CHAPTER 5

4 1 0
                                    

GENESIS'S
POINT OF VIEW

"Nasaan 'yung tatlo?"
Napalingon ako kay Emerald ng magtanong ito. Agad akong napatingin sa upuan nina Xandria, Pristine at Aldrix.
"Si Xandria, nag-CR lang hindi na bumalik. Si Pristine, may tumawag lang sa kanya sa cellphone hindi na rin bumalik. Si Aldrix naman, hindi pa rin nagpupunta dito"
Sabi ko sa kanya habang nakatingin. Bigla ko namang napansin na hindi niya kasama si Vladimir.
"Himala, wala sa tabi mo si Vladimir?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang umiwas ng tingin at nagtaka ako sa ginawa niya.
"M-may pinuntahan siya"
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang at saka nag-cellphone muli. Alam ko namang hindi niya ako sasagutin dahil masyado siyang masikreto.
Nagpatuloy lang ako pag-cellphone at saka lang ako napatigil ng maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Si Pristine ito at nakakunot ang noo niya, Problema ng babaeng ito?
"Hoy?Problema mo sa buhay?" Imbis na sagutin ako ay sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Abnomal" bulong ko pero hindi na niya pinansin ang sinabi ko. Himala at hindi siya tumutol!
"Xandria!"
Nagawi naman ang tingin ko kay Xandria na pumasok sa classroom, tinawag siya ng kaklase naming si Judy at ilang saglit lang ay naupo na rin ito sa upuan niya at tulad ni Pristine, ng tinanong ko siya sinamaan niya lang ako ng tingin.
Seriously? What the heck is going on with those two?
"Aldrix!"
Naagaw naman ang atensiyon ko ng sumigaw si Emerald at tinawag si Aldrix. Napangisi ako ng makita ko ito, nakuhang magcutting class para sa girlfriend niya! Ibang klase parang dati akala ko ako ang type niya. Lumapit si Aldrix sa amin at nakanguso siya.
"Ikaw ah, hindi mo sinabi na  may girlfriend ka na" parang hindi naman maipinta ang mukha niya ng sabihin iyon ni Emerald.
"Huwag niyo na nga ipaalala! Sumasama pakiramdam ko eh" naiinis niyang sabi sabay upo at dukdok sa desk niya. Nagkatinginan kami ni Emerald.
"Sila ba ang kaibigan natin Genesis? Parang hindi ! Ang tahimik nila " nagtatakang sabi ni Emerald sa akin.
Tumango ako sa kanya at napatingin sa tatlong kaibigan namin na parang sinapian ng kung ano.
"Kaya nga. Ano kaya ang tinira ng mga yun?"
Napatawa kami ni Emerald.
"Ano nangyari sa tatlo?"
Natigilan kami sa pagtawa ni Emerald ng dumating si Vladimir. Parang nagbago ang atmosphere ng dumating siya. Napatingin ako sa dalawa, si Emerald biglang nanahimik at si Vladimir parang nahihiya na ewan. Seryoso? Anong problema ng mga kaibigan ko?
Ako na lang ba ang matino sa kanila?
"Goodmorning Class-C"
Lahat ay natigil sa mga ginagawa nila at ang atensiyon ng lahat ay napunta sa napakagandang babae na nasa harap ngayon. Nang marinig ko ang boses na iyon, bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti ako.
"Nandito ako para mag-announce, magkakaroon tayo ng tree planting bukas sa bundok ng Belarin. Maghapon tayo doon kaya maghanda ang lahat. Magkakaroon ng assembly sa gymnasium bago tayo magpunta at  7 ng umaga ang assembly kaya sana wag magpa-late. By section ang magkakasama at bawat section may naka-assign na bus. Ang ma-late, maaaring mawalan ng upuan sa assigned bus ng section niyo at baka mapunta kayo sa ibang bus. Ayaw naman natin iyon di ba? At isa pa, require ang lahat ng student na sumama bukas kaya um-attend lahat okay?"
Nakangiting sabi ni Candy sa lahat.
"Yes president!"
Sabay-sabay naming sabi sa kanya kaya napangiti siya. Para namang nabuo ang araw ko ng makita ang ngiti niya, iba talaga ang tama ko sa kanya men!
Nakilala ko si Candy noong grade 6 ako, magkalapit ang bahay namin at palagi ko siyang nakikita sa playground malapit sa bahay. She's kind, sweet, smart, sincere, and beautiful. Siya yung babae na pinangarap ko. Napangiti na naman ako ng maalala ko yung time na naging close kami.

"Hoy Genesis saan ka na naman pupunta? Kakadating mo lang sa bahay aalis ka na naman. Hapon na!"
Ngumiti lang ako kay mama saka tumakbo paalis ng bahay. Bahala na mapagalitan mamaya basta makita ko lang si Candy. Birthday kasi niya ngayon at inimbitahan niya ako kaya kailangan kong pumunta kahit na pagalitan ako ni mama. Ilang minuto ang lumipas narating ko na rin sa wakas ang bahay nila. Tumigil muna ako sa labas ng bahay nila at inayos ang sarili ko bago pumasok. Dinig na dinig ko ang music mula sa bakuran nila, mukhang madaming pumunta ngayon sa birthday niya. Nang pumasok ako sa bahay nila nadatnan ko ang napakadaming bisita. Mga kaibigan at kaklase niya ang narito. Hinanap ng mata ko si Candy pero hindi ko siya makita. Nasaan kaya siya?
"Genesis!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Oh Alyza! Nakita mo ba si Candy?" Tanong ko sa kaklase ko na kaibigan ni Candy.
"Nakita ko siyang pumasok sa bahay nila kanina eh mukha nga siyang malungkot"
Napatingin naman ako sa bahay nila.
"Sige, pupuntahan ko lang siya" at saka ako umalis at nagmadaling pumasok sa bahay nila. Nakita ko naman siyang nakaupo sa hagdan nila at nakapahalumbaba. Lumapit ako sa kaniya.
"Wala akong barya eh"
Nakuha ko ang atensiyon niya. Napangiti ito ng makita niya ako.
"Genesis ikaw pala, mabuti at dumating ka" ngumiti ako saka tumabi sa kaniya.
"Bakit ang lungkot mo ata?" Tanong ko sa kaniya.
"Eh kasi, wala si mama. Gusto kong magcelebrate ng birthday ko kasama siya, kaya lang hindi siya nakauwi kaya hindi ako masaya"
Nakita ko ang lungkot sa mata niya at parang nalungkot din ako.
"Huwag ka ng malungkot, sigurado naman na mas gusto ng mama mo na nandito siya kaya lang ganun talaga. Huwag ka ng malungkot, ayaw ng mama mo na malungkot ang prinsesa niya sa birthday niya kaya smile ka lang" tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang gilid ng labi niya at pinangiti siya ng malapad.
"Dapat ganyan ka ngumiti, bahala ka tatanda ka ng maaga. Gusto mo ba 'yun" tumawa siya at hinampas niya ako.
"Ikaw talaga!"
Napangiti ako ng makita kong sumaya na siya. Iniabot ko sa kanya ang regalo ko.
"Ayan, pinag-ipunan ko 'yan"
Kinuha niya naman ito.
"Ano ito?"
"Secret. Basta alam kong magugustuhan mo 'yan" napangiti naman ito at saka binuksan ang regalo ko.
"Wow! Genesis ang ganda! Saan mo nahanap ito?"
Nakangiti siya habang tinitignan ang kwintas na may palawit na G-cleft.
"Secret ulit!"
Humarap siya sa akin at ngumiti na naman.
"Isuot mo sa akin" nagulat naman ako pero agad ko ding kinuha ito at isinuot sa kaniya.
"Bagay na bagay sa iyo" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at biglang lumapit at hinalikan ang kanang pisngi ko na ikinagulat ko.
"Salamat Genesis. Salamat kasi pinasaya mo ako sa Birthday ko. Huwag mo ako iiwan ha?"
Bumilis ang tibok ng puso ko at tila walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.
"Ikaw lang 'yung totoo kong kaibigan na talaga ngang maaasahan ko"
Huminga ako ng malalim saka hinawakan ang kamay niya bago magsalita.
"Hindi kita iiwan, nandito ako lagi para sa'yo"
Ngumiti siya sa akin at pinisil ang kamay ko.
"Salamat"

That Guy And His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon