3

12 1 0
                                    

"Goodmorning babe" bati ng isang anghel.

Wait...Aaahhh may ibang tao sa kwarto ko hala sino to. Iminulat ko kaagad ang mata ko at nakita ko na ang nag mamay ari ng boses na yun.

Siya yung kasama ko kagabi ano nga pangalan niya? Aish. Buong gabi kami magkasama pero pangalan niya di ko man lang alam.

"Allyson...Yeah Allyson pangalan ko" ngumiti naman ito ng napakatamis.

"Ah Ally diba may meeting ka pa?" tanong ko dito.

"Actually nacancel kanina, kaya nagluto na ako ng breakfast natin sorry pinakialaman ko na kitchen mo" tinap naman nito ang balikat ko. Kung ganyan ba naman yung lagi kong kasama dito hays gaganahan talaga ako.

"Ah ganon ba wala kabang ibang gagawin ngayon?" tanong ko ulit dito habang inaayos ang higaan.

Ngumiti lang ito at umalis na ng kwarto siguro kakain na yun. Ang gaan lang ng loob ko sa kanya pero may trabaho pa ako ayoko malate.

Nagtungo na ako sa cr para maligo ginawa ko na din ang rituals ko. At lumabas na ako sa kwarto para kumain nadatnan ko naman ito sa sala na nanunuod ng tv.

Witwiw wala ba siyang balak magbihis like ang sexy niya talaga. Anong oras na ba baka malate na ako atsaka pinapatawag ako ni Dad.

Pumunta na ako sa kusina para kumain pero di pa nagiinit ang puwet ko biglang may kumatok dali dali naman akong pumunta sa...

"Jackie" nagulat naman ako dahil si Allyson ang nagbukas ng pinto.

"Ah.Louise di mo naman sinabi na may bisita ka, ihahatid ko lang sana tong breakfast mo." iniabot naman nito ang pagkain at umalis na.

"Louise sino yun?" tanong naman ni Ally.

"Kaibigan ko" kaibigan huh? Oo kaibigan naman talaga diba.

"Ay Louise sabi nga pala ni Dad kung pwede ka daw sumama sakin mamaya sa dinner" sabi nito at pumasok na sa banyo.

Maliligo na siguro yun pero ano naman gagawin ko sa dinner nila. Eh? Bahala na nga atsaka bakit naman biglang umalis si Bes parang dati lang hinahayaan niya lang na may bisita ako.

Pero ngayon may lungkot ang mga mata nito at nakikita ko din na nasasaktan siya. Pero bakit ganon nalang yung pinapakita niyang ekspresyon sakin? Naguguluhan ako.

Nag iwan nalang ako ng sulat sa mesa bago umalis malalate na din ako. Kailangan kong magmadali. Siguro kailangan ko na ding sumuko sa kanya para saan pa kung lagi akong madadrama. Hindi na ako ang dahilan ng mga ngiting yon.

Pagdating ko ng office bumungad naman sakin si Dad.

"Goodmorning Sir" bati ko kay Dad.

Mamaya mag papaliwanag ako kung bakit Sir ang tawag ko sa kanya.

"Iha mamaya may dinner tayo sa mga Javier" umupo naman ito sa sofa.

"Javier?" pagtataka kong tanong.

"Kilala mo naman siguro yung anak nila na si Allyson Javier"

"Ah...Kakakilala ko lang sa kanya kahapon"
"Ipapakasal ka namin sa kanya" walang ekspresyon nitong sabi.

What the f! I can't! Bakit? May mahal na ako pwede bang siya nalang ang ipakasal sakin. Kaibigan lang ang turing ko kay Ally.

"Dad" yumuko ako.

"Anak alam kong hanggang ngayon si Jackie pa rin pero ayokong nakikita kang nag gaganyan" pagpapaliwanag niya.

Gusto kong magwala pero di ko magawa dahil. Dahil ama ko pa rin siya siguro wala na din akong magagawa. Kung yan ang desisyon nila para sakin tatanggapin ko.

Best FriendsWhere stories live. Discover now