CHAPTER 3

4 2 0
                                    

X A N D R I A ' S
P O I N T  O F  V I E W 

    Patakbo akong pumasok sa school dahil late na ako. Hindi ako ginising ni Mama ng maaga. Patay ako kay Ma'am Rachel nito, istrikto pa man din iyon pagdating sa attendance. Nang makarating ako sa classroom ay naroon na nga si Ma'am at ang sama ng tingin sa akin. Yumuko ako at saka nagsalita.
"I-i'm sorry i'm late"
Hindi sumagot si Ma'am at alam kong badtrip ito kaya dumiretso na ako sa upuan ko.
"Anong oras na Ms.Baron? Kung pumasok ka parang wala kang klase "
Napayuko ako at napatingin sa barkada kong nakayuko din. Actually halos lahat ay nakayuko kasi natatakot kay Ma'am Rachel.
"Sorry Ma'am, hindi na po mauulit"
sabi ko habang nakayuko.
"Dapat lang! Humanap ka na ng partner mo. Gagawa kayo ng position paper ngayon at magde-debate kayo ng partner mo"
Tumango ako kay Ma'am. Partner lang pala, madali lang yun. Kinalabit ko si Pristine.
"Chingu partner tayo ah"
Napangisi si Pristine sa akin.
"Sorry Chingu, late ka kasi eh. May partner na ako. Pati sila Vladimir meron na" napabuntong hininga ako at napanguso sa kanya.
"Bad. Di ako hinintay, so sino partner ko? Mabuti sana kung pwedeng mag-isa sa debate"
Ngumisi ito sa akin at hinawakan ang kaliwang balikat ko.
"Meron pa namang available eh"
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Sino ba?"
Tanong  ko sa kanya.
"Si imported"
Nawala ang ngiti sa aking labi at napakunot ang noo ko ng sabihin niya iyon. Napalingon ako sa likod namin at nakita ko ang bwisit na lalaking may gawa ng gasgas ko sa baba. Ang bwisit na imported na singkamas!
"Ayoko! Never!"
Nagkibit-balikat si Pristine ng sabihin
ko iyon.
"Ikaw din, performance task din ito. Siya na lang ang walang partner oh arte pa ba? Laman tiyan din 'yan imported pa" napatawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso.
"Anong laman sa tiyan? Loka ka hahaha "
Tumawa din siya at biglang tinuro ang baba ko na  may band aid.
"Ano 'yang nasa baba mo? Uso ba 'yan ngayon? Hahahahahaha"
Bigla kong naalala yung kahapon. Bwisit talaga na imported na singkamas na iyon!
"Shattap ka na lang Chingu! Gumawa ka na ng position paper hmp!" tumawa lang ito at humarap na sa partner niya.
Napatingin naman ako sa mga kaklase ko, lahat sila busy na gumawa ng position paper. Lahat may partner ako na lang wala. Napatingin ako sa likod at tinignan yung Imports na singkamas. Wala din siyang ginagawa. Kung bakit kasi nalate ako eh!
"Ms.Baron?! Anong ginagawa mo?! Late ka na nga, wala ka pang ibang ginawa kundi tumanga"
Napalunok ako ng di oras sa sigaw ni Ma'am Rachel.
"Ma'am wala po akong partner" sabi ko sa kanya.
"Is that my problem? Gawan mo ng paraan! Pa-late ka pa kasi, Si Winter! Walang partner. Kayo na ang partner !"
Napasimangot naman ako. Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa  akin at tila sinasabi na 'goodluck' jusko! Bakit ako pinaparusahan ng ganito?
"Chingu, pumunta ka na sa tabi ng lifetime partner mo i mean ng partner mo" binigyan ko ng masamang tingin si Pristine.
Lifetime partner ! Duh!
So ayun dahil wala akong choice tumayo ako at lumipat sa tabi ni Winter. Walang nakaupo dito dahil walang nagtatangka. Para ka daw kasing nasa North at South pole kapag tumabi ka kay Winter. Napansin ko namang nakatingin ang mga kaklase ko sa amin at parang inaabangan ang susunod na mangyayari. At yung barkada ko, nakangisi sa akin.
Mga traydor!
Humarap ako kay Winter na nakatingin lang sa ballpen niya.
Tumikhim ako bago magsalita.
"Ehem. So ayun, partner tayo at dahil mahina ako sa ganito sana tulungan mo ako at dap----"
Natigil ako sa pagsasalita ng humarap siya sa akin. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatahimik ng makita ko ang mata niya na napaka-ganda. Jusko, kahit bwisit ang lalaking ito ang gwapo niya pa rin.
"Sex"
Sabi niya gamit ang napakalalim na boses. Bigla akong kinilabutan sa boses niya pero agad na napakunot ng noo ng magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Agad ko siyang binatukan.
"Napakaimoral mo! Alam mong babae kausap mo sasabihin mo 'yan? Hindi mo na nirespeto ang pagkababae ko!"
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nakatingin lang siya sa akin.
"Ms. Baron? Bakit ka sumisigaw?" Natigil ako at napatingin kay Ma'am na naka crossed arms ngayon. Napansin ko din na nakatingin sa amin ang lahat ng kaklase ko.
Bigla akong nahiya.
" 'Wag kang masyadong maingay, isa na lang palalabasin na kita" tumango ako kay Ma'am at saka napa-pikit sa inis.
"Ikaw kasi" naiinis kong sabi kay imported na singkamas.
"You didn't let me finished" sabi nito habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, aba di ako papatalo!
"Aba ako pa sinisisi mo?" naiinis kong sabi. Iniwas nito ang tingin niya at nagsimula itong magsulat sa papel.
"Sex education. That is our topic, your stand is positive mine is negative" sabi niya habang nagsusulat. Hindi naman ako makapagsalita kasi nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Ibang klase, bakit kasi di niya agad sinabi ang education? Tapos ang husky ng boses niya ! Aish.
"Itutuloy natin ito bukas. Be ready okay? That's all. Goodbye class"
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig kong sabihin ito ni Ma'am Rachel. Feeling ko kasi para akong nasa loob ng refrigerator. Ang lamig ng katabi ko eh!  Umalis na ako sa  tabi ni Winter at bumalik sa upuan ko. Nang makaupo ako ay agad akong tinanong ng mga kaklase ko .
"Anong nangyari?"
"Bakit mo binatukan si Winter?"
"Bakit ka nasigaw?"
"Kinilig ka ba?"
"Ang gwapo niya di ba?"
"Marami ba siyang sinabi? Lagpas one sentence ba?"
Bigla kong binagsak ang notebook ko kaya natigil sila kakasalita.
"Wala ba kayong magawa sa buhay niyo? Gumawa na lang kayo ng assignment!"
Nagsialisan naman ang mga kaklase ko ng sabihin ko iyon. Dapat lang! Feeling showbiz ang drama ko kanina ka-stress.
"Hoy Xandria! Anong drama 'yun ?"
So ayun, nakatakas nga ako sa mga kaklase ko. May lima naman na natira at ang masaklap, mas masahol pa sila.
"Bukod sa pagchansing mo kay imports? Ano 'yung sinabi mo kanina?"
Napakamot ako sa batok.
"Nakakainis kasi, bigla na lang niyang sinabi ang sex"
Nanlaki ang mata ng lima sa sinabi ko.
"Oh my! Inaaya ka niya?"
"Jusko RIP kay Imports may Aids ka eh!"
"Pumayag ka?"
"Kaya ba chinansingan mo siya?"
"Ano feeling?"
Pinagbabatok ko sila at sinamaan ng tingin.
"Isa din kayo eh! Hindi niyo pinapatapos magsalita ang tao. Kaya ako sumigaw, di ko tinapos ang sinasabi niya at nag-over react ako. Sex Education pala ang sinasabi niya" pagkwe-kwento ko sa kanila.
Ngumisi si Emerald na ikinataas ng kilay ko.
"Eh bakit parang disappointed ka?"
Napakunot ang noo ko.
Disappointed?! Mukha ba akong disappointed?!
"Hindi no!"
Napatawa sila sa sagot ko.
"Ayun eh, umamin kana. Satin-satin lang naman " sinamaan ko sila ng tingin.
"Ewan ko sa inyo!"
Tumayo ako at naglakad palabas pero napatigil ako ng sumigaw yung barkada ko.
"Saan ka pupunta?!"
Humarap ako sa kanila.
"Sa langit"
Nginisian nila ako.
"Sino kasama mo?"
Sinamaan ko sila ng tingin.
"Mga engot!"
At nagtawanan sila, haynako mga engot talaga. Naglakad na ako papunta sa CR, kanina pa kasi ako naiihi. Nang makarating ako sa CR walang ibang tao kaya malaya akong nakaihi at ng matapos ako lumabas ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Palabas na sana ako ng CR ng may marinig akong naguusap sa labas ng CR.

That Guy And His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon