Desire 8- Happy Birthday Blaire

314 10 3
                                    

"Handa naman tayong lahat na mag-hintay kung alam nating may dadating talaga. Pero papano kung wala pala?"

Scarlette's POV

"Ano, magpapaparty ka ba bukas?" tanong ko sa kanya tapos siniko ko siya.

"Ahm..." Yan lang ang tanging nasabi niya habang busy siya sa cellphone niya.

"Huy, Blaire!" sabi ko at niyugyog ko siya. Pero parang wala lang at 'di pa din siya kumikibo.

Kaya mabilis kong hinablot yung cellphone niya.

"Sino ba yan, ha?" Akmang titignan ko na ang screen ng cellphone niya nang mabilis niya itong nahablot.

"Bakit mo kinukuha?" Medyo inis niyang tanong. Hala? 

"Eh hindi mo ako sinasagot sa tanong ko. Ano magpapaparty ka ba para sa birthday mo bukas?"

"Sorry. Magpapaparty? Nako, peperahin ko na lang yun. Tsaka gusto ko tayo na lang dalawa magcelebrate." Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Bakit naman? Ang cheesy ha." biro ko.

"Ayaw mo nun? May bonding tayo! Tapos diba sabi mo meron kang bagong bike? Oh ayun, gagamitin natin bukas. Tapos magpapaluto na lang ako kay Mommy ng mga favorite foods natin. Tapos basta bahala na bukas," nakangiting sabi sa akin ni Blaire.

"Oo tama, masaya nga yun! Pero saan naman natin yun gagawin? Sa bahay niyo? Sa bahay namin?" tanong ko.

"Na-uh! None of the above. Doon tayo pupunta sa beach malapit lang sa subdivision niyo at amin. Kung saan tayo unang nagkakilala. 4:30 pm kita tayo doon ha?" At kinindatan niya ako.

Ang sweet naman ni Blaire. Dapat ako yung magpasaya sa kanya kasi siya ang may birthday pero baliktad ang nangyayari. Ako yung natutuwa. Ang swerte ko na magkaroon ng kaibigang katulad niya.

Di bale, may surprise naman akong gagawin bukas.Well, surprise nga bang matatawag yun? Pero sana ma-appreciate niya.

"So hindi na tayo papasok bukas?" tanong ko.

"Hindi na sasabihin ko kay Mama iexcuse tayo." At kinindatan niya ako.

"Tara uwi na tayo," pag-aaya niya sa akin. Kaya tumayo na kami sa kinauupuan naming bench.

"May sundo ka ba?" tanong ko naman sa kanya.

"Nagtext sa akin hindi daw ako masusundo eh. Sabay na lang tayo, taxi. Tara." Nag-cling siya sa braso ko at sabay kaming naglakad papunta sa mga taxi.

Habang naglalakad, naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ko.

Napangiti ako.

Eh pano ba naman ikaw kaya bigyan ng cellphone ng crush mo? Kilig diba? Naalala ko tuloy...

Nakangiti kong inopen yung box at nang mabuksan ko na ito, nakita ko na kung anong laman...

Box ng Iphone 5s. Binuksan ko ito at oo, totoong Iphone nga ang laman. Mabilis akong tumayo sa kama at tatalon na sana dahil sa sobrang saya nang mahulog yung box.

Phew! Buti na lang nasa kama yung phone at di nasama sa bumagsak.

Pinulot ko ito at,

'Whenever I see your smile just from a far my heart can't help to beat fastly. Whenever I'm not able to talk to you, my mind can't help to think randomly all about you. You make me happy, you make me nervous and most of all you make me crazy. You don't know what's your effect on me Carly.'

Yan ang nakita kong nakasulat. Pagkaharap ko kung ano yun. Picture ko na stolen at medyo malayo ang pagkakakuha.

Grabe Xeidan, ano sabihin mo nga sa akin? May gusto ka ba? Dali, gusto kong umasa.Pero pano kung wala? Ano tong pinapakita mo? Nakakainis ka naman. 

Secret Desire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon