CHAPTER 6

4 1 0
                                    

X A N D R I A ' S
P O I N T  O F  V I E W

"Naayos mo na ba ang mga dadalhin mo?" Tanong ni mama sa akin ng palabas na ako sa bahay.
"Naman! Ako pa ba!" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bawas-bawasan mo kalokohan mo ha?" Napasaludo ako at sabay ngiti kay papa.
"Naman! Sige alis na po ako !"
Tinanguan lang ako ni mama at papa. Naglakad na ako palabas ng gate at ng isasara ko na ang gate, narinig kong bumukas ang gate ng bahay ni imported na singkamas. Napatingin ako sa gate niya at nakita ko siya. Napalingon naman siya sa akin kaya nagtama ang mata namin ngunit agad akong umiwas at naglakad na. Nilampasan ko siya at pasipol-sipol pa ako maglakad.
  Tama 'yan Xandria! Iwasan mo na lang ang taong iyon tutal hindi naman kayo close!
Alas siyete na ng umaga, sinandya kong seven umalis ng bahay. Filipino time naman eh! Kapag sinabing seven o'clock, eight nagsisipunta ang iba. Mabuti ako, seven talaga ! Excited ako ngayon dahil pupunta kami sa bundok! Siyempre nagdala ako ng mga pagkain na kakainin namin nina Pristine. Ang pagkain kasi ng isa, pagkain na ng lahat. Ito ang second time namin na magtree-tree planting. Sayang nga at last na ito, graduating na kasi kami. Hayst! Mami-miss ko ang grade 12.
"XANDRIA!"
Napangiti ako ng marinig ko ang napakalakas na sigaw ni Pristine. Kumaway ito sa akin kaya kumaway din ako sa kanya. Agad akong lumapit sa kaniya.
"Aba! Ganda ata ng gising mo? Parang kahapon badtrip ka?"  Tanong ko sa kanya.
"Aba! Ang ganda din ata ng gising mo? Parang kahapon, badtrip ka kay Imports ngayon kasabay mo pa nagpunta sa school"
Napataas ang kilay ko at napalingon sa likod ko kasi nakatingin sa likod ko si Pristine. Nagulat naman ako ng makita si imported na singkamas na nasa nakatayo sa likod ko habang nakatingin sa amin.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo ah" hinampas ko sa braso si Pristine.
"Manahimik ka nga!" Tumawa lang siya sa sinabi ko. Tumingin muli ako kay Winter at nakatingin siya sa akin.
Anong problema nito? Nakakaintimidate ang tingin niya kainis!
Napalunok ako at naglakas loob na magsalita.
"Ano kailangan mo? Sinusundan mo ako no?"  Masungit na sabi ko sa kanya. Imbis na sagutin ako,lumapit siya at kinuha ang kanang kamay ko at inilagay sa palad ko ang panyo na kulay blue.  Teka, panyo ko ito!
"In your dreams"
At umalis siya ng sabihin niya 'yun.
Napanganga naman ako.
"Haha grabe bessy! Nag-assume ka 'dun ah"
Nabalik ako sa katinuan ng narinig kong tumatawa si Pristine. Napatingin ako sa panyo ko at napasimangot ako.
"Bwisit ang imported na singkamas na iyon! Anong akala niya? Crush ko siya kasi ang gwapo niya? Kasi ang cool niya? Kasi ang talino niya? Aba! Ang yabang niya!"
Napahampas si Pristine sa braso ko.
"Wala siyang sinabing ganyan,defensive ka masyado hahahaha"
Napayukom ang kamao ko sa inis.
"Bakit pa kayo nakatanga diyan? Tara na sa gymnasium!  Kanina pa nagsasalita si Candy!" Napatingin kami kay Genesis na nakatingin ng  masama sa amin ni Pristine.
" 'Yang  ugok na 'yan, basta kapag sinabi ni Candy sinusunod niya" sabi ni Pristine.
"Oo nga, parang aso tuloy haha"
Napatawa kami sa sinabi ko.
"Aba! Pumunta na tayo sabi!"
Lumapit kami ni Pristine at binatukan siya.
"Aba! Sinisigawan mo na kami ngayon ha?" Sabi ni Pristine
"Anong oras na kasi!"
Pagrereklamo niya.
"Hinihintay namin sila Emerald! Excited to, palibhasa baliw na baliw Kay matamis" sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
"Kanina pa sila dumating! Lumabas nga lang ako para hanapin kayo eh"
Nagkatinginan naman kami ni Pristine sa sinabi niya.
"Nauna sila? Bago yun ah"
Sabay naming sabi ni Pristine.
Mukhang nabwisit naman na sa amin si Genesis kaya hinila na niya kami papasok sa gymnasium.
Naabutan naman namin na nagsasalita si Candy sa stage at ang mga kaibigan namin na nasa dulo ng pila. Nagawi ang tingin ko kay Aldrix at nagulat ako ng makitang katabi niya yung girlfriend niyang si Gabrielle. Ngayon ko lang sila nakitang magkasama.
"Katagal niyo " sabi ni Vladimir sa amin.
"So kasalanan naming hinintay namin kayo kasi akala namin wala pa kay--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pasakan ng tinapay ni Genesis ang bibig ko.
"Dami mong sinasabi! Kumain ka na lang" sinamaan ko ng tingin si Genesis habang nginunguya ang sinubo niya. Bastusing bata talaga !
"Okay! Magpunta na ang lahat sa assigned bus"
Nagkatinginan kami ni Pristine saka ngumiti at sabay na tumakbo palabas ng gymnasium. Agad kaming nagpunta sa bus ng section namin at namili ng upuan. Napili namin yung pangalawa sa harap. Si Pristine ang naupo sa tabi ng bintana.
"Mga excited" dinilaan namin si Genesis. Nagsipasok ang mga kaklase namin sa bus at nagsiupo na. Nasa harap namin sina Vladimir at Emerald at nasa likod namin si Genesis at Aldrix.
"Rock na'to!" Tuwang-tuwa kong sabi. Naging maingay sa loob ng bus at nanguna kami ni Pristine sa ingay. Maya-maya natahimik ang lahat ng biglang may sumigaw.
"Aldrix ! Tabi tayo!"
Napatingin kami kay Gabrielle na pumasok sa bus namin.
Teka, hindi namin siya classmate ah
"Bakit nandito ka? Sa Class-A ka hindi ba?" Naiinis na sabi ni Aldrix sa kanya. Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Aldrix.
Ang normal na boyfriend, matutuwa na kasama ang girlfriend niya.
Napailing ako sa naisip ko.
Nakalimutan kong, abnormal nga pala ang kaibigan ko.
"Hoy Genesis alis diyan sa tabi ni Aldrix! Si Gabrielle ang uupo diyan! Maghanap ka na lang ng uupuan mo. At kung wala ng
upuan maglakad ka na lang"  sabi ni  Pristine habang nakasilip kay Aldrix at Genesis.

That Guy And His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon