Desire 3 - Hi Scarlette

336 12 3
                                    

"Assume nang assume hindi ka naman sigurado kaya ang ending magsisisi ka lang."

Scarlette's POV

Nandito ako sa hagdan ng 3rd year building at mukhang tangang umiiyak pa din.

Pinagtitinginan nga ako ng mga iba pang estudyante. Pero wala akong paki! Sila kaya sa kalagayan ko? Panigurado naman ganito din gagawin nila.

"Scarlette! Scarlette hay nako! Hinahabol kaya kita." Rinig kong sabi ni Blaire na hinihingal.

Hindi ko siya pinansin tumayo ako at naglakad papunta sa direksyon ng classroom namin.

Hinabol? Edi sana kung hinabol niya ako naabutan niya ako. Ang sabihin niya nakipagusap pa siya kay Xeidan.

"Scarlette naman." Tumakbo siya papalapit sa akin. Hinawakan niya yung balikat ko pero inalis ko yung kamay niya.

Pumasok na ako sa classroom at umupo sa upuan ko.

Umupo na din si Blaire sa upuan niya na katabi ko.

"Uy, Scarlette..." pagtawag niya pero hindi ko pa din siya pinapansin.

"Scarlette naman eh." Inalog niya ako. Pero inalis ko ulit yung kamay niya at hindi pa din ako kumikibo.

Hanggang sa may pumasok na na teacher. Hindi ko mapakinggan ng ayos yung tinuturo kasi lutang ako. Naaalala ko nangyari kanina.

Nakakainis talaga, ayokong magalit kay Blaire dahil ang immature pero hindi ko talaga maiwasan. Ang hirap. Masakit kaya yung nangyari. Nagmukha akong tanga dun. Pero, ay basta.

"Scarlette kausapin mo naman ako. May sasabihin ako."

Pero hindi pa din ako sumagot sa kanya.

Umalis na si Sir Ramos at pumasok na si Ma'am Laureano. Pero hanggang ngayon wala pa din ako sa huwisyo.

Parang walamg kwenta na pumasok pa ako ngayon, di naman din ako nakikinig. Kaya tumayo ako at umapit ako kay Ma'am.

"Ma'am ang sama po talaga ng pakiramdam ko pwede po ba akong umuwi na?" pagbabakasakali ko.

"Ano? Bakit anong masakit sayo?"

"Ang sakit sakit po ma'am... ng ulo ko." Masakit po yung puso ko. Hindi ko alam naluluha na pala ako.

"Oh umiiyak ka na. Gusto mo bang pumuntang clinic muna?"

"Hindi ko na po talaga kaya uuwi na lang po ako."

"Oh siya sige kaya mo bang umuwi ng mag-isa? Sige makakauwi ka na. Mag-iingat ka." Tumango na lang ako kay Ma'am. Bumalik ako sa upuan ko. Inayos ko mga gamit ko at lumabas na ng classroom.

Lumabas na ako ng gate at pumara ng taxi. Hindi naman totoong ayaw ko sumakay sa taxi. Sinabi ko lang yun noon para makasabay ko si Xeidan.

"Saan po Ma'am?" tanong nung driver nang makapasok ako.

"Sa Hyacinth Subdivision kuya." Tumango naman siya at pinaandar na ang kotse.

Habang nakasakay umiiyak pa din ako.

"Problemang puso po yan ano? Hay.  Mga kabataan talaga ngayon," biglang sabi ni Kuya.

"Ito payo lang hija, kung nasasaktan ka. Siguraduhin mo muna kung bakit ka nasasaktan. At pag nalaman mo na, isipin mo kung ano ba dapat mong gawin para maiwas mo yung sarili mo sa sakit," pagdagdag ni Kuya.

Hindi ko na alam pero napagtanto ko na lang na nagshashare ako kay Kuya.

"May... .May gusto kasi ako. Tapos.. Tapos nalaman ko na,  nagugustuhan niya yung bestfriend ko," pagkukwento ko sa kanya.

Secret Desire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon