.
'You can call me SamSam—'
Baka un ung tawag sa kanya ng tao sa past na dapat na niyang kalimutan. Well! I don't care. Basta alipin ko na sya. Tapos!
"Hi love!" Sigaw ng kung sino at ng makita ko, si Tiana, ex ko.
Oo, ex ko sya pero kung umasta sya parang kami pa, isa lang sya sa mga babaeng makukulit na makipagbalikan sa akin. Madami na din akong naging girlfriend 'kuno' pero ni isa sa kanila di ko sineryoso. Pero sila mukhang minahal ako ng sobra. 'Kuno' first kiss daw nila yun 'kuno' napakilala na daw nila ako at kung ano-ano pa ang dahilan. Pero wala eh.
"Tss" sagot ko.
Kumapit sya sa braso ko, pero tinanggal ko agad.
"How many times do I have to tell you tha we're over" sabi ko sa kanya. Maya-maya pa nakita ko si slave pero nung makita nya ako agad syang tumakbo palayo pero bago pa sya makalayo tinawag ko na sya.
"SLAVE?!"
Samantha's POV
"SLAVE?!"
My God?! Kailangan pa talagang ipagsigawan. Tahiin ko bibig nyan eh, o kaya subuan ko ng limang monay ng sabay-sabay, or—
"Slave?!"
Dali-dali na akong pumunta sa harap nya baka isigaw pa ulit, masipa ko pa to papuntang Mars.
May kasama syang babae na matalim ang tingin sa akin.
Inirapan ko na lang sya. Problela ba nya?!
"Pwede mo bang paalisin sa harap ko 'tong si Tiana" Sabi nya.
Eh?!
Paano ko mapapaalis tong palaka na toh?!
Aha!
Tumabi ako kay Brix at humarap kay Tiana.
"Hoy!" Sigaw ko. "Shoo! Shoo! Alis!" Pagtataboy ko dito.
"Who do you think I am? A chicken?!" Naiinis na tanong nya.
"Ang totoo nyan, hindi chicken kundi palakang di naliligo at laging nakabuntot sa balot na balot na Asong ulol?!" Sabi ko sabay tingin kay Brix na ngayo'y masama ang tingin sa akin
"Ugh!" Sigaw nung tiana sabay walk out.
"Hey! Who are you reffering?" Tanong ni Brix
"Huh?!" Naguguluhan ako.
"Sino ung asong ulol na tinutukoy mo?"
"Ikaw hahahahahaha!"
~~~
Vote • Comment
YOU ARE READING
Default Title - Write Your Own
Roman pour AdolescentsLumipat ka ng ibang school para maging masaya... Pero paano kung lalo pang gumulo ang buhay mo... Dahil makikilala mo ang limang unggoy- este lalaki na gugulo sa buhay mo... Dahil sila ay sikat sa school na pinasukan mo. Tapos ang leader nila na min...