"Jackie mamaya nga pala alis ni kuya."
"Hala. Ibig sabihin mag-isa ka nalang sa penthouse mo?" lumapit naman ito sakin.
"Parang ganon na nga. Hahatid ko siya mamaya, sasama kaba?" tanong ko dito habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok nito.
"May date kami Blake sorry." hinawakan naman nito ang magkabila kong pisngi.
"Bawi nalang ako next time huh. Uuwi na pala ako ilang minutes nalang susunduin na ako ni Blake. I love you bes ingat sa pag uwi." paalam nito at umalis na.
Ang sakit lang kasi hindi ko masabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Nahihirapan ako mag tapat sa kanya dahil na rin siguro mag bestfriends kami simula palang nung bata kami.
Para sa kanya kapatid na ang turing niya sakin pero ako. Hindi kapatid ang turing ko sa kanya mahal ko na siya. Kasama siya sa lahat ng pangarap ko kahit nga pag tanda kasama siya.
Nasasaktan ako kasi bestfriend niya lang ako anong laban ko sa mga kadate niya. Katulad nalang ni Blake Sebastian ang ganda, famous, mayaman nasa kanya na.
Habang ako ito lang simple hindi nagsusuot ng magagarang damit. Oo mayaman ako pero hindi kayamanan ang pinag uusapan dito. Kundi yung pag mamahal ko sa kanya.
At oo lipstick lesbian si Jackie nagsimula lang naman yan nung nakilala niya si Blake. Siya ang lagi niyang bukambibig kesyo ganto ganyan lahat.
Ako naman si tanga nakikinig naman ganon talaga siguro kapag mahal mo. Mas gugustuhin mo na makita siyang masaya. Tatanggapin mo lahat pati yung gusto niya.
I wish that I was what you wanted Jackie.
Buzz... Buzz...
"Hi kuya pauwi na ako."
"Okay ka lang ba bunso?"
"Okay na okay ako kuya. Sige bye na magda drive na ako."
"Ingat bunso"
End call...
Ganito ba talaga kapag nagmamahal sa kaibigan?
Bakit di niya ako mahalin pabalik?
Binibigay ko lahat sa kanya para maging masaya siya. Kulang pa ba?
Ang sakit sakit na. Araw araw tinutusok ng paulit ulit ang puso ko kapag nakikita ko sila. Iniisip ko nga sana ako nalang si Blake para ako ang dahilan kung bakit masaya siya.
Pero kahit anong gawin ko kailan man hinding hindi ako magiging si Blake.
Penthouse...
"Bunso okay lang ba talaga?" tanong ni kuya sakin.
"Nako kuya umalis kana lang. Alam mo naman ugali ni Dad." saad ko. Okay na rin siguro yung ganto. Gusto ko din mapag-isa.
"Mamimiss kita Louise" yumakap naman ito sakin. Di ako makahinga. Argh!
"K...kuya" bigla naman itong kumawala.
"Sorry...Mamimiss ko lang talaga ang gwapo kong kapatid." pang aasar niyo.
"Kuya!" sigaw ko sa kanya. Badtrip naman alam ko naman na poganda ako. Aish.
"Bunso wag mo na pala ako ihatid."
"Huh? Kuya naman." pagdadabog ko.
He sigh."Alam mo bunso okay lang naman minsan magdamot." tinap naman nito ang ulo ko.
"Anong konek kuya?" lumayo naman ako dahil babatukan niya ako.
"Sira ka talaga. Basta wag mo na ako ihatid maglock ka ng pinto. Mahirap na ikaw pa naman ang inaasahan ni Dad." kinuha na nito ang mga bagahe at inilagay sa sasakyan.
"Kuya..." hinawakan ko ang dulo ng damit niya.
"Babalik ako promise." hinalikan naman ako nito sa noo. Oha oha ang sweet ng Kuya ko. Ang swerte ng magiging girlfriend nito.
"Ingat kuya" nagbabye na ako.
"I love you bunso. Mag ingat ka dito" saad nito at unti unti ng nawala ang sasakyan niya.
YOU ARE READING
Best Friends
RomanceI didn't stop loving you. I decided to stop showing it because no matter how hard I tried, you wouldn't get it. Because I'm just your best friend, right?