Desire 6- Clumsy Girl

335 9 10
                                    

"Yung mapakita niya lang na concern siya sayo? Heaven..."

Scarlette's POV

Hay, kawawa naman yung guy dito sa pinapanuod kong video sa youtube. Akala niya may gusto din sa kanya yung girl. Eh pa-fall lang pala at siya naman ay sige sa expect here and there.

Sabi nga, 'Expectation is the root of all heartbreaks.'

Pero infairness. Habang pinapanuod ko nainggit ako sa bike nung guy. Kung... magpabili din kaya ako ngayon? Total medyo malapit din naman yung school dito sa amin, pag nagkaroon ako nun pwedeng magbike na lang ako papuntang school diba? Tipid din yun sa baon. Lalo na at may pinagiipunan ako ngayon. Tama.

Kaya mabilis akong bumangon sa kama. Pero dahil din dun ay bigla akong nakaramdam na parang binibiyak yung ulo ko. Shit, nakalimutan ko. May sakit nga pala ako ngayon kaya tambay ako sa bahay.

Naalala ko na naman tuloy. Alam kong si Xeidan yung nakakita sa akin bago ako nawalan ng malay. Pero pagkagising ko wala man lang siya sa tabi ko. Iniwan na lang niya ako ganun? Pero baka naman akala ko lang si Xeidan yun pero hindi naman pala, at nag-hahallucinate lang ako? Pero hindi! Papanindigan ko talagang si Xeidan yun. Di ko naman kasi matanong sa text, nakakahiya. Sabihin ang ano ko naman hindi naman niya obligasyon kung may mangyari sa akin diba? Oh well, ginagawa ko ng big deal masyado. Makuntento na lang ako.

Magpapasalamat na lang ako at nakakatext ko si Xeidan baby, di tulad ng iba dyan halos magpakamatay makatext lang crush nila. I'm still lucky after all.

Kahit na ang sakit ng ulo ko, hinawi ko yung makakapal na kumot na nakabalot sa katawan ko at tumayo. Sakto namang pagpasok ni Mama sa kwarto ko, may dala siyang basang towel.

"Oh, Scarlette ayos ka na ba?" Tapos lumapit siya sa akin. Hinaplos niya yung leeg at noo ko. Pero tinanggal ko na din naman yung kamay niya. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.

"Okay na po ako Mama. Ahm.. Ma? Pwedeng favor?" Tapos nag please ako with matching puppy eyes pa.

"Anong okay? Ang init-init mo. Favor? Hmm. Depende." Pinaupo niya ako sa kama.

"Kasi Mama alam mo na, yung mundo natin sira na polusyon here, polusyon there, polusyon everywhere. Ayoko namang makadagdag sa pagsira ng ating mother ea--" Pinutol ako ni Mama habang tinatali niya yung buhok ko pataas at pinupunasan yung leeg ko. Mama talaga, ginagawa akong parang baby.

"Ang dami pang satsat eh, ano ba yun?"

"Eh kasi... bilhan mo ako Mama ng bike please! Parang awa mo na. Gusto ko Mama para makatipid sa baon at makapagipon ako. Please gusto ko ng bike!" At lumuhod ako sa kanya. Para effective.

"Haay nako kang bata ka. Tumayo ka nga dyan. Oo na, bibilhan kita." Mabilis akong tumayo habang nanlalaki mata.

"Talaga?! Yehe--" Aakapin ko sana si Mama kaso bigla ulit siyang sumabat.

"Hep! Pero, sa isang kondisyon. Isang linggo kang maghahain at maghuhugas ng pinggan." Sabi niya habang nakangiti.

"Aray. Sige na nga po. Pero gusto ko Mama yung tandem bike ha? At...." Okay na yan, para sa bike!

"At, color violet. Oo alam ko na yun. Magpahinga ka muna. At mamaya pag may oras ako, bibili ako." Ngumiti ako ng malaki dahil sa sinabi niyang yun. Lakas ko talaga kay Mama. Pero... may naalala ako. Sabado? Ngayon yun diba? Hala.

"Mama! Mamaya pala may turtorial para sa contest sa Math. Sinali ako ng principal namin," pagpapaalam ko sa kanya.

"Yun ba yung papel na pinapirmahan mo sa akin? Eh, may sakit ka. Pwede naman atang sa susunod ka na lang umattend dun anak eh."

Secret Desire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon