"Babe bakit ngayon ka lang!?" ayan na umuusok na ilong niya.
"Kasi...aaahhh masakit" tama bang hilain yung tenga ko. Ang sakit sakit kaya! Hu hu hu.
"Ano na naman ipapaliwanag mo ha! Sinamahan mo na naman yung kaibigan mo na hindi ka magawang mahalin pabalik!" tinakpan ko kaagad yung bibig niya dahil ang daming tao sa cafè ko. Tama ba yun? Minsan iniisip ko bakit naging kaibigan ko to. Kilala talaga ako nito waaaaaaaaaa.
"Babe pwede ba hinaan mo yang boses mo. Ang totoo nalate ako ng gising tapos ang gumising pa sakin ay...ay si Jackie may good news daw kasi siya." tinarayan naman ako ng kausap ko. Great. Galit na talaga.
"Sorry na babe....Si...Sila na" yumuko naman ako sa huli kong sinabi. Ang sakit lang.
"Hala babe seryoso ka?!" sigaw ulit nito.
"Bakit kaba sumisigaw ha." piningot ko naman ang ilong niya.
"Babe bakit kasi di kapa magconfess sa kanya ha! Alam mo naturingan na ikaw yung nakasama niya simula pagkabata tapos naduduwag ka ha!" galit niyang sabi. Paano ko ba sasabihin? Torpe ako duh.
"Babe..." Iiwas sana ako kaso huli na nung nabatukan ako. Aish.
"Wag moko magbabe babe jan Louise sinasabi ko sayo umamin kana! Kasi kung hindj mo gagawin ako mismo magsasabi sa kanya!"
"Aamin?" nagulat naman ako sa nagsalita. Presensya niya palang kilala ko na. Jackieeeeeee.
"Ah...Kasi tong kaibigan ko may mahal kaso di niya maamin amin kasi torpe!" nanggagalaiting sabi ni Astrid.
"Babe!" pinandilatan ko siya ng mata. Mamaya madulas tapos masabi na si Jackie ang mahal ko jusko. Ayoko naman masira relasyon nila ni Blake.
"Ikaw bes ha. Bakit ngayon ko lang alam na may mahal kana. Nagseselos tuloy ako sino ba yang mahal mo pwede mo bang ipakilala?" hays Jackie kung kilala mo lang mahal ko. Ikaw lang mahal ko Jackie!
"Paanomagtatapatyankungmayjowanayungmahalniya!tsk" mahinang sambit ni Astrid.
"Huh?"
"Wala sabi ko ano..."
"May mahal na siyang iba actually kakasagot niya lang sa kasintahan niya kahapon." hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Astrid. Ako na nagpatuloy.
"Hi bro" bati naman ni Blake sakin.
Tumayo na ako dahil hindi ko na kaya na makita silang naglalambingan at hinding hindi ko din kaya makita yung mga ngiti niya.
Parang dati lang ako ang nagpapangiti sa kanya pero ngayon iba na. Ang sakit! Sobrang sakit pwede bang mamatay kahit isang araw lang.
"Babe san ka pupunta?" hinawakan naman ni Astrid ang braso ko.
"Sa office ko babe" binitawan naman nito ang braso ko.
"Babe bar tayo mamaya ano?" tumango nalang ako. Gusto ko din magpakalunod sa alak kahit ngayon lang.
Bar...
"Babe ano hanggang jan kana lang ba ha?!" sigaw ni Astrid.
"Hayaan mo sila, minsan ang bobo mo din" pangangaral sakin ng kaibigan ko. Ang talino niya no.
"Alam mo imbes na umiinom ka jan makipag flirt ka sa ibang babae para naman mawala na sa puso mo si Jackie! Psh." bago pa ako makapag salita tinulak na ako nito sa dancefloor.
Hindi ko pa rin maiwasan na mapatitig sa kanya ang ganda niya ngayong gabi. Ang saya nilang tignan ganon ba talaga kamahal ni Jackie si Blake.
Ang daming lumalapit sakin na lalaki pati na rin babae pero umiiwas ako feeling ko nagtataksil ako sa kanya. Taksil? May kaso ha?! Wala pero mahal ko siya. Walang magagawa yang mahal mahal na yan! Tsk.
"Hi" nagulat naman ako.
"Ah...Do I know you?" nagsalubong naman kilay ko dahil sa ginawa niya.
Kinawit niya ang dalawa niyang braso niya sa leeg ko. Ano naman kaya ang pinapahiwatig nito. Alam kong gwapo ako pero may nagmamay ari na sa puso ko.
"Hey stop it. Ang cute mong makipag talo sa sarili mo" humagikgik naman ito.
Infairness ang ganda niya pero bakit ako ang nakita niya. I mean ang daming sumasayaw na babae at lalaki bakit ako?
Okay na rin siguro to para makalimutan ko siya kahit ngayon gabi lang. Hinapit ko na ang bewang niya at inilagay ulit sa leeg ko ang kamay niya.
"By the way..." hindi niya na ako pinatapos dahil nagsalita na ulit ito.
"Louise Alejandro right?" ngumiti ng nakakaloko. Bakit ako kilala nito?
"O'cmon sino hindi nakaka kilala sayo" ngumiti nalang ako sa sinabi niya.
Ang saya niya kasama ang daldal din nakwento niya na din sakin kung paano niya ako nakilala. Kasosyo pala nila si Dad tapos nagkataon na kasama siya sa meeting kaya ayon pinakilala ako ng magaling kong tatay.
Ang cute niya din tumawa madalas humahagikgik din. Ngayon ko lang narealize na ang ganda ganda niya talaga napaka masayahin niya lang.
Kaso nagpapaalam na siya dahil may trabaho pa siya sa kompanya nila.
"Bye babe bukas nalang" nagulat naman ako sa tinawag niya sakin. Babe daw.
"Sige babe. Ay teka kaya mo ba? Hatid na kaya kita" hinawakan ko naman kaagad ang bewang niya.
Lasing na talaga to pasuray suray na maglakad tapos muntikan pang matumba.
"Astrid hatid ko lang to. Bes blake hatid ko lang siya" walang ekspresyon kong sabi.
Pero bago ako umalis sinulyapan ko muna si Jackie. Nagulat naman ako dahil ang lungkot ng itsura niya.
"Babe halika ka nga dito" kinarga ko na siya na parang bagong kasal.
"Bye guys." paalam naman nitong karga ko.
"Babe pwede ba akong makitulog sa bahay mo" pahabol na sabi ni Astrid.
Tumango na lang ako at umalis na sa bar nasa kotse na ako pero hindi ko alam kung saan ito iuuwi. Siguro sa penthouse nalang wala naman sigurong masama.
Pag dating ko ng lobby sinalubong naman kaagad ako ng secretary ni Dad.
"Miss pinapatawag ka po..."
"Sige"
Naglakad na ako papasok ng elevator ng makarating na ako sa penthouse ko inihiga ko na siya sa kama ko.
Anong gagawin ko dito Gisingin mo tapos pagbihisin mo ng damit. Pareho naman kami babae siguro ako nalang magbibihis sa kanya. Taksil! Taksil kaagad ha? Atsaka siya naman nauna.
Inumpisahan ko lang hubaran siya at kumuha na din ako ng basang tuwalya para punasan ang buong katawan nito. Kaso mukhang naiinit ako sa nakikita ko.
Paanong di ka magiinit tignan mo naman ang katawan. Ang sexy, ang ganda ang kinis ng mukha. May mahahabang pililmata din ito.
"Hhmm." nagmoan ba siya? Sh*t anong gagawin ko..
Binihisan ko nalang siya kaagad at naligo muna ako bago tumabi sa kanya. Ang daming nangyari sa araw na to. At kahit ngayong araw nakalimutan ko din siya.
Thank you nga pala sayo wait di ko pa siya kilala waaaaaaaa. Inuwi ko na siya pero di ko man lang siya nakilala. Ay bahala na bukas ko nalang siya tatanungin.
....
YOU ARE READING
Best Friends
RomanceI didn't stop loving you. I decided to stop showing it because no matter how hard I tried, you wouldn't get it. Because I'm just your best friend, right?