Chapter 3

143 5 2
                                    

Chapter 3:


Nakiusap ako kay Ms. M last week na kung pwede sa row narin namin umupo sila Mich, para naman hindi ako na aawkwardan dahil ka row ko ang barkadahan nila Jace.

Heto ngayon hinihintay namin ang teacher namin sa research, dahil labing limang minuto na ang nakalipas wala pa siya. Inip na kaming lahat sa kakahintay, ang tagal niya gutom na gutom na ako. Dahil hindi ako nakapag breakfast kanina kakamadali, kala ko kasi ma lalate na ako sa research class namin. Tapos teacher pala namin ang late.

"I'm very sorry class, may inasikaso lang ako'ng emergency sa bahay. Anyways wala naman tayo masyadong gagawin ngayon." sabi ni Mr. Gomez at nag hiyawan naman ang aming mga kaklase dahil pinaka ayaw ng lahat ang research pag first subject namin. Ikaw ba naman umagang umaga research agad klase mo.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na umiiling iling ang aking katabi habang nilalaro yung ballpen niyang kanina niya pa hawak. Napadiretso ako ng upo ng naramdaman ko na tinignan ako ni Jace. shit shit kalma Janella

"Tss." napaka angas talaga kahit kailan.

Shet feel ko napansin niya yung ginawa ko, gosh ano ba naman to bakit ba ako nagkakaganito.

"Bago ko makalimutan, class listen ang seatmate niyo ang magiging ka partner niyo sa lahat ng activities sa research class natin. Walang aangal dahil even ang number ng class niyo 34 kayong lahat, ayun lang at good bye class. See you all on our next meeting." dire-diretsong sabi ni Mr. Gomez at lumabas na ng room namin. Ano ba naman to sino magiging ka partner ko nito.

Napatingin ako kay Jace na nakabasungot ang mukha, huh, wow ha siya pa ang dehado sa lagay naming to. Mukha ngang sa lahat ng activities namin sa research class tutulugan lang ako nito.

"Kung iniisip mo na tutulugan lang kita pag may activity tayo nagkakamali ka, hays napakamalas ko naman at ikaw ang naging ka partner ko." sabi ni Jace na ikinagulat ko, ano ba to mind reader ba ang isang to? nakakaloka siya pano niya nalaman yon!

Natapos na ang ilan pang klase namin at lunch break na namin, ano pa nga bang bago paunahan umalis ng room ang mga estudyante. Dahil one thing for sure ang haba ng pila sa cafeteria. Next time nga makapag packed lunch nalang iwas gastos den yon. hmp

"Oy Ella tara na sa caf para di na tayo pipila sa pagkahaba haba." yakag sakin ni Mich. Dahil ayaw niya ang napila maikli man o mahaba ang pila ayaw niya. Napaka tamada lang hahaha

Naglakad na kami papunta ng canf and as usual ang daming tao sa corridor, hindi ata nag llunch ang mga to pano yung iba naghaharutan lang kasama jowa nila. Pwede bang ipagpa lipas muna nila yon at kumain muna sila nakakaloka ang haharot.

Pagdating namin ng caf hindi naman ganon kadami ang tao pa, onti palang ata ang awas minsan kasi grabe din ang mga teachers kung mag overtime kahit nag ring na ang bell sige parin sa pag lecture. Kaya ang bagsak ang mga estudyante gutom na gutom na. Well sila den naman gutom na kaya pag nag bell na tigil na ang klase!

Napakaw naman ang atensyon ng lahat ng napasok sa canteen kasama na kami doon dahil sa tawanan ng mga kala lakihan na nakaupo magkakasama sa isang table. Madaming kinikilig habang papasok sila ng canteen hindi ko alam ang masabing dahilan bakit sila kilig na kilig.

"ang gwapo talaga ni Sandro"

"kinikilig ako oh my gosh nasa canteen silang lahat"

"oh lupa lamunin mo na ako sa kilig"

"si Papa J parin pinaka gwapo sa lahat"

Iilan yan sa mga naririnig ko sa mga estudyante dito, sino ba mga kinakikiligan ng mga to at wala ng ginawa kundi umirit ng umirit. Habang naghahanap kami ng mauupuan kita ko naman ang pagsinghap ng mga lalaki sa canteen at nakatingin lang sila sa aming tatlo, saming tatlo nga ba o baka naman assuming lang ako? hahaha

Napatingin ako sa gawi nila Jace at nahuli ko nakatingin sakin yung lalaking Sandro ata ay ewan ko ba kung sino yon.

"Bes, yan si Alessandro Velez siya ang co-captain ng basketball team balita ko single yan. Yiee nakatingin sayo Ella." tukso sakin ni Nicole. Hala tong lukaret na to nireto ba naman ako sa taong di ko naman kilala.

Pero okay na den siya,  yung color ng skin niya, defined jawline, mapupula yung labi, yung mata niya parang nakaka hypnotized. Ay ano ba tong sinasabi ko erase erase erase. Hala shet ngumiti siya shet shet

Napatingin ako kung saan nung nakita ko siyang ngumiti sakin, gosh nakakahiya siguro nakita niya atang nakatingin ako sa kanya.

Puro tukso ang natanggap ko mula kay Mich at Nicole, dahil sa pag ngiti ni Sandro sakin. Okay I admit gwapo siya, hindi ko na itatanggi iyon.

"Ang ganda talaga ni Janella, hays biruin mo si Sandro na napaka seryoso sa lahat ng bagay nginitian si Janella!" Kinikilig na sabi ni Nicole. Naramdaman kong nag init ang aking pisngi, gosh bakit ako kinikilig?

"Ako'y tantanan niyo ngang dalwa! Hmp kanina pa kayo hindi na tayo nakakain! Hahahaha" awat ko sa kanilang dalwa. Kasi feel ko para na akong kamatis dito.

"Suuuuus ang sabihin mo, kinikilig ka lang kasi crush mo si Sandro! " Sabi ni Mich, at napatingin ako sa gawi nila Sandro.

Sht nakatingin nanaamn siya samin, kausap niya yung asungot kong seatmate. Ano kaya pinag uusapan nila, ngingiti ngiti pa si Sandro nung tumingin ulit sakin. Ako na ang umiwas ng tingin dahil nakakahiya, baka isipin niya crush ko siya. hindi mo nga ba crush?
















Jace's POV

As usual, bulungan nanaman ng mga tao ang naririnig namin. Wala na bang bago? Nakakasawa na kasi eh.

Napatingin ang buong team sa may pinto ng canteen ng nakita nilang papasok na ang tatlong babae, sino pa ba si Mich na girlfriend ni Josh, si Nicole na crush ni Alex at ang seatmate kong nakakaasar.

"Ayan na pala crush mo Alex eh, yieee ganda na ng araw niya." Tukso ni Andrew kay Clark. Loko talaga kahit kailan.

"Who's that girl? Yung kasama nila Mich? New student? " Narinig kong tanong ni Sandro. Is he pertaining to Janella?

Nakita kong nakatingin si Sandro kay Janella at nagkatitigan silang dalwa. Nginitian pa ni Sandro si Janella. Tss

"Do you know her Jace? She looks nice. " Tanong sakin ni Sandro kaya naalis ang atensyon ko don sa tatlo.

"Yeah, she's my seatmate. Janella Andrada. " Sagot ko kay Sandro.

Nakita kong ngingiti ngiti si Sandro at tumingin pa sa table nila Janella nung sinabi ko pangalan ng seatmate kong nakakainis, kala mo naman maganda tss.

"Type mo dude? " Di ko maiwasang itanong kay Sandro. Wala naman masama magtanong.

"Hmmm pwede na dude, hahaha lets see. " sabi ni Sandro.

He's not the type of guy that goes around and flirt with anyone, hindi ko nga alam kung may girlfriend ba to or wala.

"Ikaw ba? Hindi mo type?" Tanong niya sakin pabalik. No way!

"HAHAHAHA are you kidding me Sandro? Yan? She's not my type bro. She's a very annoying seatmate. " Sabi ko. She really isn't my type.

"Bro sure ka ha? Baka mamaya kainin mo din yang sinabi mo. Hahaha! " sabat ni Josh sa usapan namin ni Sandro.

Asa! Asang mangyari yon na kakainin ko yung sinabi ko! Si Janella magiging type ko? Geez







to be continued...

Between Two Hearts | [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon