Desire 2 - Can I get your number?

383 14 10
                                    

"Bakit siya? Kung pwedeng pwede naman ako."

Scarlette's POV

Lumipas ang isang linggo hindi na kami ulit nagkita ni Xeidan. Iisa lang naman kami ng school pero kasi dito pag 1st year ka lahat ng mga 1st year nasa isang building, sa kanila lang lahat yun. Ganun din yung 2nd, 3rd at 4th. Oo, madami ang estudyante dito kaya sinari-sariling building. Iba-iba kaya kapag hindi kayo magka-batch may konting chance lang na magkita kayo. Except na lang kung sasadyain niyong dalawa magkita.

Kaya nakakalungkot, wala pa namang event na mangyayari kaya kahit man lang sa stage na kumakanta si Xeidan hindi ko makita. Tsk. Isang linggo na nakalipas, tagal na. Siguro nakalimutan na ako nun. Hindi ko pa nga nasosoli yung panyo niya. Kahit wala na talaga akong balak isoli.

Teka! Papano ako kakalimutan kung matagal na akong kilala? Namula ako at napangiti sa thought na yun.

"Sige i-push mo lang yang ilusyon mo ha?" sabi ng isip ko. Ano ba yan ang KJ.

Binilisan ko na ang lakad ko at baka ma-late ako sa first subject namin.

Sakto naman habang naglalakad ako nakita ko sa malayo na naglalakad din si Blaire. Kaya tumakbo ako para makasabay siya.

"BLAAAIIIIIREEE!" sigaw ko at inakbayan siya habang naglalakad. Kiniss ko din siya sa cheeks. Oo, ganyan ako ka-sweet dyan. Para ko na ngang kapatid tong babaeng to.

"Yuck kadiri," sabi niya habang pinupunasan yung pisngi niya.

"Ang bruha mo naman." Tapos tinapik ko yung braso niya.

"Haha, joke lang. Bakit parang ang hyper mo ngayon ha?" panguusisa niya.

"Hmm... Sabihin na lang nating masaya kasi ako. Hihi," kilig kong sabi dahil bigla ko na namang naalala noong kinausap ako ni Xeidan.

"Aba! Namumula. Alam mo these past few days ang weird mo. Lagi kang lutang, namumula tas biglang ngingiti. Sabihin mo nga sa akin sino yang iniisip mo? Ikaw ah, di mo sinasabi." Nako kilala talaga ako nitong Blaire na to. Hindi ako makapagtago ng secret.

"Oo na, meron nga. Mamaya ipapakita ko sayo. Pero sa ngayon halina't bilis-bilisan na natin kung ayaw mong mapagalitan tayo ni Mrs. Turreda."

Ayun na nga dumiretso na kami sa classroom. Sakto sabay lang kaming pumasok ni Ma'am. Tinignan lang niya kaming dalawa. Phew! Kaya matiwasay kaming naupo sa upuan namin.

"Announcement class. The day after tomorrow, we will have an event. Actually this event is kinda late already because it's already July. Dapat kasi June pa. So what event? Acquaintance party. The purpose of the party is that every year would be able to get to know each other. Gaganapin to sa SMH (St. Michael's Hall). 1st-4th year sama-samang magpaparty doon. 6:00-10:00 ang time, but if you can't stay up late pwede ka naman nang umuwi. And uh... what to wear? It should be formal. Be ready, dahil meron yatang gagawing kalokohan si Ms. Montereal. Yun lang." Pagkatapos mag explain ni Ma'am umingay yung classroom dahil sa pagka-excite.

"Blaire, omg naeexcite ako," tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

"Scarlette, omg hindi lang ikaw!" Tapos nagtawanan kami.

"Keep quiet!" saway ni Ma'am Turreda. Tigil naman agad kami dahil kung hindi. Nako, takot nalang namin.

"Okay, put everything away. Just get your ballpen. We will have a quiz." Sinunod naman namin siya. Asar, unang subject may quiz agad.

Pinamigay niya na yung questionaire at sinimulan naman agad namin ang pagsagot.

Hanggang sa mabilis natapos ang oras tapos na namin yung quiz at natapos na din ang 2 subject.

Secret Desire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon