Desire 13 - Surprise!

199 7 2
                                    

"Dadating sa punto na mahuhulog ka kung saan hindi ka na makakabangon pa"

Scarlette's POV

"Can you just get over it?" tanong sa akin ni Blaire. Pero ito pa din ako. Iyak ng iyak.

"H-hindi ko kaya. Ang kataksilan niya! Napakasama niya.." tuloy-tuloy kong sabi kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Aish. Shhh. Hush now."

"I can't. He is a liar! Dapat sa kanya mamatay. Napakasama niya. How dare he? Pagkatapos niya magsabi ng I love you mangloloko siya?"

Narinig kong may tumawa, inangat ko naman ang tingin ko at napagalamang boyfriend ni Blaire yon. Inirapan ko naman siya.

Hindi niya kasi alam ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

Nandito kasi ako kila Blaire ngayon, nandito din yung asungot na Adriele na boyfriend niya. Sinoli ko na nga din pala yung panyo niya, nakakahiya ang tagal ko pa bago nalabhan.

"Tumigil ka na nga." Pinagsabihan naman siya ni Blaire, pero tinawanan din ako.

TInatawanan din ako ni Blaire?

"No. Why can't you understand? Masakit eh. Masakit!"

"Oo masakit. Pero hindi ikaw yung bida. Tyaka 30 minutes na ang nakakalipas noong natapos ang movie."

"Pero ang sakit nandito pa din. Kahit gaano katagal pa ang lumipas the damage was done."

Tumawa na naman yung boyfriend niya. Kumuha ako ng unan sa sofa at binato dito.

"Bwisit! Kanina mo pa ako tinatawanan eh!"

"Haha. Scarlette, you really are funny. Umiiyak dahil sa movie? Hahaha." Tawa din ng bestfriend ko. Sumimangot naman ako.

Nadala ako eh. Tyaka siya naman nagpanuod sa akin noon. Sabi ko yung Anabelle na lang ang i-stream namin pero ayon pang movie ang pinagpilitan niya.

Nadala tuloy ako.

"Alien." Lumingon ako kay Adriele dahil siya ang nagsabi nito.

"Anong alien?"

"Abnormal ka kasi." At humagalpak siya ng tawa sa kinauupuan niya.

Sisigawan ko pa dapat nang may nagdoorbell.

Napangiti ako dun at excited na tumayo.

"Waaah. Si Xeidan na ata yan. Babye!" Tinawanan ko pa sila dahil at last ay makakaalis na ako sa puder nila.

May date kasi kami ni Xeidan at dito niya ako susunduin kila Blaire.

"Excited haha." tawa sa akin ni Blaire. Hindi ko siya pinansin at tumakbo na papuntang pintuan.

"Yung poise mo nawawala!" Sigaw ni blaire kaya nagdahan-dahan akong lumakad.

Nang makalapit ako sa pinto, huminga ako ng malalim.

'Hoy Scarlette! Bakit ka ba kinakabahan? Baka akala mo..date lang to. Chill'

Ngumiti ako ng pagkalaki-laki at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Hi Xei--Uh, Ahllyson?" Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Akala ko pa naman si Xeidan na.

"Hello. Oh bakit? May ginawa ba ako sayo?" Sabi ni ahlly.

Narinig ko namang tumatawa si Adriele at Blaire.

Nakakainis naman sila.

"W-wala." nakasimangot kong sabi at bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Secret Desire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon