Chapter 2

201 7 2
                                    

Chapter 2












Janella's POV

Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa mga makakasalubong ko sa school, because yesterday was the most embarrassing moment of my life!

Kanina pa ako nakarating sa aking bagong papasukan na school. Wala pang masyadong tao kaya konti palang ang nakikita ko sa paligid.

Tinignan ko ang map na dala dala ko, binigay sakin toh nung nag enroll na ako dito. This map is for the transferees para daw hindi na kami mahirapan maghanap, kung saan yung mga lugar na dapat naming puntahan.

Nahanap ko naman agad ang registrar's office dahil yun ang kailangan ko munang puntahan para ma ipasa ang ilang requirements na hinihingi nila. Pinasa ko agad ang mga dala ko at lumabas na ng office.

Sasakay sana ako'ng elevator, pero ang dami ng naghihintay kahit na nasa second floor lang ako. Tinignan ko ang paligid at ganon nalang kabilis ang pagdami ng estudyante kumpara mo kanina.

Wala na akong choice kung hindi maghagdan pababa. Apat na hakbang nalang ay nasa first floor na ako pero pahakbang palang ako ng naramdaman kong may bumagsak sa balikat ko na malamig na bagay at nagalaw.

When I look at my shoulder, nakita ko ang isang butiki na nakaharap pa sakin! Napasigaw ako dahil pinaka ayaw ko sa lahat ay ang butiki, sa kamalasan ko pa nga naman dahil pinagpag ko iyon na out of balance ako at nagdire diretso pababa.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!"

Hindi nga kao lumagapak sa sahig, nakadagaan naman ako sa isang tao na hindi ko pa kilala.

Pinagmasdan ko ang paligid baka nandyan yung nakasambot sakin kahapon, at salamat naman wala dahil sa totoo lang hiyang hiya ako sa kanya pero at the same time I'm thankful because he was there. Yes lalaki siya, kaya lalo ako'ng nahiya nadagdagan pa lalo ng nakita ko kung gaano ka gwapo ang lalaking iyon, hindi ko na talaga alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Naglakad na ako papasok sa loob ng hindi ko siya nakita sa paligid. Hindi ko na nahanap ang room ko kahapon dahil nag orientation na ang mga new students at half day lang din kasi first day palang naman. Napag alaman ko rin na 2 weeks before mag regular classes maraming activities na gagawin sa University para maramdaman daw ng transferees na welcome sila sa University.

Nagtungo muna ako sa information office upang itanong kung saan sa building na ito, dahil doon ang aking classroom. May mga section din dito tatlong section kada year level. Hindi porket section A ka ay matatalino na kayong lahat equally divided ang mga estudyante dito ayon sa information office.

Matapos ng ilang ikot sa sobrang laki ng University na toh, nakadating din agad ako sa classroom na sinabi sakin at mukhang nagsisimula na sila. hay nako Janella second day palpak ka parin. Nakakahiya naman kung basta basta ko nalang bubuksan yung pinto ng di manlang kumakatok.

Kumatok muna ako at nakita naman agad ako ng teacher na nasa harapan dahil may salamin sa gilid yung pinto at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Ahhh, hello po good morning po ako po yung transferee, sabi po kasi sa information office dito raw po yung classroom ko. Ako nga po pala si Janella Arwen Andrada." magalang kong pakilala sa teacher na nasa harap ko, mukha siya ang aming Adviser.

Tinignan muna niya yung papel na hawak hawak niya at may tinignan na di ko alam. Tumingin naman agad siya sakin at ngumiti ng napakalawak. Huh?

"Tamang tama, I was about to call you dahil nag r-roll call kami, Halika na sa loob btw I am Ms. Mojado." sabi niya sakina at niyakag na ako sa loob.

Between Two Hearts | [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon