CHAPTER 2

8 1 0
                                    

X A N D R I A ' S
P O I N T O F V I E W

"SERYOSO?"

Tumango ako habang umiinom ng dutchmill. Kinuwento ko kasi kina Aldrix, Genesis at Pristine na yung kaklase naming si Winter ay kapitbahay ko.
"Nako, kawawang Imported. Baka bosohan mo lang Xandria" sabi ni Genesis na ikinasama ng tingin ko sa kaniya. Kahit kailan bwisit ito!

"Shut up! Siya ba si Manu Rios para bosohan ko ha?"
Mukha ba akong manyakis? Tss, Kung mamboboso ako hindi sa tulad ni Winter na suplado no!
"Nagbabakasakali lang, Gwapo kasi si imported. Mamaya malaman namin na hinalay mo na 'yun"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo at inambahan ng suntok si Genesis, ang galing kasing mamwisit!
"Chill lang kayo guys! Ikaw Xandria defensive ah hahahahaha"
Napaupo ako at sinamaan sila ng tingin. Ang gagaling nilang asarin ako! Natigil kakatawa ang mga bwisit ng magsalita si Pristine.
"Grabe kayo kay Xandria, halay agad?" Napangiti ako, kakampi ko talaga si Pristine haha.
"

Hindi ba pwedeng hipuan muna?"
Hinampas ko sa braso si Pristine ng dugtungan niya ang sinabi niya.
"Amboring dito kila Genesis"
Biglang sabi ni Aldrix habang nagiinat.
"Tara na lang mag-gala! " sabi nitong muli.
"Paano sila Vladimir at Emerald? Hindi nila alam" sabi ni Genesis
Humarap si Pristine sa kaniya.
"Anong use ng cellphone? Ngongo ka din eh!"
"Aba't bakit ba lagi mo akong binabara ha?"
"Mukha ka kasing pambara!"
"Bwiset! Kababaeng tao nito ang hilig makipagtalo sa lalaki!"
"Lalaki ka ba?"
"Babae ka ba?"
"Oo babae ako! Kaya nga naiinggit ka sa akin kasi bakla ka"
"Bakla pa! Baka gusto mong halikan kita!"
"Kapag hinalikan mo ako buburahin ko ang mukha mo!"
"Talaga naman----"

Napahawak ako sa sintido ko. Kahit kailan di na sila nagbago. Parang di mabubuo ang araw ng dalawa kapag di sila nagsasagutan.

"Kaingay niyong dalawa, tara na lang kaya umalis? Natext ko na yung dalawa at susunod na lang daw sila sa mall" singit ni Aldrix sa dalawa na nagaaway. Natahimik naman sila pero nagirapan.
"Tara na nga! Para naman mabawasan na ang kaululan ni Genesis. Kapag bored kasi siya, lumalala na parang cancer ang sakit niyang kaululan" Natatawang sabi ni Pristine sabay hila sa akin. Natawa naman kami ni Aldrix kasi di maipinta ang mukha ni Genesis.
NANG makarating kami sa mall, agad kaming pumasok sa arcade. Trip na trip kasi naming maglaro dito. As usual nagpapaligsahan si Pristine at Genesis sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball. Kami naman ni Aldrix ay naglalaro ng Tekken at napagkasunduan naming apat na kung sino matalo siya ang manlilibre.
"Madaya ka! Sinanggi mo ang kamay ko kaya di ko na-shoot!"
Napalingon naman ako kay Pristine ng sumigaw siya, sa sobrang lakas ng sigaw niya napatingin sa kanya ang mga tao sa arcade. Iskandalosa talaga!
"Haha talo ka Xandria WEAK haha !"
Nabalik ang tingin ko sa nilalaro ko at nalaman ko ngang talo ako. Tumingin ako kay Aldrix at nakangisi ito kaya kinunotan ko siya ng noo.
Buset! Natalo tuloy ako.
Tumayo na ako at lumapit kay Pristine at Genesis na naga-away na naman. At dahil busy sila mag-away di nila ako pinapansin. Napakamot ako sa batok ko at saka ako napatingin sa labas ng arcade. Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa iba ng mahagip ng mata ko ko sina Vladimir at Emerald na kakalabas sa National Book Store. Napangisi ako at parehong hinampas ang braso nina Pristine at Genesis.
"Aray ko! Problema mo?" Naiinis na sabi ni Genesis at Pristine.
"Tama ang hinala natin mga kapatid, mukhang may something sa Vladimir at Emerald natin" nakangisi kong sabi.
Napangiti naman yung tatlo sa sinabi ko.
"Totoo ba?" Tanong nila at tumango ako.
"Oo at nakita ko silang lumabas sa National Book Store mga bessy!"
Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Kaya pala male-late sila sa usapan natin. Iba din ang dalawang iyon!" sabi ni Aldrix
"Eh di ba tinext mo sila na pupunta tayo sa mall?" Tanong ni Pristine kay Aldrix na hawak ngayon ang cellphone.
"Oo, ang sabi nila. Susunod sila eh nandito naman pala sila" napangisi kami at agad na lumabas sa arcade. Hinila ko sila papunta sa direksiyon kung saan ko nakitang nagpunta ang dalawa pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin namin sila makita.
"Ano ba 'yan Xandria! Namamalik-mata ka lang ata! Wala naman sila eh" pagrereklamo nila.
Napahinga ako ng malalim bago magsalita.
"Seryoso ako mga ungas! Nakita ko talaga sila!"
Napahinga naman sila ng malalim.
Nasaan kaya nagsuot ang dalawang iyon? Ang bilis naman ata nilang mawala. Iba din!
"Sila ba 'yung nasa loob ng McDo?" Biglang sabi ni Genesis kaya agad kaming napatingin sa loob ng McDo at napangisi kami ng makita ang dalawa naming kaibigan na magkasama at sweet na sweet na kumakain.
"Iba din si Pareng Vladimir" nakangising sabi ni Genesis.
"Buti si Vladimir may lablayp na yung isa diyan laging busted" pagpaparinig ni Pristine kay Genesis na ikinatawa namin ni Aldrix.
"Hindi ako busted no!" Nakakunot noong sabi niya kay Pristine. Humarap si Pristine sa kaniya at nginisian niya ito.
"Luh? Wala akong sinabing pangalan oy haha Masyado ka namang defensive"
Natawa na lang kami. Ang dalawang iyon laging nag-aaway, di na ako magtataka kapag naging sila balang araw. At dahil naisip ko iyon bigla kong naimagine ang dalawa kapag naging mag-asawa sila...

That Guy And His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon